Nakasubsob sa sariling tuhod n'ya si Abby, habang isa-isang na aalala ang mga pinag sasabi n'ya kagabi sa audio room. Ayaw na n'yang lumabas ng quarter n'ya. Kanina pag pasok n'ya para mag rounds sa mga bata nilang pasyente, panay ang ngiti sa kanya ng mga sundalo at binabati s'ya na Boss Capt na pinag tataka pa n'ya ng una pero ng isang italian Doctor ang nag parinig sa kanya ng ginawa n'ya kagabi daig pa n'ya ang nasabugan ng granada. Agad-agad s'yang nag excuse habang nanalangin na sana may bumagsak na meteor sa kampo at damay-damay na silang lahat na mawala sa mundo. At habang pabalik s'ya sa quarter n'ya daig pa n'ya ang mag nanakaw na patago-tago kapag may nakakasalubong s'yang mga sundalo. Kung ganun hindi panaginip yung na aalala n'ya kagabi, na aalala n'ya ang mga sinabi ni Nath

