Chapter 39

1057 Words
"DO I have to say please, Clea?" Bakas sa kanyang boses ang pananakot. My lips pursed, bago hinawakan ng tuluyan ang cellphone inipit ko lang kase ito sa aking ulo at balikat. "Of course not. Pupunta ako. Saan ba? Send me the location." Pilit ko pang pinapasigla ang aking boses. Kaninan ko pa gustong kutusan ang sarili ko. Henry provided me the address of the spot where we were supposed to meet. Ang sabi niya ay may sasabihin raw siya sa akin na importante at tungkol naman doon sa sinabi ko sa kanya at inalok sa hospital. Hindi na naman pa ito napag-usapan pa. Hindi ko nga alam kung bakit... Nahihiya naman kase akong buksan ang topic na 'to sa kanya, siya lang talaga ang hinihintay ko na kusang magbukas n'yan, but few weeks had past... At wala pa rin akong nakuhang sagot sa kanya. Before I meet Henry, pumunta muna ako sa office ni Sir Jakar. Hoping that he is there. I just want to talk to him. Hindi naman ako nabigo dahil nasa kanyang opisina lamang siya. Nang makita ako sinarado niya ang folder na kanyang binabasa at ningitian ako ng malapad. "Napadaan ka ata..." Napatawa ako ng konti. "Hindi... Talagang sinadya ko ang magpunta rito." Napatango siya bago ako hinagod ng tingin. "Napaka-prepared mo naman yata? Magkapit-bahay lang tayo, Clea." "Uh, may lakad kase ako ngayon-" "See? Napadaan ka lang. I'm not your main errand." Aniya, hindi ko alam kung totoong nagtatampo ba ang isang 'to or inaasar lang ako? Sa harap na pansinin ang kanyang sinabi binalewala ko na lamang ito. May gusto lang talaga akong malaman... "Nahuli na ba si... Castilla?" Sa pagkakaalala ko ito ang kanyang pangalan. Ilang beses ko na itong tinanong ni Sir Tristan noong nasa maayos na kalagayan pa kami pero wala talaga akong nakukuhang sagot mula sa kanya, kaya napag-isipan kong pumunta rito. Nakita ko kung paano siya hindi napakali sa aking tanong. Baka natatakot kay Sir Tristan... Ano naman ang dapat niyang ikatakot sa isang 'yon? Ngumiti ako ng malapad, assuring him that there's nothing wrong answering my question. "Uh, luckily yes." I nodded modestly. Mabuti naman. "She was held responsible for everything that occurred. Nasa kanya lahat ng sisi-" My brows automatically furrowed. "Wait, what? Bakit?" Hilaw siyang napatawa. "I guess it's best if you ask Tristan directly..." "Sa tingin mo ba pupunta ako rito kung sinagot niya na ang mga katanungan ko?" Tanong ko sa isang seryosong boses. Nakita ko kung paano umawang ang kanyang bibig. My lips pursed. Was I harsh? Gosh, bakit ba kase hindi na lang niya ako sagutin ng diretso? Napasimangot ako sa sariling iniisip. "Tristan filed a kidnapping complaint, and Henry's family filed a case as well. Attempted-" Doon literal na nalaglag ang panga ko. "Are you sure it was Henry's family? Bakit si Castilla ang sinampahan nila ng kaso dapat ako! Alam ng kapatid ni Henry ang totoong nangyari even Henry himself knows-" Nang marinig ang paraan ng kanynang paghalakhak alam ko na sa kung saan papatungo ang storyang 'to. "Sa tingin mo... Bakit nga ba?" My jaw clenched a bit. I immediately looked away. Ayokong mabasa niya ang iniisip ko because my eyes will says it all. "Kahit na. Ang ginawang pananakit at kidnapped lang ang kasalanan ni Castilla rito. I even hurted them..." He sighed deeply. "That's the power of love, Clea. May mga bagay na akala mo hindi mo kayang gawin ngunit kapag pagdating sa pag-ibig... Akala mo lang 'yon." Malalim niyang saad and it really makes sense. Pag-ibig... Ito ang nakakatakot na emosyon sa buong mundo. It's like a bittersweet emotion. Anila masarap magmahal parang kaseng tamis ng isang kendi, pero hindi mo alam na siya rin palang papatat sa 'yo ng hindi mo namamalayan. Traydor. "Kagagawan lahat ni Sir Tristan kung bakit bumaliktad lahat ng pangyayari. May kinalaman ka roon diba?" Biglang dumilim ang kanyang mukha. Kaagad siyang nag-iwas ng tingin at bahagyang bumulong ngunit hindi ko ito narinig ng maayos. "Wala akong magawa.'' He shrugged as he said, "You know how dog I am to him." Kung meron man akong gusto sa kay Sir Jakar, ito ay hindi siya natatakot o nahihiya na ipakita sa ibang tao ang pagmamahal niya kay Sir Tristan na bilang isang tunay na anak. He's a formidable businessman, but Sir Tristan sees him as a softie father figure. That is something I will always appreciate about him. "Kahit na alam mong mali ang ginawa niya?" "I told you, Clea. That's what love can do." Mapait akong napangiti. "I don't think so. Lahat ng binabanta mo sa akin ay unti-unting nangyayari." Hindi siya nag-iwas ng tingin. Sa halip ay sinalubong niya ang aking mga titig.I forced a broad smile on my face, thinking that it would mask the anguish I was feeling. "I warned you but you didn't listen-" I chuckled. "I guess, that's what love can do." Pagsosoli ko sa kanyang sinabi. He smirked. "Mahal mo na ba siya?" Napangisi ako. "What do you think?" Napasandal siya sa kanyang swivel chair. Tinaasan niya ako ng kilay. "I oppose-" I laughed sarcastically. "I know, hindi naman ako tanga para hindi maramdaman 'yon." I don't know whatever his reason is. Wala akong pakealam at wala na rin akong balak alamin pa. Isa lang ang nasisigurado ako. Ayaw niyang masaktan muli si Tristan— ayaw masaktan? Eh ako nga ang sinasaktan ng isang 'yon ngayon. Nang hindi siya umimik. Kusa akong tumayo at napailing-iling. I hate to go baka naghihintay na ang isang 'yon doon. I don't want to hear him throwing tantrums. Akmang pipihitin ko na pabukas ang pintuan ng bigla siyang nagsalita dahilan para matigilan ako. "Alam kong paulit-ulit ko na itong sinasabi sa 'yo and I will never get tired of it. Give Henry a try-" Nilingon ko siya habang nakahawak pa rin sa doorknob. Nagkitbit-balikat ako. "Alam kong paulit-ulit na rin ako at hindi ako magsasawang sabihin sa 'yo na, ayokong gumamit ng tao. Kaibigan lang..." I don't want to risk my friendship with Henry. Kokonti na nga lang ang kaibigan ko sisirain ko pa ba? I waved at Sir Jakar who is still looking at me with his narrowed eyes. I don't need to enlist the help of another man to get past your kid. I am quite familiar with myself. Kakayanin ko itong mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD