"Asan si Nathan?" tanong ni Abby kay Alvin ng hindi makita ang binata. "Umalis lang sandali ma'am d'yan dumaan, may dumating kasing isang babae kanina. Parang nag-aaway sila girlfriend ata ni Nathan." napalingon naman si Abby kay Alvin. "Dito ka lang ako na lang muna ang susunod kay Nathan." "Hindi puwede Doc Abby, mahigpit ang bilin ni Nathan wag ako aalis sa tabi mo. May aayusin lang daw s'ya sandali." 'Tsk! Basta dito ka lang." inis na utos n'ya rito napakamot naman ng ulo si Alvin at wala ng nagawa kundi sumunod na lang sa utos. ******* Tahimik lang na nakasandal si Abby sa pader habang nakikinig sa usapan ni Nathan at Lindsay sa fire exit ng hospital. Gusto n'yang magalit at the same time gusto rin n'yang intindihin si Nathan. Base sa usapan ng dalawa kailangan ni Nathan na ma

