France Presepyo

1437 Words
" Sino ba namang hindi makaka-alam ng pinaplano mo, eh bukang bibig mo yan kanina. Naririnig kaya kita. Dapat kasi kapag mag-plano tahimik hindi yung maingay." tawang sagot ni Anna sa tanong ko sa kaniya kung paano niya nalaman na ipa-prank ko siya.  "Kaya inunahan na kita" dagdag nitong sabi kahit na  tumatawa. .  Habang tumatawa siya, napadilat nalang siya ng tumunog ang kaniyang sikmura, mas malakas pa sa tawa niya. Niyaya ko siyang kumain, dahil nagugutom  na rin  ako,. Ito ang first time na makakasabay ko siyang  kumain. Nagkukuwentuhan kami habang kumakain ng may napansin ako sa pinto na sumisilip. Ang pinto kasi ng hospital ay may maliit na salamin sa may taas nito o kaya sa ibang kuwarto ay dito sa may handle nakalagay. Tinanong ko si Anna kung may bibisita ba sa akin ngayon, pero sabi naman niya ay wala. Ibig sabihin lang nito, kami lang dalawa ang magkasama ngayon. Nahahalata kong gustong pumasok ng lalaki dito sa kuwarto.  Kaya dali-dali akong tumayo at pumunta sa may pinto. Napansin ito ng lalaking nakasilip sa labas, kaya hindi na siya sumisiilip sa salamin. Sinabihan ko kaagad si Anna, kapag may mangyari sa'kin tawagan niya kaagad si mama.  Bubuksan ko na ang pinto ng kinabahan ako kaagad, baka mangyari na naman sa akin yung nanagyari nakaraang linggo, bahala na basta safe lang si Anna. Pagkabukas ko ng pinto, isang matangkad na lalaki ang nakita ko, pagtingin ko sa mukha napangiti ako dahil si France lang pala ito. Pinapasok ko kaagad siya para makapagpahinga ito, kakagaling lang niya sa school at bumiyahe pa siya dito para bisitahin ako. Di siya makapaniwala na gising na ako, niyakap ko siiya  kaagad dahil excited akong makita siya.  ________________________ France POV:  "Nakakainip naman ng klaseng ito, buti naman last na'to.' sabi ko sa sarili ko habang nakikinig sa professor namin sa Biostatics. Ako ay 3rd-year student ng Bachelor of Science in Nursing. Ngayon ay last subject na namin at hindi na ako mapakali dahil nagtext sa'kin si Anna na gising na ang bestfriend kong si David. Naghintay akong mag bell dahil ang professor namin ay nagkukwento na naman sa past love-life niya na tragic naman ang ending. Biruin mo naman, hindi na nga everyday pumapasok si prof pero ang daldal niya kung tatanungin tungkol sa love-life niya noong binata pa siya.  Anyway, balik tayo kay David, nasa labas na ako ng school which is the University of Makati, same kami ng pinapasukan ni David kaya excuse siya ngayon dahil sinabihan ko ang mga proffesor niya na naaksidente siya.  Nandito na ako sa parking lot at pasakay na ako ng motor ko ng may napansin akong nakadikit na papel sa headlight. Kinuha ko ito at binasa. "Pumunta ka sa basement"  - N Pagktapos kung basahin ang sulat, tumakbo ako kaagad papunta sa basement upang puntahan ang taong sumulat nito. Pagkarating ko sa basement, may isang lalaki ang lumapit sa akin at hinila ako.  "Bakit? Sino kaba?" galit na tanong ko sa lalaking humila sa'kin.  "Alam ko lahat ng mga ginagawa mo." pasigaw na sagot ng lalaking humila sa akin.  Kinabahan ako sa sinabi niya, anong nalalaman niya sa akin? napaka-secretive kung tao, imposibleng malaman niya lahat ng mga ginagawa ko.  "Kuya, ano bang ibig mong sabihin? may kailangan ka ba sa'kin? pasimpleng tanong ko sa kaniya. Nahahalata ko sa mga mata niya na namumula at nanlalaki, sa tingin ko adik itong kausap ko.    "Alam kong nagbebenta ka ng shabu, kaya sana naman pagbilhan mo ako." pagmamaka-awa ng lalaki habang nakahawak sa binti ko. Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi naman ako nagbebenta ng shabu.  "Kuya, maling tao ang pinuntahan niyo, estudyante po ako hindi p****r" sagot ko sakaniya, napagkakamalan na tayong p****r.  Nabigla akong tinutukan ng baril, pinipilit niya akong bigyan siya ng droga, kahit isang ganun ay wala ako. Ipuputok na sana nito ang baril ng biglang dumating ang mga guards. Nagkaputukan na sa basement, kaya tumakbo na ako papabalik sa parking lot.  Pagkalabas ko, nakarating na rin ang mga pulis. Nagsilabasan na rin ang mga estudyante at mga school staffs, pati na rin ang mga tao sa labas ay pumasok na sa campus.. Lumabas na ang mga pulis, kasama ang lalaking nagtangkang bumaril sa akin.  