Chapter 22

1358 Words
HINDI ko alam kung bakit ako ang na-guilty sa ginawa ng aking amo kay Sir Jakar, kaya naman dahil sa labis na konsensyang naramdaman, I stayed by his side not until siya na mismo ang nagtulak sa akin pauwi at paalis. "Just go home, Clea, and sleep. Anong oras na 'oh?" Naiinis na wika niya habang humihithit ng kanyang sigarilyo. "If you're concerned because that brute hit me, you've just done a lot of damage to my ego. Hindi ako magdadrama dito dahil lang binastos ako ng pusang 'yon." Umiling iling ako. Pinapanindigan ang pagmamatigas ng aking ulo. "Uuwi ka o tatanggalan kita ng trabaho?" Inirapan ko siya bago umalis ng walang paalam. Badtrip 'yun ah. Buti nga may isang tao nag-alala sa kanya. Ang tanda na niya kaya tas 'yung sumuntok sa kanya napakalakas! Tss. Nang makauwi ako sa bahay, dim na ang mga lights at ang tanging ilaw na nakabukas na lamang ay ang ilaw sa kusina. Dahan dahan akong napatigil sa paglalakad ng makita ang amo ko na nakasubsub sa lamesa at sa kanyang harap ay bote ng mga alak. I sighed deeply before I walked towards him, bahagya ko siyang inalog na kaagad naman niyang ikinabangon at ikinaupo ng maayos. Napakamot siya sa kanyang batok. Napailing ako bago umupo sa high chair. Binigyan ko ng distansya ang layo namin. Napatingin ako doon sa mga figurines na kanyang nabasag kanina nang makitang doon ako nakatingin napatingin din siya roon. He smirked, na para bang alam niya kung ano ang iniisip ko. "Don't worry... I'll clean with you tomorrow." I look at him with a smug look. Dapat lang ano! Para naman ma-realize niya kung ilang pera ang nasayang niya! Kung alam ko lang babasagin rin lang pala niya ng mga mamahaling figurines sana pala ay binenta ko na ito! "Talaga lang ha? Baka nga hapon ka na gigising bukas naglalasing ka pa naman-" Umiling siya at bahagyang tumawa. "No, I'm not; it's just a beer; it's the only thing I know that can keep me sane," he grumbled. "Alam mo bang galit, naiinis at naiirita ako sa 'yo ngayon." Diretsong pahayag ko sa aking nararamdaman. Galit dahil sa ginagawa niya kanina. Naiinis dahil naglalasing na naman siya… Which is… Maybe he miss his ex again? At naiirita para sa aking sarili… Halo-halo… Damn. Nilingon niya ako bago inilapag ang kanyang beer glass. He shook his head. ''I know, so I'm sorry. I'm r-really sorry…" Baka tataba na siguro ang puso ko sa sinabi niya dahil ngayon ay talagang nagpakumbaba siya… Pero bakit sa akin siya nag-sosorry? Bakit hindi doon sa matanda?! My eyes narrowed. "Oh, bakit sa akin nanghihingi nang tawad? Bakit hindi kay Sir Jakar-" He grimaced. "There's no way in hell I'd apologize to that old man, Clea. Sa 'yo lang ako hihingi ng sorry dahil nasigawan kita kanina." Ramdam ko sa kanyang boses ang sinseridad. Hindi ko mapagilang kagatin ang aking pang-ibabang labi. "Bakit ba ganyan ang trato mo kay Sir Jakar? Kung ano man ang pinag-awayan niyo kanina, I'm pretty sure that he does it-" "Ikakabuti ko ba ang mangialam siya sa nakaraan ko at ngayon, Clea? I don't think so. Kahit saang sulok ko pa tignan hindi." Parang natutop ang bibig ko sa kamyang sinabi. I couldn't be able to open my mouth parang may kung anong kumakapit sa aking bibig at pilit na sinasara. "He even told you to keep your distance from me..." Kaagad akong napaiwas ng tingin sa kanyang sinabi. Don't tell me… Sinuntok niya ang matanda dahil lang doon? "Iyan ba ang rason kung bakit kayo nag-away kahapon?" He just tsked. Oo, syempre, iyan lang ang rason na tiyak akong tama. "He's right. I should stay away from you." Seryosong saad ko habang nakatingin lang sa aking harapan, sa gilid ng aking mga mata nakita ko kung paano kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Tss, hindi ko alam kung ano ang ipinakain niya sa 'yo-" "Sir Jakar was just concerned on me, alam ko naman na ang lahat. Kahit nga siya 'eh nasabi sa akin na meron daw kaming paghahawig nung ex-" "Hindi totoo 'yan at patutunuyan ko 'yan." Nang nilingon ko siya ay napakadilim na ng kanyang mukha. Parang bang may narinig na hindi kaaya-aya mula sa akin. Damn, Clea. Control your mouth. Tipid akong ngumiti. "No need." ''I. Will. And. You. Can. Do. Nothing. About. It.'' I just shrugged. Talagang igiit niya 'to ha. Edi fine. Siya rin naman ang mapapagod. "Ikaw bahala." Tanging naiganti ko na lamang. Hindi na siya umimik. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa nang maalala ko ang mga sinasabi niya. Actually, bakit niya igigiit na magkaiba kami nung ex niya? Dapat... Diba hindi niya gawin 'yon? Hindi ko alam ang buong kwento ang tanging alam ko lang namatay sa sakit ang babae at obviously this guy beside still hasn't move on... I swallowed my breath and cleared my throat. "Seriously, you have no need to do that." Hindi siya umimik kaya kusang lumingon ang ulo ko sa kanya. Nakaguhit sa kanyang mukha ang pagtataka. "If me and your ex had some resemblance... W-wala naman akong pake-" "I don't get it." "Ang sinasabi ko lang , Sir. Kung mayroon nga naman talaga kaming pagkakagawig ng ex mo kagaya ng sabi ni Sir Jakar... Then so be it." At nagkibit-balikat ako. Kukutusan ko na talaga siya kapag hindi pa niya iyan nakuha. He gritted his teeth harshly. "Kahit anong sabihin mo, ipaparamdam ko sa 'yo na magkaiba-" "Bakit nga ba kase pilit mong ipaparamdam sa akin na magkaiba kami?! Na hindi totoo ang sinasabi ni Sir Jakar-" "It's because I f*****g like you!" Parang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan. Parang ang takot sa aking sistema ay unting nabubuhay. Kagaya ng mga sinasabi ni Sir Jakar noon. Pilit akong napatawa. "I like you too... Sa lahat ng amo ikaw lang responsableng sumahod sa akin-" His face went black and damn serious that it made shiver. "I'm not some naive middle schooler who simply developed a crush." I nodded briefly. Sana pa lang ay hinayaan ko na siyang ilunod ang sarili niya rito sa alak. "Ah, ganun ba... Sige, Sir. Mauna na ako, maaga pa ako gigising bukas-" Ngunit bago pa man ako makaalis sa high chair... I was simply astonished and stunned by what he did. Our mouths meet. My eyes opened as I looked at the guy who was now kissing me without moving his lips while shutting his eyes. Parang isang dampi lang... Dahil sa gulat ay hindi ko nagawang itulak siya, siya ang unang humiwalay. Nalasahan ko ang konting beer sa kanyang labi at hindi ko kaagad nagustuhan ang lasa at amoy nito. Dalawang importanteng bagay ang ninakaw niya sa akin ngayon! Una ay ang first kiss, pangalawa ay ang pagiging birhen ng aking bibig sa ano mang mga alak. Malokong ngumisi siya sa akin, dahan dahang bumaba ang tingin ko sa kanyang kamay na ngayoy na sa king dibdib... Hindi dahil sa binabastos ako... Dahil pinapakinggan niya ang t***k ng puso ko ngayon... "I'm not sure you didn't think I was attractive." Naiinis na hinawi ko ang kanyang kamay palayo sa akin. Gusto ko siyang sigawan dahil sa kanyang ginawa ngunit mismo ako ay hindi magawa. Urghhh. Clea, get your senses back. "Why did you kiss me, huh?! Isusumbong kita kay Sir Jakar!" Hinihingal na saad ko habang yakap ang aking sarili. But he just replied on me with his "tss". "It was just a smack. Not a torrid one. Not french kiss." Aniya at ngumiwi pa. I hissed. "Kahit na halik pa rin 'yon! Huwag ka ngang gumawa ng kwento kwento! Walang iba't-ibang klase ang halik-" He laughed huskily. Parang doon ay mas lalong nanlambot ang tuhod ko. Masama na 'to. "What a sweetheart; don't worry, I'll try the other kind of kiss." Tamad niyang saad bago sumimsim ng kanyang beer habang nakatingin sa akin. "Asa ka!" Sigaw ko na parang isang bata bago kumaripas ng takbo sa aking kwarto. Bakit imbis na siyang malasing... Bakit parang ako!? You're on the edge of the cliff, Clea... & you're on the verge of collapsing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD