Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko habang nakatingin sa ibaba. Kung saan nakikita ko ang malawak na kadiliman na tanging mga maliliit na ilaw lamang ang nagsisilbing liwanag. Na nagmumula sa mga bahay at mga establishment na nadadaanan namin. Kasalukuyan akong nakasakay sa chopper, dito ako pinasakay ng lola ni Samuel para makarating agad ako sa Manila. Kagaya ng sinabi nito ay bumalik ito sa kwarto ko nang makaalis na ang apo nito. Nag alala pa ako kanina na baka pinapaasa niya lang ako at hindi naman talaga niya ako tutulungan. Ngunit sadyang mabait ang matanda at inunawa nito ang kalagayan ko. Pasado alas otso na ng gabi nang marating namin ang rooftop ng Montefalcon Corporation. Katulad ng sinabi ng lola ni Samuel na maghihintay sa parking lot ang company car nila na m