Nilapitan ako ng proffesor ko at kinamusta ako. Tinanong ko  siya kung bakit nalaman ng mga guards na may lalaking nagtatangka sa buhay ko.  "May nakapansin sa'yo na bumaba ka sa basement". sagot ni proffesor sa'kin. _____________________________ Umuwi na ako pagkatapos kung malaman kung paano nalaman ng mga guards na pumasok ako sa basement.  Habang nagmamaneho ako, may isang truck ang humarang sa daan. Sampung lalaki  ang bumaba sa truck at nilalapitan nila ako.  Habang papalapit pa sila sa akin, nagreact na ako kaagad at inikot ang motor papunta sa direksyon kung saan ako nanggaling. Tiningnan ko sa side mirror at nakita ko na sumakay sila pabalik sa truck at ang bilis ng patakbo nila. Buti nalang walang halos mga saskyan sa ngayon dito. Kaya binilisan ko pa lalo ang pagmaneho upang hindi nila ako maabutan.  Umabot na ako sa EDSA pero hindi pa rin sila tumigil sa kakahabol sa akin. Na-stuck na ako sa traffic, buti nalang motor ang gamit ko kaya madali akong nakakasingit sa mga sasakyan. nalagpasan ko ang mga sasakyan at ang truck naman na humahabol sa akin ay naiwan sa may Edsa-Guadalupe. Nandito na ako sa Quezon City at malapit na ako kung sana  naka-confine si David. Masaya at mabilis ang biyahe ko ng nakita ko ang kotse ng papa ni David papunta sa direksyon ng hospital. Hinabol ko ito para pigilan siya. Dahil alam kong mag-iiba ang mood ni David kapag makita nito ang papa niya.   ___________________ Naabutan ko ang kotse ng papa niya sa may bandang QC memorial paliko na ito ng East Ave, ng maharang ko.  Bumaba kaagad ang papa ni David na si Dems na makikita mo sa mukha niya ang inis.  "Anong ginagawa mo!" galit na galit na salita ni Dems.  "Bakit? Pupunta ka sa anak mo? Wag na, hindi ka niya kailangan." sagot ko sakaniya, rumerespeto pa rin ako dahil ama pa rin siya ng kaibigan ko.  "Aba, nagsalita naman ang lalaking nakatakas sa mga  tauhan ko kanina" mahinang sagot niya. Umulit ng umulit ang mga salitang narinig ko na galing sa bibig niya "tauhan ko kanina". Ibig sabihin siya ang may utos na habulin ako ng mga lalaking nakasakay sa truck.  "Bakit moko pinapahabol ha! wala naman akong ginagawa sa'yo," pagalit kong sagot sa kaniya, hindi ko  na talaga matiis siya. Kung hindi lang siya ama ni David, matagal ko na siyang sinuntok.  " Alam mo France, manahimik ka nalang kundi isusumbong kita sa pulis. alam kong nagbebenta ka ng drugs kaya wag kanang manlaban sa akin. may mga ebidensiya ako, at tsaka yung lalaking pumunta sa school niyo. Tauhan ko yun, tsaka yung mga pulis, show lang yun lahat. Ganyan ka pala sa likod ng kaibigan mo, ang sama mo! " sinasabi niya ito sa akin, habang pinapaikot niya ang daliri niya sa mga buhok ko. Dahil dun sa sinabi niya, wala na akong magawa pa kundi pabayaan nalang siya na pumunta kung saan man siya papunta Wala na akong paki-alam kung pupuntahan ba niya si David o hindi.  Oo, nagbebenta ako ng drugs. Kaya ako ay yumaman ng dahil dito. Hindi ito alam ng pamilya ko at kahit na si David hindi ito alam. Pero ang pinag-alala ko ay bakit nalaman ng papa ni David na ganito ako.  ___________________ Umalis na ang sasakyan ni Dems, sumakay na rin ako sa motor ko para puntahan si David at sasbihin sa  kaniya ang lahat ng mga ginagawa ko sa likod ng pamilya ko at sa kaniya.  Nakarating na ako sa East Avenue Medical Center, dumiretso na ako sa kuwarto ni David, pagkarating ko dun, nakita kong nakasarado ang pinto kaya sumilip ako sa may parang salamin sa may taas nito. nakita ko sa loob na magkasama sila David at Anna, nagbago ang isip ko ng makita ko silang masaya. Sana naman hindi masira ang pagkakaibigan namin kapag sinabi ko sa kaniya kung ano talaga ako, hindi lang kay David pati na rin kay Anna na pinsan ko.  Uuwi na sana ako kaso napansin ko si David na papalapit sa pinto, parang napansin niya ako sumilip kanina. Mamaya nalang ako uuwi, baka madi-disapoint sa'kin si David at hindi ko muna sasabihin sakaniya. Baka mabigla ito, at mahimatay pa, alam kong hindi pa stable ang kalagayan niya. kaya bahala na si Batman.  Nakita ko na binuksan ni David ang pinto at pagkabukas nito. Makikita mo sa mukha niya ang excitement na makita ang bestfriend niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD