Chapter 30

1120 Words
"WHERE are you going?" Napahinto ako konti sa ginagawa bago siya tinapunan ng tingin. Ubos na ang mga stocks namin sa pagkain kaya mag go-grocery. I list down all the things I need. "Pupuntang grocery… Ubos na stocks natin." Bahagyang pumiyok ang boses ko sa dulo ng makitang nakahubad baro lamang siya. Tanging manipis na puting towel lamang ang nakapulupot sa kanyang beywang. Sa mga nagdaang araw, ganito na parati ang gawi namin. Hindi na rin ako naiilang sa kanya siguro kahit mag half hubad pa siya sa harapan ko wala na akong nararamdaman… Well, gaya ngayon na ginagawa niya. Dumiretso siya doon sa refrigerator para kumuha ng tubig. Habang ako ay parang nadidistract sa kanyang presensya. Ano ba, Clea! Kakasabi ko lang na hindi na ako naiilang pero bakit naiilang ako ngayon?! Damn! Napakurap kurap ako ng makita kung gaano siya katutuk sa akin ngayon habang umiinom ng tubig. Napanguso ako at parang nahihirapang lumunok. "Aalis na ako." Annunsyo ko ng hindi ko na talaga makayanan. Malanding tumawa siya, tanging irap na lamang ang naiganti ko. Napakalandi talaga! I knew it, he's seducing me! Iyan na kase ang ginagawa niya sa mga nagdaang araw. Well I'm very tough on that thing. NANG makalabas ako sa building ni Sir Jakar doon ko lang rin napagtanto na naiwan ko pala ang aking cellphone! Ano ba naman 'yan! "What the…" Bulong ko na lamang sa sarili at naiinis na bumalik sa pinanggalingan pero hindi pa man ako makapasok sa gate ng may biglang marahas na humila sa akin palayo. Hindi ko makita kung sino ito dahil sa kanyang mask na suot ngunit sa kanyang pangangatawan alam kong babae ito, pero kahit anong gawin kong piglas sa kanya ay hindi ko magawa. Bakit napakalakas niya?! "Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko pero huli na dahil nasa loob na ako ng isang van. Nalaglag ang aking panga ng bigla niyang kinuha ang takip sa kanyang mukha. This girl… "Ikaw…?" Hindi mapakaniwalang tanong ko sa babaeng ngayon ay nakataas ang kilay sa akin. Nagkibit balikat siya at bahagyang hinaplos ang mukha ko kaagad kong naramdaman ang paninindig ng aking balahibo dahil sa kanyang ginawa. "Ano ba sabi ko sa 'yo? Magkikita at magkikita pa rin tayo." Aniya bago tinakpan ang aking ilong ng isang puting panyo hanggang sa naramdaman ko na lamang na bumibigat na ang talukap ko sa mga mata. Until darkness eats me. "ITONG bubwita na 'to ang siyang pinalit sa akin?" Isang malakas na sigaw ang siyang nagpagising sa akin. Napalinga linga ako at pilit na inaalala ang huling nangyari kaagad dinambol ng kaba ang puso ko ng malala kung ano ang huling nangyari. I was kidnapped by that maid! Yung pinalayas ni Sir Tristan at ni Sir Jakar! Si Ellen... Napasinghap ako dahil sa takot na raramdaman. "S-saan niyo ako d-dinala?" Isang malakas na sampal ang nakakuha ng aking atensyon. Napatingin ako sa babaeng gumawa nun at ganun na lamang ang gulat ko ng makitang pamilyar din ang ksnyang mukha... Siya... Siya 'yung babaeng sinampal si Tristan sa party ni Henry! Hindi ako nagkakamali! Her arms were crossed and her brows were arched. While looking at her back, my jaw was tightened... Bakit parang nakikita ko ang aking sarili sa kanya? "Oh diba? Parang si Danica?" Saad ni Ellen sa babaeng nakatingin pa rin sa akin ng mariin. She gave a nasty grin. "There's a