Chapter 7

1420 Words
Seconds turned into minutes. Minutes turned into hours. Hours turned into days. And days turned into months. Napasimangot ako habang sinusulyapan ang sarili sa salamin. Mag-iisang buwan na ako sa pag-tatrabaho rito na mapayapa. Just like what Jakar said, he didn't lie. Ni minsan ay hindi na ako dinalaw ng aking sakit. It really felt good. Nakakatulog na ako sa gabi ng walang iniisip sa aking sarili. Napagtanto ko ring isa lamang siyang tambay… So ibig ba sabihin nun… Sir Jakar pay for his all expenses? Wow. Pwede pa ampon? What a lucky man. Tas binabastos bastos lang niya ang matanda di man lang ginagalang! Tss. Kung ako ang nag-ampon nun baka pinalayas ko na ito rito. Simula nung umuwi siyang lasing ay hindi ko na siya pinapakialaman pa sa tuwing umuuwi siyang ganun ang kanyang kondisyon. Mahirap na… Baka maulit muli. I yawned a bit when I felt sleepy, lumabas ako ng kwarto para sana patayin ang mga ilaw na naiwang kung nakabukas kanina ng sinalabong ako ng isang lalaki pababalik ang lakad sa kanyang kinatatayuan hindi mapakali. Nang makita niyang bumukas ang pinto napahinto siya. Hindi namin mapigilang tumitig sa isa't-isa dahil sa gulat. Nang biglang lumakas ang lagapak ng kidlat mula sa labas ang siyang pag-yakap niya rin sa akin. The way he hugged me is so tight, I was froze. Unable to move, rinig kong meron soyang binubulong ngunit hindi ko ito maintindihan dahil sa tunog ng lakas na ulan at higit sa lahat… My heart. Damn! Gosh! Impossibleng hindi niya marinig ang puso kong naghuhurumentado ngayon? "Can we stay for this a bit?" Mahinang bulong niya malapit sa aking tenga. Nahihirapan akong lumunok. Anong a bit?! How insensitive! Wait… Is he afraid of lightning? Takot siya sa mga kidlat. Hindi ko mapigilang mapatawa ng konti. Kaagad sigang bumitaw ng marinig ang marahabg tawa ko. Para akong nakahinga ulit ng maluwag dahil sa kanyang pagbitaw. He gave me a cold stare and tightened his teeth before turning away. Pumasok siya sa kanyang kwarto at padabog na isinara. My lips pursed. Did I insult him in any way? My mother told me not to laugh at other people's flaws, but I can't help myself... he's sort of adorable. Pinilig ko ang aking ulo, kung baka sundan ko pa ito baka naging leyon na naman ito. Ginawa ko kung ano talaga ang sadya ko kanina. Bago pumasok sa aking silid, napanguso ako at bahagyang sinulyapan ang kanyang kwarto. Ayos lang ba siya? It's still raining. Malalakas pa rin ang kidlat, nakakabingi. I paused for a while before taking a big breath and entering my room. KINABUKASAN, hindi ako makatulog ng maayos dahil sa konsensyang naramdaman sa aking amo kaya naman ay panay ang hikab ko ngayon habang nagpupunas ng mga muwebles. Hindi pa rin siya lumalabas ng kanyang silid. Maaga pa rin naman din kase. Sa susunod na araw na ang sahod ko. Gusto kong mag-ipon ng malaking pera, hindi pa ako nakakasigurado kung wala na nga ba talaga ang sakit ko. Mahirap na baka kase makasakit ako ng mga tao rito, mas mabuti palagi kang handa. In my 22 years of existence in this world, ni minsan ay hindi ko alam kung ano ang puno't-dulo ng sakit ko. Wala akong mapagtanungan dahil wala na ang mga magulang ko, I'm very sure they were the only ones who knew what caused this ailment. Nang marinig ko ang pagbukas ng pinto para kong nabitawan ang muwebles na pinupunasan ngunit kaagad ko itong nasalo gamit ang isang kamay ko. Dahan-dahan kong nilingon ang aking amo ng maramdaman ang presensya niya. Dumiretso siya sa kusina at doon uminom ng tubig na maiinom. Hindi ko talaga alam kung hindi ba siya nakakaramdam ng presensya ng ibang tao o wala lang talaga siyang pakealam. Ilang beses na niya akong hindi pinapansin kahit pa naman halatang tinitignan ko bawat kilos— My face heated on my own thoughts, kaagad kong hinarap ang mga muwebles na pinupunasan at doon itinuon ang atensyon. Urgh, nakakairita! "You didn't go on a grocery?" Biglang tanong niya. Nahihimigan ko sa kanyang boses ang inis. Napanguso ako bago dahan-dahang lumapit sa kitchen counter. Bakit may binigay ba siyang pera para grocery? I can't help but to be sarcastic. "Uhm, nakalimutan