Nagising ako sa malakas na iyak ni Sabina. Agad akong bumangon para kunin ito sa crib na pinahiram ni ate Jean. Tsaka na lamang ako mamimili ng mga gamit niya kapag naging maayos na ang isip ko. "Hush... baby Sabina, mommy's here!" Sabi ko na ginaya ang laging sinasabi ni Samuel dito at marahan itong isinayaw. Ngunit lalo lang lumakas ang iyak ng aking anak. Nang sulyapan ko ang orasan ay alas dos na ng hapon. Kaya pala sobrang sakit na ng aking tiyan. Mula kaninang umaga ay hindi pa ito nasasayaran ng kahit ano. Maging tubig ay hindi ko magawang uminom. Naglakad ako pabalik sa aking higaan at pinadede ito ngunit iniwas lang niya ang kanyang mukha, tanda na ayaw niya. "Anak anong oras na, hindi ka pa dumedede!" Kausap ko dito, ngunit patuloy lang ito sa pag iyak. Napapaiyak na rin ako

