Isang linggo ng nasa sa hospital si David ng walang malay..Bumisita na sakaniya ang lahat mga kaibigan niya, pati na rin ang mga teacher sa UMAK. nabalitaan nila ang nangyari sa kaniya ng dahil kay France. Si France ang katuwang ng mama ni David na magbantay sakaniya.
Laging nasa hospital si Mama Stephanie upang bantayan ang kaniyang anak. Isang linggo na itong hindi umuuwi sa kaniyang bahay. Tinatawagan niya si France at Anna upang magbantay sa kanilang kaibigan kapag may inaasikaso ito sa mga bibilhing gamot para sa kaniyang anak.
Isang gabi, tinawagan ni Mama Stephanie si Anna upang bantayan muna si David dahil mayroon muna siyang aasikasuhin. Pumayag naman si Anna na bantayan muna sandali si David para na rin makapag pahinga si Mama Stephanie.
Pagkarating ni Anna sa kuwarto ni David, wala na si mama Stephanie, naka alis na. Naiwang mag-isa sa kuwarto si David, walang malay. Umupo si Anna sa upuan na nasa tabi ng higaan ni David. Tinitigan niya ang mukha ni David na puno ng sugat at bandage.
"Nasira na tuloy ang mukha mo" buntong hiningang sabi nito.
Nakatulog na si Anna, kakahintay kay MamaStephanie.
Nagising si Anna, upang mag banyo ng pagdilat ng kaniyang mga mata, wala na si David sa kaniyang hinihigaan. Lumabas kaagad si Anna, upang hanapin si David. Nagpunta siya, sa nurse station para sabihin nawawala ang pasyente sa room 202. Tumulong na sa paghahanap ang mga nurse at ang ibang pasyente, Sinisilip nila ang lahat ng kuwarto, mga banyo at sa labas ng hospital. Bigo sila na makita si David, kaya nag decide na ang management na itawag sa pulis ang nangyari. Bumalik na si Anna sa kuwarto, at nabigla siya ng marinig niya ang tunog ng TV .Sinilip niya ito at laking gulat ng makita niya si David kumakain habang nakahawak sa remote. .
Kinuha kaagad ni Anna ang kaniyang cellphone upang ipa-alam sa Director ng hospital na nandito na si David at upang tawagan narin niya si Mama Stephanie. Pero hindi niya ito magawa ng hablutin ni David ang kaniyang cellphne at tumakbo. Hinabol ni Anna si David, pero nahinto rin ito ng makita niya si ito na huminto at nakahawak sa tagiliran niya na animo'y may masakit sa kaniya. Inalalayan kaagad niya ito, upang makahiga at tumawag na rin siya ng doctor upang alamin kung ano ang nangyari sakniya
_____________________
David POV:
Wala akong makita sa loob ng isang linggo, puro boses lang ang naririnig ko. Isang linggo rin akong nakahiga at hindi alam kung nasaan na ang katawan ko. Naririnig ko lagi ang boses ni mama at ng kaibigan kong si France, pero may isang boses ang hindi ko malaman kung kanino ito. Isang angelic voice ang lagi kong naririnig. Nalaman ko lang ito kamakailan ng bumulong ito sa akin.
"David gising na, miss kana ni tita" bulong nito sa tenga.
Kay Anna ang boses na ito, pero hindi ko na maisip na naging close sila ni mama, kelan pa? Isang linggo na akong ganito, laging may mga taong pumapasok na nag-uusap, mga taong hindi ko kilala.
May naririnig akong kausap ni mama na parang doctor o kaya pulis ng dahil sa mga pinag-uusapan nila nalaman ko na nasa hospital ako. Bakit ako nandito? Anong nangyari sa'kin? Bakit?
"Ma'am your son is in a deep coma, I'm so sorry to tell you this, but if he does not wake up for another week, We may be facing a lot of trouble."
Narinig ko ang lahat ng usapan nila, ako ay nakakaranas ng deep coma. Kaya pala wala akong makita o hindi ko magalaw ang katawan ko. Pero bakit, anong nangyari sa'kin, ba't wala akong maalala? Kasama ba ito sa nararanasan ko ngayon. Ang pagkakaroon ng amnesia? Hindi puwedeng walang rason kung bakit ako na-coma. Dapat malaman ko anong nangyari sa'kin.
Napapansin ko na may ginagawa si mama, parang may aasikasuhin siya. Pero hindi ko alam ang kaniyang ginagawa ng dahil na nga ay hindi ko magalaw ang katawan ko. Narinig ko na may kausap siya sa telepono. Sino kaya naman ang kausap niya, sana naman isang pulis o kaya doctor para malaman ko kung ano talaga ang nangyari sa'kin.
