"Sa inyo 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko tanaw namin ang buong tanawin sa loob ng building na ito.
He smirks mockingly. Napaka mahangin din pala ng isang 'to, pero seryoso sa kanila ang napakalaking Safari Park na 'to? Obviously, he's a filthy rich. Nakakatiyak ako na hindi magkakalayo ang estado ng buhay nila ni Sir Jakar. I'm definitely sure about that.
Ano kayang sekreto nila sa magandang takbo ng kanilang business? Nang ma-iapply ko rin sa aking business balang araw. I chuckled at my own thoughts.
"Solo natin ang buong park, so feel at home." Then he shrugged.
I hissed. "Bigwasan kaya kita? Ano ako unggoy para magfeel at home rito? Nanadya ka na ha!"
But the brute just laughed. Natatawang umiling siya bago ako inakbayan. This man is so freaking careless. Wala atang pakealam sa mga paligid niya. Paano kapag may makakita sa amin rito? Baka mapagkamalan pa kaming mag-jowa. Tsk.
Inalis ko ang braso niya sa aking balikat at marahas siyang nilingon ng maalala ang sinabi niya kanina... Solo raw namin ang park na 'to. Ibig sabihin...
"Hindi mo naman siguro ipinasara ang park para sa... d-date," I was hesitant to say that word but I still say it though. "Natin ngayon, ano?"
He tilt his head a bit, matangkad siya kaya hindi ko talaga mapigilang tingalain siya na parang bathala. Malokong bathala, to be exact.
"If say yes, would you kill me?" Aniya at ngumisi na siyang ikinakulo ng dugo.
How... Arggh. Gusto ko tuloy siya ipakain sa mga hayop rito!
"Oo, ipapakain kita sa buwaya rito! May buwaya naman siguro rito diba?" Naiinis na tanong ko.
He gave a nice chuckle. "I'm not sure why I find you adorable in all you do in this world."
I just frowned. Business man talaga siya, mahilig mangbola 'eh. Inirapan ko na lamang siya at nagtingin-tingin sa paligid.
Una kaming nagpunta sa mga grupo ng unggoy. Para silang nasa isang malaking aquarium at sa loob ng aquarium ay mga puno na kanilang mapaglalaruan.
I couldn't help but to laugh, nang makitang parang nag-uusap ng masinsinan ang dalawang unggoy at biglang tumalikod ang isa at sabay nagpalabas ng isang maamoy na lagim na siyang ikinahagalpak nito ng tawa at kaagad tumakbo paalis.
They're so cute... I think they're a baby monkey because of their sizes. Meron ring isang maliit na sapa na mukhang pina-costumize talaga.
"Would you think it strange if I told you I have a monkey as a pet?" " Biglaang saad ng katabi ko.
Napalingon ako sa kanya. "Halata naman sa mukha mo na pet lover ka... Mukha ka rin kaseng pet." Mataray na pabalang ko na siyang ikina-ngiwi niya.
"You're a bully."
Nagkibit-balikat lamang ako bago binalik ang tingin sa loob ng kuwadra ng mga unggoy. Ang mga matatandang unggoy ay napatingin sa aming gawi dahan-dahan silang lumapit sa wall glass na nakaharang sa aming pagitan at bago naglahad ng kanilang mga palad.
"Parang nanghihingi yata sila ng pagkain..." Nahihiyang wika ko dahil wala akong dalang ni isang pagkain o di kaya saging.
Hindi ko rin naman kase alam na dito kami pupunta. I really had no idea.
May lumapit sa aming dalawang matandang lalaki na nakasuot ng kulay brown na polo shirt at brown na trouser. Pati ang kanilang sumbrero ang kulay brown din.
Napatingin sila sa akin bago ngumiti ng makahulugan sa amo nila. Napahawak ako sa aking batok at napayuko dahil sa kahihiyan.
Sinasabi ko nga ba...
"Napakain mo na ba sila Mang Damian?"
"Uh, oho Sir." Napalingon ang isang matanda sa mga unggoy bago napasimangot. "Itong si Clean... Wala atang kabusugan Sir. Ilang saging kaya ang nakain niyan kanina."
Cle-yan... Bakit mukhang katunog ng pangalan ko? Naningkit ang mga mata kong napatingin sa lalakong katabi ko na tumantango at pasimpleng sumusulyap sa aking gawi.
"Sir, nobya niyo ba?" Masayang tanong nung isang matanda na halatang maloko rin nung mga kabataan niya... Siguro.
