"KAMUKHANG kamukha ko ba talaga ang Tita mo?" Tanong ko sa kalagutnaan ng katahimikan.
Kami ngayon ay pauwi na at talagang may hinding magandang sagutan sila ng kanyang isa pang tiyahin na ina pala nung lalaking pinsan niya na naroon din.
Sa loob ng dinner namin ito ang parating lamang ng bibig ng kanyang tiyahin kung paano ito namatay…
His grandfather were mad at her but that didn't make her stop from what she's thinking. Kahit ako ay nakaramdam din ng gigil…
Sinulyapan niya ako saglit bago umiling. Napabuntong hininga ako, tuloy ay gusto kong makita ang mukha ang kanyang tiyahin. Bakit ba kase ang daming nagsasabi na marami raw akong kamukha? Ganun na lang ba talaga ka-common mukha ko?
"Okay lang naman kung ayaw mong pag-usapan…" Saad ko kahit pa ang obvious na.
Nagbabakasakali lang naman diba…?
"Tita Lucresia ruined my night." Aniya at bahagya pang umiling.
Obvious na obvious naman Henry. Napanguso ako sa aking iniisip. Idagdag mo pa ang kanyang kapatid na mas lalong ginagatungan ang kanyang galit. They are so weird. Very weird.
Hindi ko alam kung ayaw ba niya talaga sa akin kaya ay nagkaka-ganun siya kanina or meron din siyang tinatagong galit para sa kapatid.
"Would you like to join me on my escape?" Siya naman ang unang bumasag sa katahimikan.
Dahil sa liwanag na tumama sa kanyang mula sa buwan, nakita ko kung paano kumislap ang kanyang mga mata. Kakaibang kislap. Kislap na maraming nakatago.
Napanguso ko. Gusto kong kutasan ang aking sarili dahil nagawa ko pa talagang despite of his hidden emotions.
"Itatanan mo ako?"
Bahagya siyang tumawa at hindi na umimik pa. Dang. Am I a in wrong timing to make things light? I think so.
"Runaway from your problems?"
Kahit pa nasa daan ang kanyang atensyon ramdam ko kung paano siya guminhawa sa aking tanong. Ito naman hindi mabiro. Tsk.
"I will only run away with someone who I fully trust." He expressed his skepticism.
"If you don't runaway with me… Patay ka sa akin." I raised a brow.
Then he just laughed. Hindi ko mapigilang mapairap. Hindi na ako magtataka kung bakit hindi siya basta-basta't nagtitiwala, dahil kahit ang kanyang sariling pamilya ay hindi rin niya pinagkakatiwalaan.
"Let's get some drinks first." Aniya at huminto kami sa isang mini grocery.
Hindi ako nakakain ng maayos kaya sa tingin ko idadaan ko nalang ang gutom nato sa mga chichirya.
He grabbed some drinks but I just grab some coke. Hindi naman ako uminom at hindi ko pa natitikman. Natatakot ako sa mga sinasabi nilang hangover.
Well, I used to work in a bar, and I can tell you that a hangover is terrifying. May iba kaseng costumer na anila ay para dawng mabibiyak ang ulo mo dahil sa sakit.
Ang dami ko na ngang problema tas dadagdagan ko pa ba ng hangover?
When I noticed some females talking and fawning over the man next me, my lips were pursed. Hindi naman talaga maipagkakaila na kahit anong suotin ng lalaking 'to ay sumisigaw pa rin ang kanyang tindig ng karangyaan. Tuloy ay nanliliit ako sa aking sarili.
"You don't drink?" Tanong ni Henry na siyang nag-agaw ng aking atensyon mula roon sa mga babae.
Umiling ako.
"Scared of hangover?"
I nodded modestly. "How do you know? At saka huwag masyadong maraming inumin magda-drive ka pa!"
He chuckled and shook his head slightly.
Nang lingunin ko ang mga kababaihan kanina pawang masama na ang mga tingin nito sa akin. Sa tingin ko ano mang oras ay makakalbo na nila ako.
"Sa labas na ako maghihintay." Paalam ko kay Henry at hindi na hinintay pa ang kanyang sagot.
Nang makalabas ako sakto namang may nabunggo ako. Napadaing ako at kaagad napahawak sa aking noo. Ano bang klaseng dibdib meron siya? Bakit parang hinampas ang noo ko ng isang bakal?
Handa ko na sana siyang bulyawan ng makitang nakatitig ito sa akin. When our eyes meet, it seems as if a tremendous wind is blowing over us. Parang may kung anong umihip na kakaiba sa aking tenga. Kakaiba na gusto ko tuloy takpan ang tenga ko dahil sa pangingilabot na nararamdaman.
"Sorry." Maikling saad niya bago ako nilampasan.
There's a wave of memories flashed through my mind that made my heart felt like it was bleeding. Wala sa sariling napahawak ako sa aking puso.
"Walanghiya ka! Paano mo nagawa sa akin ito? At sa buong pamilya ko?! Minahal kita ng tunay! Minahal pa kita higit sa aking sarili Cas-"
"Clea, hey, are you okay?"
I flinched when I heard Henry's worried voice. What was that...
Nabitawan niya ang aming pinamili at hinawakan ako sa aking beywang para suportahan. Hindi ko na pinansin ang kanyang malapad na kamay sa aking beywang.
"Nanginginig ka." Aniya at mas lalong bakas ang boses ng pag-alala.
Ningitian ko siya. To assure her that I'm really okay. Ako na mismo ang kumuha sa mga dalawang eco bag na nabitawan niya.
"Ayos lang ako. Ano ba yan..." Kunwari naiinis na saad ko habang pinupulot ang kanyang mga pinamili.
"I don't think you're really okay." Seryosong wika niya habang hindi pa gumagalaw sa kanyang kinatatayuan.
Umiling ako habang tumatawa. "Ayos lang talaga ako. Let's go."
Napabuntong hininga ako ng hindi parin siya gumagalaw. Tigas ng ulo ah.
"Halika na, sabing okay lang ako 'eh."
Atsaka gusto ko talagang malaman ang buong kwento ng kanyang namatay na tiyahin. Alam mo na curiousity can kill us.
"ARE you really okay?"
Hindi ko na alam kung ilang beses na niya ito tinanong. Sa totoo lang hindi ako okay... Pilit kung kinakalimutan ang nangyari kanina.
"Seriously, kailan ka pa titigil sa kakatanungan n'yan, ha?" Then I hissed.
He sneered. "I know you're not okay, pinipilit mo lang. Ang chismosa naman yata...?"
I blinked. What? Chismosa raw ako? Himala alam niya pala ang salitang 'yan.
"Bakit may problema ka ron?" Mataray kong tanong at inirapan siya. "Ang sabihin mo ayaw mo lang mag-open up..."
The side of his lips curved. "I trust you and I hope you won't break that trust."
"Why makes you think that I will broke it? So you still don't consider me as your friend, huh? Ang samo mo."
Mahina siyang tumawa bago lumagok ng beer in can. Pareho kami ngayong nakaupo aa buhangin at malayang tinatanaw ang malapad na dagat at ang langit na puno ng bituin.
"Huwag ka ngang magtampo hindi bagay sa 'yo."
This brute. I hissed, bago ako nanggigil na kumain ng chichirya.
"I don't consider you a friend because it's somehow... a little bit of a friend."
Dahil sa kanyang sinabi dahan dahan kong ninguya ang chichirya na nasa aking bibig na. Hindi ako bobo para hindi makuha ang kanyang sinabi.
"You consider me as your what?"
Umiling lamang siya habang pinapanood ang mapayapang alon ng dagat. Halatang pinipigilan niya ang kanyang sarili na sagutin ang aking tanong.
"Pinsan? Tiyahin? Kapatid? Kaaway? Parausan-"
Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla niyang hinablot ang aking palapulsuhan dahilan para magkalapit ang mga mukha namin.
Napakurap kurap ako sa kanyang ginawa at bahagyang napalunok. Pasimple kong iniwas ang aking tingin ng makitang bumaba ang kanyang tingin sa aking mga labi.
"Do you think I would still consider you as a friend, cousin, sister, auntie or whatsoever... Kung ganito tayo kalapit?"
Hilaw akong tumawa.
"Siguro- Henry!"
Napatili ako ng isang iglap ay nakahandusay na si Henry sa aking harapan at may dugong lumabas sa gilid ng kanyang labi.
Kaagad ko siyang dinaluhan bago tumingin sa kung sinong gago ang sumuntok sa kanya ng biglaan.
It feels like my heartbeat fastened, when I saw who punched Henry.
Sir Tristan...
Anong ginagawa niya rito? Bakit siya nandito? Akala ko ba ay busy siya at walang oras sa mga ganitong bagay. Ramdam ko ang kanyang galit. Namumula ang kanyang tenga habang ang kanyang dibdib ay nagtataas baba.
"What do you think you're doing, Clea?" He roared like a lion.
I gritted my teeth. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin kaagad siyang aakto ng ganyan?
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa isang matigas na boses.
His jaw clenched. "Sinusundo ka. Uuwi na tayo-"
"She's with me." Henry cutted him off.
"She live with me-"
Pagak akong napatawa. "And so?"
Kumunot ang kanyang noo dahil nakitang reaksyon ko para sa kanya.
"Clea..."
"Anong problema kung kasama ko siya, Tristan?"