Paghihirap ni David

1929 Words
Tatlong araw na ang nakalipas ng maganap ang pag-bugbog kay mama dito sa loob ng bahay. Lagi akong nakabantay araw at gabi para lang masigurado na hindi na mangyari ito kay mama. Halos wala akong tulog sa loob ng tatlong araw dahil tuwing sumasapit na ang gabi, may mga sasakyan ang humihinto sa harap ng bahay, bilang anak ako ay nakabantay, nagmamasid sa gagawin ng mga nakasakay sa mga humihintong sasakyan. Lagi silang nag-iiwan ng mga sulat, mga death note para kay mama.  Mag-iisang linggo na ang ganitong sitwasyon, napag-desisyunan na namin ni mama na humingi ng tulong sa mga pulis upang masigurado ang siguridad niya. Nagpunta kami sa presinto upang manghingi ng tulong para matapos at malaman na kung sino ang may gawa nito. Pagdating namin, may lumapit ka-agad sa amin na pulis at tinanong kami kung ano ang gagawin namin dito sa station. Sinagot naman namin siya ng may paggalang at pinapasok niya kami sa opisina ng hepe ng station.  Kinausap namin ang hepe at sinabi ang lahat ng nangyari sa loob ng isang linggo. Tinanong niya kami kung kilala ba namin ang mga gumagawa nito, kung may naka-away ba kami.  Iniisip ko, mabait na tao naman si  mama siya nga piniling presidente ng kanilang homeowners organization dahil kilala siya na mapagbigay sa mga taong walang-wala. Kaya walang magtatangkang magalit saknaiya, dahil kilala na siya ng mga tao bilang mabait.  Pagkatapos ng pag-uusap namin, nangako sa amin ang hepe na poprotektahan kami at magpapadala ng mga pulis bilang proteksyon sa bahay. Dahil kampante na si mama sa pangako ni chief, umalis na kami para mag grocery. Naubos na ang mga stock sa bahay dahil  isang linggo kaming hindi lumalabas ng bahay.  _____________________________________________________ Nasa supermarket na kami ng may isang batang lalaking lumapit sa akin, si Raymond ang batang nakita kong umiiyak sa Chino Roces. "Kuya! kamusta?" bati ni Raymond sa akin na nakangiti mahahalata mong excited siyang makita ako ulit. "Raymond kamusta? sino kasama mo?" bati ko sa kaniya na nakangiti rin dahil masaya akong makita siya muli. Hindi kami nakapag-usap masyado ni Raymond dahil uuwi na sila ng kaniyang mama. Tinanong ako ni mama kung sino yung bata, sinagot ko naman siya at nakangiti siya sa akin habang ikuwento sa kaniya kung paano ko nakilala si Raymond.  Tapos na kami mag grocery, at pasakay na ng kotse ng nagulat ako kay mama dahil sumigaw. Tinanong ko siya kung bakit, sagot naman niya sa akin ay may nakalimutan siyang bilhin. Nag-insist  na ako na ang babalik at maghintay nalang siya dito sa loob ng sasakyan pero  ayaw niya na bumalik pa ako sa  loob. Tumakbo siya papasok ulit ng supermarket na parang may humahabol sa kaniya, wala akong magawa at hinintay nalang siya bumalik. After five minutes, bumaik na si mama na may dalang box. Inabot niya ito sa'kin at sinabihan ako na buksan ito.  Binuksan ko ang box na inabot  ni mama. Pagkabukas ko, laking tuwa ko ng makita ko ang  laman ng box, ang favorite kong candy. Tiningnan ko si mama, at niyakap siya, na-alala niya pa pala  ang isa sa pinaka-favorite snack ko. "Anak, yan lang muna maibibigay ko sa'yo, alam kong favorite mo yan. Binili ko yan as a thank you dahil isang linggo mo akong binantayan sa bahay." nakangiting sabi niya sa'kin. Abot langit ang saya ko ngayong araw, kahit madaming problema ang dumadating, nagagawa pa rin ni mama na sumaya sa harap ko. Masaya na ako kung masaya siya. Nagmaneho na ako pa-uwi ng bahay.  Nakauwi na kami sa bahay bitbit ko na lahat ng pinamili namin papasok. Binuksan niya ang pinto at pumasok na kami sa loob. Maghahapon na kaya nagluto na ako ng favorite ni mama, ang tortang talong. "Sarap mo naman magluto anak" pag-aapreciate niya sa niluto ko . "Masarap po ba? Syempre mana ako sa mama kong chef" nakangiti kong sabi sa kaniya. Yes, chef ang mama ko, pero hindi na siya nagluluto sa mga restaurant, dahil ipinasara ni papa ang mga restaurant niya. . Ipinasara ni papa dahil ayaw niyang may nakikita siya na lalaking customer na makikipag-usap kay mama, Seloso si papa, kaya niya nagawa yun. Napakaliit lang ang reason, puwede naman pag-usapan nila yun, pero he just decided to close down the entire food company. Yes hindi lang isang restaurant ang isinara niya, kundi isang kompaniya. Kaya galit na galit ako sakniya dahil napaka-nonesense lagi ang kaniyang mga decision. ________________________________________________ Masaya ang buong linggo ni mama ngayon dahil nakasama niya ako,. Maliit pa ako ng huling nakasama niya ako ng ganito katagal.Naging maayos ang lahat ngayong araw, walang nangugulo, may mga pulis sa labas nakabantay. Lahat na ay maayos, sana mahuli na yung nagtatangka sa buhay ni mama.  Uuwi na ako, nagpaalam na ako kay mama at sa maga pulis na kasama niya. May tiwala ako sa mga nagbabantay ngayon kay mama, kilala sila ng mga kapitbahay namin. Bumabiyahe na ako palabas ng subdivision, ng may napansin akong dalawang pulang suv nakasunod sa akin. Binalewala ko lang ito dahil, main road ito ng subdivision kaya normal lang ito. Pagdating ko sa  Batasan Road, and dalawang pulang kotse nag-overtake na sa akin. Mabilis silang nagmaneho, wala lang sa akin dahil normal lang ito mangyari dito. Madaming mga sasakyan ang nag-uunahan dito banda. Sa araw-araw na pagdaan ko dito, kahit ni isang pulis o kaya MMDA man lang ay walang nagbabantay. Nagmamaneho ako ng payapa, ng pagkarating ko sa Commonwealth, may tatlong lalaking lumapit sa kotse ko at nagtangkang buksan ang pinto. Wala akong magawa dahil naka-red light at may truck sa likod at harap ko, at sa gilid naman ay may dalawang bus. Malapit ng  mabuksan ng isang lalaki ang pinto sa likuran, sa may bandang kanan. Alam kong mga magnanakaw sila, kaya lahat ng mga belongings ko ay nailipat ko na sa driver seats. Pinipilit pa rin ng tatlong lalaki na mabuksan ang pinto sa likod.  Habang pinagtutulungan nilang buksan ang pinto, nag green na ang ilaw at binilisan ko agad ang pag-andar papalayo sa kanila. Pinaputukan nila ako ng baril, nabasag ang bintana sa likod. tatlong putok ang pinakawalan nila, at sumakay sila sa motor. Hinabol nila ako papuntang Fairview. Malapit na ako sa SM Fairview ng hinarangan ang daan ng dalawang pulang suv, yung suv na nakita ko sa batasan. Bumaba ang mga lalaking sakay nito, mga sampu sila lahat. Inatras ko ang sasakyan, pero nandun na ang humahabol sa akin na naka-motor. Wala na akong mapupuntahan, nakaupo na lang ako sa loob ng sasakyan dahil alam ko kung bababa ako, may mangyayari sa akin.  Binasag nila ang mga salamin ng sasakyan ko, hinila nila ako papalabas. Itinutok ng isang lalaki ang baril niya sa noo ko,  "Ikaw ba si David?" buntong hinigang tanong nito.  "Oo, ako si David anong kailangan niyo?" sagot ko sa tanong ng lalaki na naka-hoodie. Sinuntok ako ng isang lalaki sa tyan, sobrang sakit, lahat ng nararamdaman ko  ngayon ay sakit. Pinagsusuntok nila ako hanggang sa nawalan na ako ng malay.  _________________________________________________________ 3rd POV:  Pinagsusuntok si David ng mga kriminal hanggang sa nawalan siya ng malay.  "Boss, tapos na wala na siyang malay." sabi ng isang lalaki habang may kausap sa telepono. "Ano ho? ilagay namin sa sako?" dagdag ng lalaking may kausap sa telepono.  Inutusan niya ang mga kasamahan niya na ipasok si David sa sako, at iwananang nakabukas  ang sako para makahinga. Sinunod naman ito ng tatlong lalaki, at ipinasok na nga si David sa sako at iniwan sa harap ng SM fairview. Bago umalis ang mgas kalalakihan, sinunog muna nila ang sasakyan ni David, para sabihin ng mga pulis na arson ang nangyari.Malaki na ang apoy at at sobrang itim na ng usok ng umalis ang mga may sala nito.  