Nagulat ako sa biglang hawakan ni Samuel ang isang kamay ko. Wala na akong nagawa pa ng hilahin niya ako palayo sa mga bisita at pumasok kami sa loob ng bahay. Kunot noo akong napatingin sa gawi niya ng huminto kami sa katabing kwarto na para sa kambal. Napansin ko na ilang araw siyang laging pumapasok dito, at kapag sinusundan ko ay nakalock ang pinto. Hindi ko na lamang inulirat pa ang tungkol dito at baka may inihahanda nanaman siyang surpresa. Parang hindi nga ako nagkamali batay sa nakikita kong reaksyon ng mukha nito. Marahang pinihit ni Samuel ang seradura ng pinto, pigil ang paghinga ko habang inaantay itong bumubukas ng tuliyan. Napupuno ng sari saring emosyon ang dibdib ko na para bang anumang sandali ay maari na itong sumabog. I was speechless when I saw what's inside the room

