Nakatingin si Abby sa dalawang helicopter na paalis. Alam n'ya nasa likuran lang n'ya si Nathan at ilang sundalo na nag hatid sa CIC ng mga ito. Nang tuluyan ng mawala ang helicopter agad ng umalis si Abby pero agad naman na sumunod si Nathan. "Can we talk?" "Tungkol saan?" Patay malisyang tanong ni Abby na deretso ang lakad. "Sabihin mo na sa akin kung anong alam mo kay Papa at tutulungan kita sa kahit anong paraan kung ano man ang pinag lalaban mo?' napahinto sa pag lalakad si Abby sabay lingon kay Nathan na huminto din sa pag lalakad. Buwist! talaga kelan ka ba magiging pangit sa paningin ko?" Tanong ni Abby sa sarili, humakbang s'ya papalapit sa binata. "Bakit gagawin mo yun?" "Kung nasa tama ka at wala akong lalabagin batas, kakalabanin ko si Papa kasama ka. Pero kung may iba

