Excited na lumabas ng sasakyan si Sabina. Bakas sa mukha nito ang kasiyahan habang naglalakad sa pasilyo at nakahawak sa aking kamay. She really look so lovely with her pink dress, she's like my girl version. Walang duda na isa nga siyang Montefalcon! At mukhang namana rin nito sa akin ang galing sa pagmamanage ng negosyo. Kaya ngayon pa lang ay sasanayin ko na siyang maexpose sa mundong ginagalawan ko. Dahil sa kanya ko rin naman lahat iiwan ang lahat ng mga pinaghirapan ko. "Ang cute talaga ng anak ni Sir Samuel noh!" Narinig ko pang sabi ng mga nadadaanan naming empleyado. Syempre naman, only daughter ko yata yan! Proud na sigaw ng isip ko. "Sus, nagtaka ka pa! Eh gwapo ang ama kaya maganda rin ang anak syempre!" Tugon naman ng isa. Talaga! Sigaw ulit ng isip ko. Lahat ng mga naka