Kaagad akong napailing. "Hindi po, Tay. Uh, may utang kase ako sa kanya tas-"
The brute smirk loudly, dahilan para matutop ang bibig ko. "Huwag kayong mag-alaala, Mang Damian at Mang Karlos, kayo ang unang makakaalam kapag naging kami na."
My eyes widened at what he just said. Umabante ako para talaga makuha ang atensyon ng dalawang matanda.
"Hindi po totoo ang sinasabi niya..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ng biglang naglakad patungo si Alberto sa wall glass.
Sinundan ko iyong ng tingin at isang sipol lang niya ay lahat ng mga unggoy ay nagsiunahang lumapit sa kanya. Halatang tuwang-tuwa ang mga ito dahil kumakatok ito sa wall glass na nakapagitan sa kanila. Bigla pa itong humiyaw na para bang nanuonuod ng championship sa basketball.
Napasimangot ako. Pati mga unggoy nagayuma ata niya.
Inilabas niya ang kanyang car keys, ipinakita niya muna ito sa mga unggoy na ngayon at seryoso ng nakatingin sa kanya. Dinala niya ito sa kanyang likuran at sad yang inihulog.
Natatawang umiling ang dalawang matanda na katabi ko ngayon dahil sa ginawa ng kanilang amo. What was is he going to do?
Trying to pull off a magic?
Nakakuyom na ang kanyang kamao ng iniharap ito sa mga unggoy. Sumipol siya at kaagad nag-agawan ang mga unggoy sa kanilang kamay na pipiliin. Para itong mga bata... At si Alberto ang kanilang ama...
Tumawa muna siya at bago pawang na binuksan ang dalawang nakakuyom na kamao.
When I saw all the monkeys laughing hysterically, I felt as if someone had touched my heart. Tumatawa sila na para bang wala ng bukas... Na para bang wala silang mga problema.
Tumatawa na ngayon si Alberto habang ang kanyang kamay ay nakatukod sa glass walll lahat ng mga batang unggoy ay nag-aagawan para itapat din ang kanilang mga palad doon sa palad ng lalaki...
My lips pursed. What a nice view...
"Alam niyo ho ba, Ma'am? Si Sir lang ang nakakapagpatawa sa mga unggoy rito. May ibang mga guest at staffs na ginagaya ang magic ni Sir pero para lang walang epekto sa mga unggoy. Wala kang makitang isang reaksyon mula sa kanila."
Tumatango-tango na ang kanyang katabing matanda. Iyong sinabi na mukhang maloko. "Kaya ako sa 'yo, Ma'am, sagutin mo na si Sir! Halatang gusto ka 'eh, ngayon lang kaya pinasara ni Sir ang Park sa araw mismo ng linggo... Para sa isang babae!" Natatawang saad niya habang pasulyap-sulyap sa kanyang amo na mukhang gumagawa na naman ng bago tricks. "Marami pa namang customer kapag linggo." Pasunod niya sa kanyang unang sinabi.
I dislike it when people tell me that brute likes me... Alberto likes me, as if it's only a matter of stating so and bolstering my assumptions.Hindi ba pwedeng sinapian lang ng kabaitan ang amo nila kaya ganyan ang pinagagawa ngayon?
SINUYOD namin ang buong parke marami pa kaming pinagagawa sa buong parke. Kagaya ngpakain ng ibang hayop. Manood kung paano sila pinaliliguan ng mga crew rito. Paminsan-minsan ay nanood lang ako kay Alberto sa tuwing tumutulong siya sa mga crew at ang lalaking 'to ginawa pa akong photographer. Lahat ng ginawa niya sa buong araw na 'to ay kinuhanan ko ng litrato gamit cellphone niya. Buti na lang kahit papaano ay alam ko kung paano gamitin ang camera sa cellphone.
Alas tres nung napagpasyahan naming huminto muna para kuamin ng snacks. Bumili siya ng maraming pizza at milk tea amg iba ay ibinigay niya sa mga crew at ang iba ay iniwan para sa amin.
Habang nakatingin sa pizza ay hindi ko mapigilang matakam. Hindi ko na rin alam kung kailan ang panghuling kain ko ng pizza.
"Are you enjoying?" Basag niya sa katahimikan.
Nasa pantry kami ngayong dalawa habang tahimik na kumakain ng pizza.
Napatango ako. Hindi ko magawang magsalita dahil puno ang bibig ko ng pizza. Totoong nag-enjoy ako sa araw na 'to.It simply deepened my understanding of him. In a short period of time... I know he had a soft spot in his heart for animals.
"Syempre naman." Sagot ko ng lumawag na ang bibig ko. Bahagya akong napatawa. "Napatunayan mo talaga sa akin, na noong past life mo ay isa kang unggoy." Pagbibiro ko pa na siyang ikinatawa niya ng mahina.
"Napansin ko... Ang mga unggoy yata ang may pinakamalaking lugar dito... Atsaka pinakamaraming hayop rito?" Iyon ang napansin ko kanina.
He licked his lower lip. "Yeah, you're right. We owed my life and my sister's life on monkey's."
My lips parted a bit before I took a sipped on the milktea.
"Talaga? Seryoso? Bakit ano bang nangyari?"
Ngumiwi siya. "Chismosa."
Hindi ko rin mapigilang mapangiwi. "Ikaw kaya ang nagbukas ng topic na 'yan, then might as well opened it wholely!"
He let out a long sigh. "My family and I flew to California for our summer vacation... We went to a famous zoo there, and then something occurred." Nagkibit balikat siya at ramdam ko ang lungkot sa kanyang boses at mukha. "Biglang nasunog ang buong zoo. I'm very sure I'm in my coffin right now if it wasn't for that girl monkey. My sister and I."
Napasinghap ako. "The monkey save you?"
Tumango siya ng marahan. "Uh-huh, instead of my sister and me, she was the one who perished in that accident, and the saddest part is that she was pregnant at the time."
Parang may kumurot sa puso ko. Buntis siya pero talagang sinugal niya ang buhay niya para sa mga tao. Who does that? Sa panahon ngayon impossibleng gawin din iyon ng mga tao. Ang magsakripisyo at tumulong sa kapwa.
Animals have feelings and a brain, too, yet they are treated as though they are worthless. Na para bang hindi rin kagaya nila ng gawa rin ng Panginoon.
"Then my sister and I persuaded our parents that we should adopt monkeys and other homeless animals, and that's how our company began." Hanggang sa dumami sila at ayon napag-pasyahan ng mga magulang ko na gumawa ng Zoo Park."
Ngumiti ako ng matamis sa kanya at bahagyang inabot ang kanyang balikat at tinapik siya ng marahan.
"I'm really sure that the monkey who save you were happy now wherever she is... Naging daan kaya para magkaroon ng tahanan ang mga kagaya niya na napapabayaan lang sa gubat."
He nodded modestly. "Don't you find me... Corny?"
I arched my brow. "Hindi 'ah, but yes I found you corny in this day. Doon sa magic mo."
He sneered and I chuckled. Minsan sarap din niya inisin.
"My sister was the one who made that cheesy magic tricks, ginaya ko lang." Pagdadahilan niya bago kumagat ng panibagong pizza.
Kusang nagkasalubong sa isa't-isa ang mga kilay ko. Did I hear him right?
"May k-kapatid kang babae?" Tila nahihirapan kong tanong.
His brow furrowed quickly. "What's up with that reaction?" Diba sinabi ko na sa 'yo kani-kanila lang na may kapatid ako."
Shit, hindi ko man lang namalayan! Pero walang kapatid na babae si Alberto... He had a siblings but a brother! An older brother.
"Are you serious? Wala kang kapatid na babae Alberto." Diretsahang saad ko sa kanya, dahil sa aking sinabi biglang dumahan-dahan ang pagnguya niya sa kanyang kinakain.
What I stated drew a grimace from him. "How long are you going to call me that name? I told you I'm not Alberto... Henry is my name."
Napailing ako, siya si Alberto! I'm certain on that! Hindi naman siguro ako pinaglalaruan ng mundo ano?! Impossible rin namang kambal ito ni Alberto...? Pero baka? Gosh, it's making my head ache like a hell. It's driving me crazy.
I was about to ask him again when his phone rang. Tinignan niya muna kung sino ang tumawag bago tumayo at nagpaalam sa akin.
Binalikan ko ang kanyang sinabi kanina. Malayong-malayo ang estado nilang dalawa ni Alberto. Aniya ay may kapatid siyang babae at nakapunta na siya sa mga iba't-ibang bansa... While Alberto on the other hand only spent hos whole life on our province. Kasama ang mga alagang hayop ng kaniyang pamilya. Alam ko kung ano ang takbo ng kanilang buhay because we are childhood friends sabay kaming lumaki!
Hindi ko mapigilang kagatin ang aking pang-ibabang labi hanggang sa nalasahan ko na ang aking dugo.