"Awatin mo na malilintikan tayo n'yan sa parents n'ya." ani Alvin kay Nathan habang mag-isang nag iinom si Abby sa isang bar. Halata na itong lasing pero tuloy pa rin ang salin ng alak sa baso nito. Hindi n'ya maawat si Abby dahil bago pa ito mag start mag-inom nag banta na ito na kapag inawat n'ya ito hahanap talaga ito ng ibang lalaki daw na babayo rito at seryoso daw ito kaya wag n'yang subukan. Malakas ang toyo nito dahil sinabon ng husto ng head doctor na napag alaman n'yang ina pala ng masugid at makapal ang mukhang doctor na may gusto kay Abby. "Ikaw ang sumaway ikaw ang naka-isip." umiling naman agad si Alvin. "Bantayan na lang natin." "Hoy! Kayong dalawa lumapit kayo. Inumin n'yo ito." sinalinan ni Abby ng whisky ang baso na halos mangalahati saka inabot kay Alvin. "Bottoms

