I don't know where my foot lead me. Naglalakad lang ako sa gilid ng kalsada na wala sa sarili. Hindi ako alam pero kahit kailan ay hindi ako nakaramdam ng sakit sa paa sa kakalalad.
Sa halip ay parang ang utak at puso ko pa itong pagod sa kakaisip kung bakit ganito ang binigay niya sa aking tadhana. Even just once… God, could you turn me into a normal person?
Mas lalo akong napahikbi sa isipang hindi ko nga siya literal napatay pero ako naman ang dahilan kung bakit at hindi lang 'yan… Henry's aunt and my mother are sharing the same face. Magkamukhang-magkamukha. Am I related to them? Kambal ba ni Mama ang tiyahin ni Henry? Does it make a Dela Fuente too? I don't know… Hilong-hilo na ako. Ni minsan ay walang sinabi si Mama tungkol sa mga ganyan.
Sa pagkaka-alam ko dalawa lamang silang magkakapatid.
So how? How can Jakar make it sense?
Napahawak ako sa bigla sa isang patpat na poste ng makaramdam ng panghihilo. Nang umalis ako sa opisina ni Sir Jakar mula sa pagkakahamitay walang nakakita sa aking pag-alis. Baka hinahanap na nila ako…? How about, Tristan? Hinahanap kaya niya ako ngayon? Nag-alala ba siya sa akin ngayon? Ilang oras na akong nawawala roon.
Pagak akong napangiti. Damn. I'm not a kid anymore para hanapin pa nila.
Napahinto ako sa paglalakad ng makakita ng tulay. Nang makarating ako sa gitna ng tulay humigpit ang hawak ko sa railings.
Suddenly, faces of my past victims flashed through my mind. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nakasakit ng ibang tao.
Isang panibagong luha na naman ang lumabas sa aking mga mata nang maalala ang mga nakaraan.
Lahat kasalanan ko naman talaga. Inaamin ko. I am such a b***h for giving a mixed signals. Kung naging diretsong tao lamang ako, kung sana ay diniretso ko na ang nararamdaman ko sa kanyang apo baka mapagtanto pa niyang wala akong kwentang tao at hindi worth-it para buwisan ng bahay.
If I only did it… Baka… Baka naligtas ko pa siya ngayon. Baka buhay pa siya ngayon.
Dahan-dahan kong pinikit ang aking mga mata at ang huling nakita ko ay ilog sa ibaba ng tulay.
Noon ay ilang beses ko ng naisipan na magpakamatay at sa tuwing ginagawa ko ito isang bagay lamang ang pumapasok sa aking utak: Kapag magpapakamatay ako gusto kong tumalon sa ilog at lunurin ang sarili. Gusto kong mamatay na parang uuwi lang ako. Walang halong sakit at pighati. Ayokong saktan o sugatan ang aking sarili. Gusto ko lang mawala sa mundong ito ng mapayapa…
Itinaas ko ang mga kamay ko na parang pinakikiramdam ang nalalapit kong pagtulog ng mahimbing. Wala na akong pake sa mga taong nakatingin sa akin. All I wanted is to… Die. Hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako. Wala na akong lakas.
My horrible circumstances had entirely depleted me. On both an emotional and physical level.
Will Tristan be as sad as he was when Danica died if I leave this world? Most likely not... Our relationship was like a whirlwind. A breeze that will surely die.
Handa ko na sanang ihakbang ang aking sarili nang makaramdam ako ng isang malaking braso sa aking tyan.
Nakita ko na lamang ang aking sarili na nakahandusay. Ang aking ulo ay doon sa matigas na bisig napunta habang braso sa aking tyan ay hindi pa rin nawawala.
I stilled when I heard a groaned, kaagad akong tumayo upang tulungan ang lalaking gumawa nun.
"I'm sorry." Paulit-ulit kong wika habang tinutulungan siyang tumayo. Gosh, Clea! Napakawalang-silbi mo talaga! Ayan nakasakit ka na naman ng ibang tao!
"f**k, I think I broke my own bone…" Aniya habang namimilipit sa sakit at hawak-hawak ang kanang braso.
I JUST found myself on waiting area in the hospital. Naghihintay sa lalaking nagpahinto sa akin sa pagtangkang kitil sa aking sarili.
Nakaupo lamang ako at tulala, hinihintay ang paglabas ng lalaki. Napasulyap ako sa puting kurtina kung saan binibendahan ang kanyang kamay. I need to pee…
Nang makalabas ako sa cubicle, napahinto ako. Hindi ko inaasahang makita ang babaeng alam kong kinasusuklaman ako. Nagtama ang mga mata namin sa salamin. Gumuhit kaagad ang pagtataray sa kanyang mukha.
Tumikhim siya ng yumuko at aakmang lalabas na ng bigla niyang hinila ang aking braso.
She gritted her teeth tightly.
"Now that you know, wala kana sa tabi niya. Feeling guilty?" Nang-uuyam niyang tanong.
Malalim akong napabuntong-hininga. Alam niya… Malamang, Clea! Nang hindi ako sumagot at tumitig lamang sa kanila, na
ramdam ko ang higpit ng hawak niya sa aking braso.
