bc

Billionaire's Unexpected Heir

book_age18+
1.0K
FOLLOW
6.6K
READ
billionaire
love-triangle
HE
opposites attract
heir/heiress
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

WARNING!!! MATURED CONTENT!!!Khaira needs to save her family business. And saving it means—to marry Nygel Peter Quazon Fuentes. Madali lang naman sana 'yun pero meron siyang kasintahan. She was torn between her family and her long-time boyfriend. Until Destiny gave her an answer. Natagpuan na lamang niya ang sarili na kasal na rito. Ang inaakala ng lahat na "fairy tale" ay isang bangungot. Nagawa niyang makatakas sa poder ni Peter nang makunan siya sa baby nila. She thought she'd escaped, but after five years…they met again. In a very awkward scene… when her little boy blocked his way and said, "Daddy, marry my mommy!". Authors Note:Names, places, characters, and incidents are just products of my imagination. Any resemblance to the event in the story is just a coincidence.Pwera na lang sa mga nagpahiram ng pangalan, eje. God bless all.

chap-preview
Free preview
Chapter 1 NAKED
"WHAT THE F*CK!" Ang malakas na boses na 'yon ang gumising kay Khaira. Pupungas-pungas pa niyang iminulat ang mga mata. Pakiramdam niya kasi ay sobrang pagod na pagod siya. Itinaas niya pa ang dalawang kamay upang uminat nang matigil 'yon sa ere dahil sumalubong sa kanya ang naniningkit na mga mata. Bigla niyang ibinaba ang mga kamay at bumangon mula sa pagkakahiga. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang bumaba ang tingin nito sa kanyang dibdib kaya naman nasundan niya 'yon. Mabilis niyang hinila ang kumot upang takpan ang kanyang kahubdan. At dahil iisa lang ang kumot na tumatakip sa kanila ay ito naman ngayon ang nawalan ng takip. Nanlalaki ang mga mata niyang habang nakatitig sa matipuno nitong dibdib na may mga balahibo. "Enjoying the view?" Napakurap siya nang marinig ang boses nito na tila nanunukso pero may bahid ng inis kaya mabilis niyang binawi ang mga mata rito at yumuko na lang. Balak niya pa sana ibaba ang tingin kaso naunahan siya nito. Napakagat labi siya dahil sa kahalayan ng utak. "Ang macho," wala sa sariling sambit niya na sigurado siyang narinig nito. "Who are you?!" Dumagundong muli ang mala kulog nitong boses kaya naman bigla siyang humiga saka nagtaklubo ng kumot. Mabuti at hindi nito pinansin ang sinabi niya. "Hey! What are you doing? Get up and get out of my condo!" sigaw na naman nito. Ang aga-aga pero hyper! Kunsabagay sino ba naman ang hindi kung magigising kang may katabi? Pero sa palagay niya ay sanay naman ito kaya ano kinagagalit nito? "Palalabasin mo ako nang walang saplot! Lumabas ka muna at magbibihis lang ako!" ganting sigaw niya. Anong akala nito ito lang ang may karapatang sumigaw. "Wow! You're impossible, woman! Saka, paano ka nakapasok sa condo ko? At humarap ka sa akin babae. Huwag kang bastos makipag-usap sa akin," galit pa rin nitong sabi imbes na sundin ay mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kumot na tumatakip sa kanyang kahubaran. "Don't try me, woman! Babangon ka d'yan o ako ang hihila sa 'yo." Dahil sa sinabi nito ay mabilis pa sa kidlat na nakaalis siya sa kama. Pero sinigurado niya na maayos niyang naitakip sa katawan ang kumot. Doon niya lang napansin na nakatayo na ang lalaki at may suot na itong boxer. Pero hindi pa rin sapat ang suot nito dahil malinaw na malinaw niya nakikita ang umbok ng higanteng nilalang sa gitna ng mga hita nito. "Eyes up, woman!" Sinunod niya naman ang sinabi nito. Taas noo niyang sinalubong ang magkasalubong nitong kilay. "Who are you?" Tumaas ang isang kilay niya saka humalukipkip. "For your information, I have a name: stop calling me woman or babae. My name is Khaira Monique—" "I don't care about your f*cking name! Paano ka nakapasok sa condo ko?!" Putol nito sa sinasabi niya at mas lalong tumigas ang boses nito. "You're asking my name. Ang bilis mo naman makalimot." Inirapan niya ito. "Ngayon, tinatanong mo paano ako nakapasok rito? Makakalimutin ka na talaga. You are the one who brought me here and…and…and…" Hindi niya na alam ang susunod na sasabihin dahil biglang nag-init ang kanyang mukha nang maalala ang nangyari kagabi. Hindi 'yon kasama sa plano. "At sumama ka naman." Naningkit ang mga mata ng lalaki. "I know you are one of those women who wants me. But sorry to disappoint you, you will never have me. Now, get out!" Itinuro pa nito ang pintuan na nasundan niya ng tingin. Sira ulo ba ito? Palalabasin siya ng tanging kumot lamang ang nakatakip sa kanyang magandang katawan. Huminga siya nang malalim at handa nang ilabas ang itinatago niyang kapangyarihan nang bumukas ang pintuan at sabay silang napatingin roon. "Amah," sambit ng lalaking na bakas ang gulat sa mukha nito. "What are you doing here? How did you get into my condo?" Naguguluhang tanong nito. "Condo? You're in our mansion. What are you talking about? And…" Lumipat ang tingin ng tinawag nitong Amah sa kanya. "What is the meaning of this, iha?" tanong nito. "A-amah, I can explain—" "Do-do you know each other?" Nagpalipat-lipat ang tingin ng lalaki sa kanilang dalawa ni Amah. "Fix yourself, Nygel Peter and you Khaira, follow me." Muling hinarap ni Amah ang lalaki. "After you fix yourself, meet us in the library. We need to talk about this," pagkasabi no'n ay tinalikuran na sila nito. Magsasalita pa sana ang lalaki pero nakalayo na si Amah. Kaya nang lingunin siya nito ay ang bilis niyang kumaripas nang takbo. Muntikan pa siyang matisod dahil sa kumot. Pero bago siya makarating sa pintuan ay nahablot nito ang kanyang braso. "Where do you think you're going?" Asik nito sa kanya. "Su-susundan si Amah," sagot niya. "Nang ganya ang itsura mo?" "Kanina nga pinapalabas mo ako nang ganito itsura ko tapos ngayon tatanungin mo ako? Ang gulo mo rin kausap, 'no!" Inis niyang sagot rito. Naguguluhan na kasi siya rito. Pabalya nitong binitiwan ang braso niya kaya sinamaan niya ito ng tingin. Nakakarami na kasi ang hinayupak. "Stay here and find your clothes. F*ck!" Tinalikuran siya nito, naglakad ito papasok sa isang sliding door at dahil sinabi nito na mag-stay siya ay hindi niya tuloy alam kung susunod ba kay Amah o susunod sa lalaki. Sa itsura kasi nito ay nakakatakot na suwayin. Bago pa niya awayin ang sarili ay lumabas na ito na may hawak na mga damit, pamalit siguro nito. Napalunok siya nang mapadako ang tingin niya sa walong pandesal nito. At bago ulit bumaba ang mga makasalanan niyang mga mata ay humakbang na ito patungo sa pintuan at hindi man lang siya tinapunan ng tingin. "Huwag ka nang umasa na matitikman o makikita mo pa ang katawan ko. Ito na ang huli. Fix yourself!" Malakas na pagbagsak ng pinto ang sunod niyang narinig. Nagpapadyak siyang pinulot ang kanyang mga damit na nakakalat sa sahig. Hindi niya akalain na gano'n kasama ang ugali ng lalaking 'yon. Bigla ay tila nagsisisi siya na nakipagkasundo siya sa lola nito. Mukhang impyerno ang papasukin niya at hindi langit tulad ng mga babaeng naghahabol at pinapangarap ang isang Nygel Peter Quazon Fuentes.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook