Unang Yugto
"Vaughn..."
"Vaughn..."
Tumatagaktak ang pawis sa noo nya habang nakapikit ng mariin at pabiling biling sa pagkakahiga. May tumatawag sa pangalan nya. Parang napakalapit nito sa kanyang tenga.
"Love... wake up..."
May narinig syang hagikhik. Mariin pa ding nakapikit ang kanyang mga mata. Pero sigurado syang gising ang kanyang diwa. Oh god! Bakit hindi nya maimulat ang kanyang mga mata?!
"Vaughn!"
Isang malakas na yugyog sa kanyang mga balikat ang nagpamulat sa kanya. He gasped for air as if he just got off water. Drowning. Napatitig sya sa taong gumising sa kanya mula sa kanyang bangungot.
"Sh*t man! I thought you're dying! You kept on groaning as if in pain. You okay bro?" Si Terrence. Ang kanyang matalik na kaibigan. He squint his eyes to adjust from the blinding lights that filled the room.
"Uh.. y-yeah. " he answered groggily.
Bumaba ito ng kama nya at lumakad pabalik sa sariling kama nito.
"Im going back to sleep." Inaantok na sabi nito at pinatay ng muli ang switch ng ilaw.
Bumalikwas na sya ng bangon. Habang si Terrence naman ay bumalik na sa pagkakahiga nito upang matulog uli.
Sumulyap sya sa orasan na nakasabit sa kisame.
2:38am.
Napahilamos sya ng mukha. Same dream. Same nightmare. Bumangon sya at hindi nag abalang magsuot ng shorts. He was only wearing his boxer shorts. Tinungo nya ang maliit na fridge sa tabi ng built in cabinet at kumuha ng tubig.
Binuksan nya ang pinto palabas ng balkonahe at sumandal sa malamig na railings. He looked over to his side and gazed at the undying lights of the metro. Madaling araw pa lang at medyo madilim pa ngunit maliwanag pa rin ang ilaw mula sa mga nagtatayugang gusali. Pinuno nya ng hangin ang kanyang dibdib at inisang lagok ang laman ng bote ng tubig bago inilapag sa kalapit na lamesa.
Nasa condo nga pala sya ni Terrence dahil hindi na sya nakauwi sa sobrang kalasingan dala ng pagsecelebrate nila ng pagkapanalo ng isang kaso kahapon. It was a big time case. And they won it.
He and Terrence are both lawyers. Actually, may mga kasama pa sila from the law firm he owns and supervise but he thinks they probably went home since malapit lang naman sa condo ni Terrence ang uuwian ng mga ito. They celebrated at the Hall they reserved on the same building. He thinks, they probably went and drank too much that he doesn't even remember getting up here except fumbling unto the elevator doors to get up here in the penthouse owned by his bestfriend.
Ang balak lang naman talaga nya kanina ay umidlip para mabawasan ang kanyang kalasingan, pagkatapos ay muli syang babaliksa party. Hindi nya inaakala na magtutuloy tuloy ang kanyang idlip sa malalim na pagtulog. Maybe, dala na din ng pagod at stress. He let himself succumb to deep sleep. Well, he deserves it. He was sleepless for days, due to his intense preparation for the case.
Sh*t I shouldn't drink next time. He took a deep breath at hinamig ang kanyang sarili.
Bumalik nanaman ang bangungot na palaging gumagambala sa kanyang masarap na pagtulog.
Ang boses na iyon.
Ang malambing nitong pagtawa...
Ang pagtawag nito sa kanyang pangalan...
Sino ito? Bakit palagi syang dinadalaw nito sa kanyang panaginip?
Bakit sa tuwing pilit nyang inaalala ang mukha nito ay siya namang lalo nitong paglabo sa kanyang mga alaala.
Why does he kept on dreaming about this girl he has never met?
or...
did they met already and he forgot??
He shook his head and went back in. He highly doubt kung makakatulog pa sya. He probably cant sleep anymore. He grabbed his laptop and charger and went outside the balcony. If he cant sleep, he will use all his time to finish reading the other pending cases from the firm.
Sinapo nya ang kanyang ulo at ginulo ang kanyang buhok sa sobrang frustration.
'I must be going crazy. '
Hindi nya namalayang pasado alas-singko na ng matapos syang magbasa at gumawa ng notes patungkol sa panibagong kasong hawak nila, agad syang tumalima para gumayak, kailangang maaga siyang magtungo sa law firm.
Iniwan niyang natutulog pa si Terrence. Kumikirot ang ulo nya dala ng puyat pero ipinagkibit balikat nya ito at tumungo sa pantry para magbrew ng sarili nyang kape. He doesn't like other people brewing his coffee except when in coffee shops. Nang makapagbrew sya ng kape ay bumalik sya sa office. Sinulyapan nya ang kanyang wrist watch. It's already 8am. Maya maya ay darating na din ang iba pang empleyado since 8:30 ang pasok ng mga ito.
Pinadaanan nya ng tingin ang isang clear folder na nakalapag sa lamesa. He sighed heavily. This case is giving him headaches. Nilapag nya sa mesa ang hawak na baso at binuklat ang folder. Nakainclude dito ang mga litrato mula sa crime scene.
Ang kaso ay isang planned murder case. The victim is a professional dancer. May witness, pero natatakot magsalita dahil sa threat na baka patayin siya ng killer. Ang witness sa pagpatay ay ang may ari ng building kung saan pinatay ang biktima. Nagkataon na pauwi ito galing sa isang zoom conference and saw the act of killing, actually, she could have been a victim too kung hindi dumating ang mga pulis na tinawagan nito ng una nitong makita ang komosyon. They are doing everything they can to get the witness on the case.
At first, akala nila magiging madali ang lahat dahil ang witness na mismo ang tumawag sa kanila to testify against the accused. Pero isang araw bago ang hearing, tumawag ang nanay nito at nagsabing hindi na ito tetestigo.
He is the defending attorney in this case and without the witness' testimony, they would lose this against the accused murderer because they have no solid evidence to put him in jail. Puro substantial evidence.
Initsa nya pabalik sa mesa ang folder at kinuhang muli ang baso. Nagtungo sya sa glass wall kung saan tanaw ang kabuuan ng Metro Manila. Sumandal sya at maingat na humigop ng kape. Thinking of strategies how to get the woman's testimony.
Narinig nyang bumukas ang pinto sa likod nya. He did not bother to turn around.
"Lumarga ka pala ng maaga, hindi mo man lang ako ginising."
"Hindi mo ako alarm clock." Tipid na sabi nya at umismid. "What do you need?"
"Sungit neto. Keaga-aga e."
Nilingon nya ito at tinitigan ng masama. Nagtaas ito ng dalawang kamay bilang pagsuko. "Chill bro. Ito naman parang hindi mo ako bestfriend a."
" Do you have a new update about the witness?"
"Which one?" Nagkakamot ulong sabi nito bago umupo sa couch at nag dekwatro.
"The murder case stupid. May iba pa ba?" Inis na sabi nya rito at nagtungo sa desk nya upang maupo.
" Ahh... Napanalo na pala natin yung isa kahapon. I forgot." He grinned. The case he's talking about is a r**e/slay murder case they managed to close yesterday.
" I went to her house yesterday. Bago tayo tumuloy sa party."
Nagsalubong ang kilay nya. " You went without telling me?" His voice raised because of irritation.
"Baka kasi busy ka?" Nang iinis na sabi nito.
"What happened then?"
" I managed to talk to her. She agreed on testifying. In return, she asked for protection."
"We discussed that to her in the summon letter right?" He tapped his fingers on the table.
"She wants assurance bro."
" What did you tell her?"
" I assured her we will asked the court for her security for the mean time. She agreed. She will testify tomorrow."
"That's good." Inubos nya ang kanyang kape at nilagay ang tasa sa mesa.
" Oo nga pala, she told me first hand that she was sent death threats. I think the accused somehow knew that she saw him."
"And?"
"That's why she's asking security."
"Does she personally know the killer?"
Tumayo si Terrence at lumapit sa mesa. Itinukod nito ang mga kamay sa mesa bago inilapit ang mukha sa kanya.
"That's what makes this case more interesting." Nakangising sabi nito.
Itinulak nya ang mukha nito. " Aray naman" reklamo ni Renz at lumayo sa kanya.
"OA mo. Sabihin mo na nga, pasuspense ka pa."
"The killer is the witness' boyfriend."
His brows shot up. "What?"
"Ay mali. Ex pala. Naghiwalay sila two weeks prior the incident. And the girl who died was her P.A"
Now that's interesting...