"Muntik ko ng malunok ang kutsara." bulalas ni Nathan na pigil ang matawa na uminom ng tubig. "Ang gago mo, puro ka punchline sa online mo lang pala kinukuha akala ko pa naman totoo, nakakawala ka ng ganang kumain." "Upo." sigaw ni Nathan na ikinagulat ni Abby na tatayo na sana pero nagulat sa sigaw ni Nathan. "Kain." muling inabot ni Nathan ang kutsara sa dalaga. "Dinadaan ko lang sa joke kasi na hihiya ako, ngayon lang ako nag kagusto sa babae at hindi ko alam kung paano ka ihandle, malandi ka lang pero alam ko na na ngangarap ka pa rin ng mala fairytale na love story. Na hindi ko alam kung kaya ko bang maging isang Prince Charming mo dahil sa laki ng trust issue mo. Malabo mo akong makitang isang knight and shining armour mo." ani Nathan habang nag himay ng karne ng manok na isinubo