Narinig kong bumukas ang pinto at narinig ko na naman ang boses na anghel na galing sa pinto. Si Anna, nandito siya.
'Tita, aalis kana? ako na po magbantay kay David. Ingat po kayo."
Tita? kelan pa sila naging close ni mama? Hays, ang dami kong tanong, sana naman magising na ako. Sana naman magalaw ko na ang katawan ko at makapagsalita.
__________________
Mag-iisang oras ng tahimik ang buong kuwarto, nagtataka na ako kung anong ginagawa ng nagbabantay sa'kin. Gusto kong pilitin ang sarili ko na magising, upang alamin kung ano ang ginagawa niya. Pero napapigil ako sa pagpa-plano kung paano ako babangon ng marinig ko ang isang napakalakas na hilik. Nakatulog na pala si Anna.
Pinilit ko na makabangon ako, dahil hindi ko kayang marinig ang hilik niya. Sobrang lakas talaga masakit sa tenga. Habang pinipilit kong dumilat, napansin ko na nagagalaw ko na ang mga paa ko. Kung nagagalaw ko na ang mga paa ko, ibig sabihin nito na makakagalaw na ako. Pinapagalaw ko ang mga kamay at yun, gumagalaw na. Habang ginagawa ko ito, hindi ko namalayan na nakadilat na pala ako. May ilaw na akong nakikita. May liwanag na! Salamat.
Bumangon ako at kaagad upang ikutin ang kuwarto, napansin ko na nasa VIP room ako, sobrang laki. Habang iniikot ko ang buong kuwarto, nakaramdam ako ng gutom. Tiningnan ko ang ref kung may laman pero kahit na tubig wala. Bumalik ako kung nasan si Anna, nakita ko kaagad ang bag niya. Kinuha ko ito at hinanap ang pitaka niya
"Pasyensiya kana Anna, ang pasyenteng binabantayan mo ay nagugutom kaya kukupit muna ako. Babayaran nalang kita. "
Kumuha ako ng isang libo sa pitaka ni Anna at lumabas sa kuwarto para pumunta sa Canteen. Pagkalabas ko ng kuwarto, ang mga tao na nakakasalubong ko ay nakatingin sa'kin. Hindi ko alam kung bakit, nalaman ko nalang ng may nadaanan akong salamin. Nakasuot pala ako ng patient gown, at wala akong alalay. Hindi na ako bumalik para magbihis dahil sa sobrang gutom ko.
Pagkarating ko ng Canteen, namangha ako kaagad pagkapasok ko. Para akong nanaginip dahil hindi ko akalain na parang 7/11 ang Canteen nila. Napaka-arrange, hindi katulad sa ibang hospital. Dahil sa excitement ko nagmamadali akong kumuha ng mga kakainin ko. Naubos ko ang 1k na kinuha ko sa pitaka ni Anna. Lahat chips, donut, fries at bread and soda ang binili ko.
Pabalik na ako ng uwarto ng marinig ko ang PA ng hospital.
"Paging all hospital staffs, nurses and doctors except to those who are on surgery or on their patients. Come to the Director's office now. Thank you"
Nagsitakbuhan ang mga staff ng hospital, yung mga nurse na walang ginagawa sa nurse station, yung mga janitor na nagmo-mop at yung mga guwardiya na panay ikot na wala namang ginagawa. Lahat ng tao sa hospital ay hindi alam kung ano ang nangyayari. Tinanong ko yung isang janitor kung saan sila papunta, ang sabi naman ay sa director's office.
Pagkarating ko sa kuwarto, room 202. Ang tahimik, walang tao. Hinanap ko si Anna, pero wala, hindi ko siya makita Baka lumabas lang nagpahangin lang o kaya may binili kaya binalewala ko lang ito. Umupo ako sa patients bed at binuksan ang TV, pagkabukas ko napangiti ako dahil may channels. Nanonood lang ako ng cartoons at kumain. Yes, napaka-childish ko.
Habang Nanonood ako, napansin kung may sumisigaw sa labas.
"David, saan kana? hinahanap ka na ng girlfriend mo. Magpakita kana." sigaw ng tumatakbong janitor sa hallway.
Teka, ako yun ah, David. Pero sino yung girlfriend ko? wala naman akong girlfriend.
Binalewala ko lang ito ng maalala ko na iniwan ko pala si Anna na tulog. Lagot ako nito. ang tagal ko pa naman sa canteen, mag-aalala talaga yun kasi hindi ako nagpaalam. Umalis lang naman ako dahil ang lakas humilik niya tsaka nagugutom ako. Bat sinabi ng janitor na girlfriend ko siya? Teka nagpakilala ba si Anna na siya girlfriend ko? Nice naman may instant girlfriend na.
_____________________
Habang kinakausap ko ang sarili ko, napansin kong nakadungaw si Anna. Nanlaki ang mga mata niya ng nakita niya akong kumakain ng burger. Agad- agad akong tumayo at nilapitan siya, nakita ko siyang kinukuha ang kaniyang cellphone sa bulsa. Dapat hindi ito malaman ni mama, kaya hinablot ko ito at tumakbo.
Naghahabulan kami sa loob ng kuwarto, malaki naman ito kaya nahihirapan siyang habulin ako.
'David! akin na yan" sigaw niya habang hinahabol ako.
Habang patuloy akong hinahabol ni Anna, nakaramdam ako ng kirot sa tagiliran ko, huiminto ako agad sa pagtakbo. Napansin naman niya ito, kaya inalalayan niya ako pabalik sa higaan at tumawag agad siya ng doctor.
Dumating na ang mga doctor at tiningnan nila ako agad a para malaman kung ano ang dahilan ng p*******t ng tagiliran ko.
Habang kinakausap ako ng mga doctor, tinawagan ni Anna si mama at makaraan ang ilang minuto dumating na ito. Agad niya akong niyakap dahil masaya siyang nakita akong may malay na.
"Salamat at nagising kana, anak sobrang miss kita" bulong sa'kin ni mama habang nakayap siya sa akin.
Habang kayakap ko si mama, kinalabit siya ni Anna, dahil may gustong sabihin ang mga doctor sa kaniya. Tumayo si mama at nilapitan ang mga doctor na nag-uusap sa may pinto.
"Ma'am your son is now in good condition but we may have to test, dahil kanina masakit ang kaniyang tagiliran. To make sure that he is now ok to go home. We need to do some tests."
"Ok then, make some test now. Thank you."
Narinig ko ang usapan nila ng mga doctor, natakot ako bigla dahil takot ako sa karayom. Alam ko kapag gagawa ng test ang mga doctor, kukuha sila ng blood sample sa pasyente. Nilapitan ako ng isang doctor.
"David, wag ka munang mag galaw-galaw dapat magpahinga ka lang, Kain ka lang muna ng mga healthy fods, dahil kakagising mo lang galing sa coma.Kukunan ka pa namin ng blood sample kaya magpahinga ka muna." page-explain ng doctor sa mga dapat kung gawin bago ang test.
Umalis na ang mga doctor, nag paalam na si mama sa kanila.
Wala akong magawa, dahil ayaw akong palakarin ni mama, kahit kukuha lang tubig ayaw niya. Si Anna lagi ang kaniyang inuutuusan, naaawa ako sakaniya dahil siya lagi ang inuutusan ni mama.
Aalis ulit si mama dahil may aasikasuhin siyang mga papeles para sa pagtatayo niya ulit ng restaurant. Tinanong ko siya kung alam ba ito ni papa. Ang sagot naman niya ay hindi, ayaw niyang ipaalam ito dahil ipapasara na naman niya ito. Ang lahat ng perang naipon ni mama ay ilalabas na niya para itayo ang pinapangarap niyang restaurant.
_______________________________
Naiwan kaming dalawa ni Anna. Ang tahimik ng buong kuwarto, walang nagsasalita, ang awkwardness ang namamagitan sa'min. Habang busy siya kakalaro. May naisip akong paraan para magstart ng conversation, ipa-prank ko siya.
Napag-isipan kung maging tahimik lang hanggang sa mapansin niya ako. Humiga ako at nagtago sa kumot.Pagkatapos niyang maglaro, tiningnan niya ako, akala niya natutulog lang ako.
Mag-iisang oras na akong tahimik, pero wala parin siyang imik. Kaya nagdecide na lang akong bumangon. Pagkabangon ko, wala siya sa inuupuan niya. Tatayo sana ako para hanapin siya. Pagkatayo ko, nagulat nalang ako ng may humawak sa paa ko. Napasigaw ako ng malaks dahil dito. Tiningnan ko kaagad kung ano yung nasa baba, pagtingin ko nandoon si Anna, tawa ng tawa.
'Bwiset ka, ba't mo yun ginawa?!" sigaw ko sakaniya dahil sa inis.
'Ay! wow, siya pa ang may ganang magalit eh ikaw naman yung may planong iprank ako. Kaya ako nalang gumawa, ang slow mo." sabay tawang sagot ni Anna sa'kin.
Teka ba't niya alam na ipa-prank ko siya? Nakakabasa ba siya ng mindset? Hala di nga?
"Ba't mo alam na gusto kitang iprank?" nahihiyang tanong ko sa kaniya.
" Sino ba namang hindi makaka-alam ng pinaplano mo, eh bukang bibig mo yan kanina. Naririnig kaya kita. Dapat kasi kapag mag-plano tahimik hindi yung maingay." panay tawang sagot niya sa'kin.