Excited kong sinalubong ang pamilya ko habang papalapit sa hardin kung saan gaganapin ang munting selebrasyon para sa aming mga munting anghel. Si Samuel mismo ang naghanda ng revelation party na ito kaya karamihan sa mga bisita ay mga kakilala at kaibigan nito. Well, wala naman kasi akong ibang kaclose na kaibigan kundi si April at Trish lang. Ngunit matagal ng naputol ang ugnayan naming tatlo mula noong nakita ko si Trish at Aries sa condo nito. Wala na rin naman akong galit na nararamdaman para kay Trish. Mas pinili ko nalang na maging masaya para sa kanila kung sila man ang magkatuluyan. Ayoko ng isipin pa ang mga bagay hindi nakakapag dulot ng maganda sa akin, dahil ayokong may mangyaring masama sa mga anak ko. Sa ngayon ay mas priority ko ang pamilya na sinisimulan naming buuin ni Sa