Pagkaraan ng mga ilang minuto, dumating na ang mga bumbero sa nasusunog na saskyan ni David. Madaming tao ang lumapit sa kotse niya. May isang babae, ang nakapansin sa sako kung saan nasa loob si David. Nilapitan niya ito at laking gulat niya ng may paa siyang nakita sa sako. Agad-agad niya itong itinawag sa mga pulis na nandun sa area.  Lumapit na ang mga pulis, may dala na silang crime tape para ang mga tao ay hindi lumapit. Inilagay na nila ang crime tape, five meters away kung saan nakahiga si David . Hinila ng mga pulis ang sako, at nakita na nila si David.Dahan- dahan nilang inangat ang sako, at lumabas na ang bugbog saradong mukha ni David, ini-examine ito ng mga pulis, kung buhay pa ba o hindi na, at sa mabuting palad ay buhay pa siya. Kaya dali-dali nilang isinakay siya sa police mobile, matagal na kung hihintayin pa ang ambulansiya.  Pagkarating ng mga pulis sa hospital, agad na ipinasok si David sa emergency room upang i-monitor ang kaniyang kalagayan. Nakita naman ng mga pulis  sa bulsa ni David ang kaniyang wallet, kinuha ito ng mga pulis at tiningnan kong sino ang nakita nilang nasa loob ng sako.  Laking gulat ng mga pulis ng makita nila ang pangalan ni David, isang Lukan ang naging biktima. Agad silang tumawag sa Goodhear Corporation. Mga ilang saglit, ang mga media ay nasa hospital na, nabalitaan na nila ang nangyari sa anak ni Dems Lukan. Pagkaraan ng mga ilang minuto, ang papa naman ni David ang dumating sa hospital.  Mag-iisang oras na si David sa emergency room pero hindi pa siya inilipat ng kuwarto. Ang mga media ay nakahintay sa labas ng hospital, nagbabaka-sakali na may doctor na mag update sa kanila kung kamusta na ang kalagayan ng anak ng ika-tatlong pinakamayamang tao sa bansa.  Lumabas ng hospital si Dems, upang kausapin ang mga media na umuwi na dahil, ang Lukan family ay ayaw ipaalam sa mga media kung ano na ang nangyari kay David. Dahil sa sinabi niya, ang mga media ay umalis na ng hospital.  ____________________________ Dems POV:  Lumabas ako sa hospital upang kausapin ang mga media upang manahimik na sila. Paglabas ko, madaming mga reporter ang kumausap sa akin agad. Ang mga flash ng camera ay nakakasilaw. Sinigawan sila ng mga guards ko upang manahimik sila.  "Mga mam sir, pasensya na po kayo, pero ang pamilyang Lukan ay ayaw naming mag bigay ng info sa inyo. Sana maiintindihan ninyo ang aming nararamdaman, pasensya na po sana umuwi na po kayo. Salamat." buntong hininga kung sinabi sa kanila upang umalis na sila dito sa hospital.  Buti yung ibang media company ay umalis na agad pagkatapos kung sinabi yun, nakakahiya. I really hate going out to the public.  Pumasok na ako agad sa hospital at hinaharangan ng mga guards ko ang lahat ng door ng hospital except sa mga pasyente na naglabas-pasok ng hospital. Dumiretso ako agad sa emergency room upang tanungin ang doctor na tumitingin sa kalagayaan ng anak ko.  "Doc kamusta na si David?" tanong ko sa doctor na nagmomonitor sa dextrose ng aking anak.  "Medyo ok na ang iyong anak sir, papagalingin muna natin ang mga sugat niya bago natin siya ilipat ng kuwarto" saad ng doctor na tumitingin kay David.  Binabantayan ko si David, baka magising na siya upang mailipat na siya ng kuwarto. Buong magdamag ako nasa tabi niya, nag-alala rin ako dahil anak ko rin naman siya kahit na sobrang sama ko sakaniya. Nagising na si David at inilipat na siya sa VIP room, lumapit sa'kin ang isa kong guard habang tinitingnan ko ang paglipat ng mga nurse kay David sa kuwarto.  "Sir, diba ikaw ang pasimuno sa pagbugbog mo kay David?" tanong sa'kin ng guwardiya na nagtataka sa lahat kinikilos ko   "Oo, naman lahat ng to ay pakitang tao lang" sabay kunting tawang pag-explain ko sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD