"Thank god you're awake na apo!" Bungad ng isang matandang babae na nakaupo sa gilid ng hinihigaan kong kama. Kulay abo ang buhok nito na hanggang leeg ang haba. Tanya ko ay nasa 60 to 70 years old na ito. Maaliwalas ang mukha niya at mukhang mabait. Agad akong napaahon sa pagkakahiga at ibinalot ang kumot sa aking katawan habang pilit na isinisiksik ang sarili sa headboard ng kama. Bumakas ang pag aalala sa mukha ng matanda, kunot noo naman akong humarap sa kanya. Maya maya ay nagbago ang mukha nito at matamis niya akong nginitian. Marahan niyang ginagap ang aking isang kamay at ikinulong sa kanyang dalawang palad habang masuyong pinipisil. Waring iyon ang paraan niya upang akoy pakalmahin ako. "Wag kang matakot sa akin ihja, ako si lola Carmela ang lola ni Samuel." Nakangiting pakilala