ko..." Tanging nasagot ko na lamang. Tumikhim siya ng malakas. "Mag-grocery ka." Aniya bago naglapag ng isang itim na card sa harapan niya bago umalis sa kusina at hindi ko alam kung saan magtutungo. Napatingin ako doon sa card na nilapag niya. Black card, I can't help but make a face... I'm very certain that originated from Sir Jakar as well. Bakit 'yon pa ang inampon niya? Bakit hindi mga kagaya ko? Or ako...? I shook my head before I placed the card on my pockets. Nang lumabas ako ng bahay hindi ko nakita ang aking amo sa sala kaya baka nasa kanyang kwarto. Isn't he sorry for what he did to me? For his sudden tight hug? Ngayon ko lang rin napagtanto na wala palang sariling labasan or gate ang bahay ng aking amo, kase talagang dadaan ka pa sa mahabang hallway ng modernong mansyon ni Sir Jakar. Hindi ako madaling makalimot kaya tandang-tanda ko pa kung saan kami dumaan nung unang araw ko rito. Wala akong nakasalubong na tao habang naglalakad sa kanyang hallway at nang makalabas na ako ng bahay ni Sir Jakar isang malamig at sariwang hangin ang yumakap kaagad sa akin. Kusa akong napapikit para damhin ang lamig nito sa buong katawan ko. Nagpunta lamang ako sa pinakamalapit na grocery mall sa bahay ni Sir Jakar. Habang sakay ng taxi, tinititigan ko ang black card na pinagamit sa aking amo, at biruin mo ipinagkatiwala niya sa akin ito? Hindi ba weird...? I'm really certain that this black card contained millions of dollars! Kung hindi lang talaga ako madaling makonsensya baka itinakbo ko na ito. Napatawa ako sa aking iniisip. Tanga, they can cut this off, kaya useless pa rin. Meron na akong listahan sa ano man ang bibilhin ko kaya hindi na ako nahihirapan sa pamimili. Nang matapos ako sa pag-grocery, habang tulak ang cart palabas ng mall isang pamilyar na mukha ang nahagip ng mga mata ko. My lips parted when I confirmed who he is! "Anong ginagawa niya rito?" Bulong ko sa hangin ng makita ko ang jowa ng aking pinsan. Mas lalong kumunot ang noo ko ng makita ang sasakyang nilabasan niya. Imbis na sa probinsya ito bakit nasa syudad ang lalaking 'to?! Nanlaki ang aking mga mata ng may inalalayan siyang babae palabas, tila wala itong pakealam sa kanilang paligid dahil talagang naghalikan pa ang mga ito. Parang kumulo ang dugo ko. Is he cheating on my cousin? Kahit pa napakamaldita ng pinsan ko at hindi ako itinuturing na kadugo, hindi pa rin tama namangaliwa ang lalaking 'to. Kaagad kong hinagilap ang mahabang cucumber sa aking cart bago nagtungo sa kanilang direksyon. Alam kong nagpupuyos na ako sa galit ngayon kaya nang makita nila akong papunta sa kanilang gawi pawang nakakunot ang mga noo nilang dalawa. "Hoy, Alberto! Anong ginagawa mo rito ha?! Nasaan ang pinsan ko? Bakit may kasama kang ibang babae?!" Nangangalating tanong ko sa lalaking ngayon ay nakakunot pa rin ang noo habang hinahagod ako ng tingin. Naiwala ko lamang ang atensyon ko sa kanya ng bigla akong itinulak ng babaeng kasama niya— Umismid ako ng makitang halatang pariwara ang babaeng kasama niya. "Who is she, babe?" Malambing ngunit mariing tanong niya. Hindi ko nasundan ang mga sinasabi ng ipokritang babae na kasama niya ng marinig ko ang pang-iinsulto niya sa akin at sa pinsan ko dahil kaagad kong hinila ang buhok niya at sinabunutan. "f**k, stop this s**t! You two..." Malutong ng mura ng kung sino sa likuran ko habang pinipigilan ako sa pag-ambang sugod ko doon sa malanding babae. Gosh, she really made me sinner for saying bad words! Mga guwardiya ang pumipigil sa kanya, napahinto siya at may tinignan sa aking likuran ngunit hindi ko na ito magawang sundan dahil habol ko pa rin ang aking hininga. "Babe why are you siding that woman?!" Galit at malakas niyang tanong. When I processed what she asked, I blinked many times. Bumaba ang tingin ko sa natitipunong braso na nakapulupot sa beywang ko. Nilingon ko ito at ng makita kung sino kaagad ko siyang itinulak papalayo sa akin. Kapal ng mukha! Sinamaan ko sila ng tingin bago kinuha ang kawawang cucumber na bitbit ko kanina at nabitawan dahil sa gulo. Inirapan ko silang lahat bago tinalikuran.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD