"Good morning daddy!" Masayang bati ni Sabina, habang pinupugpog ng halik ang buong mukha ko. Inaantok pa sana ako kaya lang alam ko na hindi niya ako titigilan hanggang hindi ako nagigising. Kaya kahit mabigat pa ang aking mga talukap ay pinilit ko na itong imulat. Sa kwarto ko siya natulog dahil natatakot daw siya sa kanyang silid. Ako pa ang sinisisi niya dahil doon ko daw pinatulog ang monster na babae malapit sa kwarto niya. Napapailing na lamang ako, at nakahanap pa talaga ng dahilan ang aking anak, if I know ay gusto lang talaga niya akong makatabi sa pagtulog. Mabilis ko siyang hinila sa aking tabi at pinagkikiliti sa tagiliran, kaya naghihiyaw ito at malakas na tumawa. "D-daddy! Stop it! Stop it!" Hiyaw nito habang panay ang iwas ng kanyang katawan. Ngunit hindi ko siya pinaking