Damn, she's pushing my buttons! Again! Can someone stop her? Baka ano pang magawa ko sa kanya.
Marahas kong hinila ang aking braso at hindi na ininda ng nakalmot niya ako dahil sa taas ng kanyang mga kuko. Nanatili kaming nagkatitigan sa isa't-isa.
Napaiwas ako ng tingin nang makaramdam ng kakaiba mula sa aming titigan. Why does it feels like I already saw her?
"Wala naman lang ba natitirang kahihiyan sa sarili mo? How could you wander around even when you know someone died because of you?''
My jaw dropped. Hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Am I that heartless? Hindi man lang ba halata sa mga mata ko na pinagsisihan ko ang lahat? Na pinagsisihan ko kung bakit hindi ko tinuloy ang mga balak kong kitilin ang sarili noon?
"Wala kang alam, Alena." Mariing kong sabi sa kanya na siyang ikinatawa lamang niya.
Bahagya siyang dumukwang at ang gilid ng kanyang labi ay nang-uuyam na tumaas.
"I know. Everything." Then she chuckled sarcastically.
"No. You don't. Ang alam mo lang ay ako ang mahal ng taong mahal mo." And now it's my turn to tease her.
She looks so offended on what I said. Bullseye. I crossed my arms while looking at her.
"At ano ang sinabi mo na walang kahihiyang natitira? That word, I believe, is appropriate for you. You're such a b***h to Rayder's mother, pretending as if you genuinely love about her son while you actually love for her nephew. Ahas-"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng dumapo ang kanyang palad sa aking pisnge. Lumagapak ito at parang ume-echo. Napahawak ako sa aking pisnge at mula sa gilid ng aking mata sa repleksyon ng salamin nakita ko kung gaano ito kapula.
"You b***h!" She hissed.
Hindi pa man ako nakabawi ng bigla niya akong sinabunutan. Ang mga babeng kakapasok lamang ay napatili dahil sa kanilang nakita.
Hindi ako makagalaw. Natatakot na baka bumaliktad ang mangyayari ngayon. I let her hurt me. Alam ko na wala lang ang pananakit niya sa kung sakali ako ang makasakit sa kanya.
Binuksan niya ang gripo at doon isinubsub ang aking mukha. Akmang kukunin na niya ang hand sanitizer ng biglang may mga guard na dumating at pinaghiwalay kaming dalawa.
I clenched my jaw tightly. Ang aking damit hanggang dibdib ay basa na dahil sa kanyang ginawa. Marami siyang sinabi sa akin na masama, ngunit hinayaan ko na. Ayokong makipagtitigan sa kanyang mga mata.
"Paalisin niyo ang babaeng 'yan! Palisin niyo 'yan sa hospital ko! Now!" She shouted like a lion at the two hospital guards.
Oh, so sa kanila ang hospital na 'to?
Kinaladkad ako ng mga guard na para bang may ginawa akong kasalanan. Hinayaan ko na sila. Lahat ng mga taong nakakasalubong namin ay nalilitong nakatingin sa akin.
Natitgilan ako ng biglang tumigil ang mga guard na nakahawak sa aking magkabilang braso at dahil nakayuko ako kailangan ko pang tumingala.
When I saw the man in front of us, my pulse raced. While gazing at me, he appears to be quite powerful. Nang lumipat ang mga mata niya sa dalawang lalaki, madilim pa ang kanyang mga mata sa aking kinabukasan.
"Let. Her. Go. Now." Mariin at putol-putol niyang wika.
Maybe Tristan would always be my knight in shining armor.
Automatikong binitawan ako ng dalawang lalaki bago umalis. We still had the eyes of the crowd. Nang mapansin niya ito, tumiim ang kanyang bagang bago kinuha ang aking kamay at kinaladkad palayo roon.
Bakit ka ganyan? Hindi ba siya galit sa akin? Hindi ba siya nagtatampo dahil mas pinili ko si Henry kesa sa kanya?
My eyes drifted on our linking hands. Nang makalabas kami sa lobby ng hospital kaagad niya akong binitawan at hinawakan ang magkabilang balikat ko at sinuri ang buong katawan ko na para bang may nangyaring masama sa akin.
"What are you doing?" Mahinang tanong ko.
He chuckled without humor. "What am I doing? Checking the hell out of you, kung nasaktan ka ba! How could you try to jump on that f*****g bridge, huh?!" Sigaw niya na siyang ikinakurap-kurap ko.
Bakit niya alam?
Akmang ibubuka niya muli ang kanyang labi ngunit hindi niya tinuloy sa pamamagitan ng pagbuntong hininga ng malalim at bahagyang paghilot ng kanyang sentido.
"Get in the car now. I need to calm myself first." Aniya at itinuro ang kotse sa di kalayuan bago ako tinalikuran.
Napatingin ako sa kanyang malapad na likuran. When he says he needs to calm himself. Alam ko na ang kanyang unang gagawin.
Habang naglalakad siya may kinuha siya sa kanynag bulsa, alam ko na kung anong ito. A box of cigarette and a lighter.
Sigarilyo. Ito ang sinabi niya sa akin na tanging makakapagpa-kalma lamang niya.
I always provoke his dark sides. Damn me.