"Cassy! Tawag ko sa babaeng nakatalikod. Mabilis ko siyang nilapitan at hinila paharap sa akin. Mariin kong tinitigan ang kanyang magandang mukha, halos maluha akong habang marahan kong hinaplos ang magkabilang pisngi niya. Sa wakas! She's back! Sigaw ng isip ko. "I'm sorry baby-" ngunit hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko nang ilapat niya ang kanyang hintuturo sa aking labi. Napangiti na lang ako at hinalikan ang mga daliri nito sa kamay. Wala naman itong naging pagtutol at matamis lang na ngumiti sa akin. Kaya unti unti kong ibinaba ang aking mukha sa kanya upang paglapatin ang aming mga sabik na labi, ngunit nang sulyapan kong muli ang mukha ni Cassy at biglang mukha ni Carmela ang nakita ko. "Ahhhh!" Malakas na sigaw ko, kasabay ng pagbagsak ng aking katawan sa matigas na sa

