" Sino ba namang hindi makaka-alam ng pinaplano mo, eh bukang bibig mo yan kanina. Naririnig kaya kita. Dapat kasi kapag mag-plano tahimik hindi yung maingay." tawang saogt ni Anna sa tanong ko sa kaniya kung paano niya nalaman na ipa-prank ko siya.
"Kaya inunahan na kita" dagdag ni Anna habang tumatawa siya.
Habang tumatawa siya, napadilat nalang siya ng tumunog ang kaniyang sikmura, mas malakas pa sa tawa niya. Niyaya ko siyang kumain, dahil nagugutom na rin ako. Ito ang first time na nakasabay ko siyang kumain.
Nagkukuwentuhan kami habang kumakain ng may napansin ako sa pinto na parang may sumisilip. Ang pinto kasi ng hospital ay may maliit na salamin sa may taas nito o kaya sa ibang kuwarto ay dito sa may handle nakalagay.
Tinanong ko si Anna kung may bibisita ba sa'kin ngayon, pero sabi naman niya ay wala. Ibig sabihin lang nito, kami lang dalawa ang magkasama ngayon. Nahahalata kong gustong pumasok ng lalaki sa kuwarto. Kaya dali-dali akong tumayo at pumunta sa pinto. Napansin ito ng lalaking nakasilip sa labas, kaya hindi na siya sumisiilip sa salamin. Sinabihan ko kaagad si Anna, kapag may mangyari sa'kin tawagan niya kaagad si mama.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng kinabahan ako kaagad, baka mangyari na naman sa akin yung mga nanagyari nakaraang linggo, bahala na basta safe lang si Anna. Pagkabukas ko ng pinto, isang matangkad na lalaki ang nakita ko, pagtingin ko sa mukha napangiti ako dahil si France ang lalaking sumisilip.
Pinapasok ko kaagad siya para makapagpahinga ito, kakagaling lang niya sa school at bumiyahe pa siya dito para bisitahin ako. Di siya makapaniwala na gising na ako, niyakap ko siya kaagad dahil excited akong makita siya.
"David, I am glad na gising kana" nakangiting banggit nito sa akin habang nakayakap ako sakaniya.
"Oo naman, nakikita mo naman diba" pabirong sagot ko sakaniya, tiningnan ko siya at makikita mo sa kaniyang mukha ang saya na makita ako ulit.
Masaya kaming tatlong nagkukuwentuhan sa loob ng dumating na si mama. Pagkarating ni mama, sila France at Anna ay umalis na. Alam kong may mga gagawin pa sila, lalong lalo na si Anna na magdamag akong sinamahan. Pagkaalis nila, kinausap ako kaagad ni mama kung bakit nandito si France.
"Bumisita lang po siya" sagot ko sa tanong ni mama, nakakapagtaka dahil kilala naman niya si France nuon pa, hindi ko alam kung bakit ganun ang tanong niya.
Nakahiga lang ako at iniisip ko ang tanong sa'kin niya kanina, nakakapagtataka. Dahil dito sa curiosity ko, tinawagan ko si France para tanungin sa kaniya ang mga nangyari sa loob ng isang linggo. Kung nag-away ba sila ni mama o kaya may hindi pagkaintindihan silang dalawa.
Hindi sumasagot sa mga tawag ko si France, kahit na ang mama niya ay hindi rin sinasagot ang mga tawag ko. Alam ko kapag uwian ay nasa bahay lang yun ng magulang niya. Pero alam ko minsan baka nasa sarili niyang bahay.
Oo, may sariling bahay ang kaibigan ko, nakatira siya sa condo. Hindi ko nga alam kung paano siya nakalipat sa magarang condominium, na halos dati wala silang makain dahil sa kahirapan. Minsan noon, kapag bumibisita ako sakaniya, nagdadala ako ng bigas tsaka mga pagkain. Ngayon umangat na ang kalagayan nila, dahil na rin siguro sa pagsisikap ni France para maitaguyod ang pamilya niya.
_______________________
Isang linggo ang nakalipas ng walang bumibisita sa akin, kundi si mama lang ang kasama ko lagi. Natapos na ang mga test na kailangan ng mga doctor, hinihintay na lang ang mga resulta at kung mabuti naman ang lumabas ay puwede na ako lumabas.
Dalawang linggo na akong hindi nakakapasok, hindi ko na alam ang mga nangyayari sa school. Siguro alam naman nila ang kalagayan ko.
Natutulog si mama at ako ay nanonood, ng may pumasok na isang lalaki at kinausap ako.
"Bakit?" tanong ko sa misteryosong lalaking pumasok sa kuwarto ko.
"Kaibigan mo ba si France?" tanong niya sa akin, na ikinagulat ko, paano niya nakilala si France.
"Oo, bakit?" pabalik na tanong ko sakaniya, pero hindi na siya sumagot at may inabot siya sa akin na sobre at lumabas na siya kaagad.
Dahil sa pagiging curious ko sa mga bagay, binuksan ko ang sobre at may laman itong sulat. Binasa ko ito at laking gulat ko ng makita ko ang sulat na
'p****r ang kaibigan mo'
Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko, hindi lang sulat ang laman ng sobre kundi may mga proof o ebidensiya na picture ang kasama nito. Hindi ko namalayan na nagising na pala si mama at hinablot ang sobreng hawak-hawak ko.
"Ngayon alam mo na?" nakasimangot habang tinanong niya ito sa akin.
________________________________
Kinuwento ni mama sa akin kung paano niya nalaman ang tungkol dito. Nalaman niya ito ng dahil sa mama ni France. Bago lang din nalaman ng pamilya niya ang mga ginagawa niya simula highschool.
Noong highschool pa kami nagkaroon na siya ng bahay, ngayon ko lang nalaman kung saan niya kinukuha ang pangbayad sa condo.
Dahil sa drugs may naipambabayad siya kahit na wala pa siya sa legal age para magtrabaho at kumikita ng umaabot sa 6 digits..
Kinuwento rin sa akin ni mama kung gaano karaming pera ang nakukuha niya sa pagbebenta ng droga. Umaabot na raw ngayong ng isang bilyon. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng sinabi niya sa akin.
______________________
Nakalabas na ako ng hospital at mabuti naman ang mga results sa mga test.Kaya dali-dali akong pumunta sa condo ni France.
Pagdating ko, hindi ko naabutan ang kaibigan ko. Nagdecide nalang ako na hintayin nalang siya dito, dahil hapon na rin naman kaya magsisi-uwian na rin ang mga estudyante.
Mag-gagabi na at wala pa rin si France sa kaniyang unit. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot. Nag-decide nalang ako na umuwi at makapagpahinga dahil kakalabas ko lang ng hospital.
Paglabas ko ng elevator, nakita ko ang motor ni France na pababa sa basement parking. Sinundan ko ito kaagad para mahabol ko pa siya.
Hingal na hingal akong tumatakbo para mahabol siya, pero bigo pa rin ako ng umikot lang siya at palabas na ito ulit.
Hindi ko na talaga alam ang mga pina-plano niya dahil noon lahat ng mga iniisip niya ay nahuhulaan ko.
"Sana naman France hindi ka mapunta sa maling kamay."