similarity... It's surprise Tristan didn't pay Danica a visit anymore, meron na palang pinalit." "Hindi ko kaya maintindihan. Wala akong maalala na meron akong kasalanan sa inyo." Pilit kong pinapatigas ang aking boses kahit pa ang totoo nyan ay gusto ko ng umiyak dahil sa takot na nararamdaman. Tumaas ang sulok ng labi nung babae at mariing hinawakan ang panga ko. Kaagad humapdi ang aking panga dahil sa taas ng kanyang kuko. "Hindi ko matanggap na meron pang kamukha si Danica sa mundong 'to. Dapat ako lang! Dapat wala ng ibang tao ang makakapag papaala kay Tristan ni Danica! Dapat ako lang!" She yelled at me before slapping me so hard that I fell out of my chair. Kaagad akong napadaing dahil sa sakit na nararamdaman sa aking. It really hurts! Dammit! Tawa ni Ellen— malademonyong tawa niya ang siyang bumalot sa buong rooftop. Ano ba itong pinapasukan ko! Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito! Damn, can someone bring me out of here?! Ayoko na rito! Mama... Hindi ko na mapigilang umiyak na parang isang bata. I nibbled my lowerlip to stiffle a sob. Ayokong malaman nila na umiiyak ako dahil sa sakit na nararamdaman at takot. "You know what, Castilla? I witnessed them kissing passionately, and I even heard Tristan refer her as Danica. Payag ka nun?" Saad ni Ellen, mas lalong ginagatungan ang galit na nararamdaman ni Castilla. "Samantalang ikaw... Ninakaw mo na mukha ni Danica lahat lahat pero hindi ka pa rin magawa tignan ni Tristan... Tsk. Tsk." Ano raw? Ninakaw niya ang mukha ni Danica? Kaagad akong napatingin sa kanilang gawi. Ngayon ko lang narealize na meron nga kaming resemblance. Ang hulma ng mukha at ang paraan kung paano ngumiti. Ganyan ba ang mukha ni Danica? At ninakaw niya... Ganyan ba siya kabaliw kay Tristan at nagawa niya ito?! That's f*****g creepy! "Shut up, Ellen! Bago mo pa yan dinala ang babaeng 'yan! Alam ko na ang gagawin ko!" "Pwes anong gagawin mo?" "Ano pa ba, ha?! Edi patayin! f**k it!" The dizziness hit me all of a sudden... The usual dizziness. No. Hindi. Hindi pwede! Hindi naman siguro siya babalik diba! Hindi nan siguro ako inaatake ng sakit ko! Huwag naman sana! Wala na akong pakealam kung masaktan ako basta wag lang ako makasakit ng ibang tao! When I saw the guy in front of me with wrinkled brows, I flinched... My lips parted... Hindi makapaniwala sa ginawa ko. Dahan dahang bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan at para akong nalagutan ng hininga nang makitang nasaksak ko siya... Puno ng dugo ang kanyang suot na button down shirt. Pareho kaming nakaluhod at nakatingin sa isa't-isa. No... Huwag si Henry. Namamalikmata lang naman ako diba?! Not Henry please! "H-henry..." Naiiyak na saad ko habang nakatingin sa kanyang mga mata na puno ng sakit. "H-hindi ko sinasadya..." Dahan dahan siyang ngumiti at hinaplos ang aking pisnge sa paraan na para bang mababasag niya ako kapag talagang hahawakan niya ako ng buo. "You didn't do nothing wrong..." Halos pabulong niyang saad. "Kuya!" Isang malakas na sigaw ang siyang nakakuha ng atensyon namin. Isang babae ang tumakbo papunta sa gawi namin. Kaagad siyang dumalo kay Henry at hindi na ako napagtuonan ng pansin. "f**k it! I need to see Clea!" Isang pamilyar na sigaw ang siyang huling naalala ko bago mawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD