Chapter 1

1065 Words
order ng kanyang customer. Clea is grinning. "What are your orders, Sir?" "Uh, what are your best-sellers here?" Tumindig ang balahibo ni Clea nang pasimpleng hinaplos ng lalaking customer ang kanyang braso. Pero sa halip na magalit ay bumuntong hininga siya at ngumiti na lamang. "Tingnan niyo na lamang po d'yan sa menu," sagot ni Clea, pilit niyang binabalewala ang paglamyos ng lalaki sa kanya. Hindi na bago sa kanya ang mga lalaking pasimple siyang nilalandi. Sa isang sikat na bar nagtatrabaho si Clea kaya hindi talaga maiiwasan ang mga ganitong klase ng tao at dahil may dumaan na waiter na mayroong bitbit na drinks ay kusa siyang napalapit sa lalaki at dahil doon, kinuha nito ang pagkakataon na dakmain ang kanyang pang-upo. Clea's eyes broadened in disbelief. Sasampapalin na sana niya ang lalaki nang maramdaman na naman niya ang kanyang sakit. In a blink of an eye, Clea is now captivated by those bouncers with a big bodybuilt. Napaawang ang kanyang bibig nang makitang duguan na ang noo ng lalaking nambastos sa kanya. Maraming tao ang nakapaligid at nagbubulungan nang masama laban sa kanya dahil sa nagawa niyang bayolente sa lalaki na hindi naman niya alam kung paano niya nagawa. CLEA ended up in the precinct with blood on her hands. Umiiyak siya habang tinatanong ng pulis na may halong pag-aakusa sa kanya. "Miss naman, sabihin na lang natin na binastos ka ng lalaki pero bakit naman aabot sa ganoong paraan? Bakit hindi mo na lang sinampal at nagawa mo pang sugatan?" naiinis na litanya ng pulis sa kanya. Humihikbi na lamang siya habang nakayuko. Bakit parang kasalanan ko pa? Bumuntong hininga na lamang ang pulis at dinala siya sa isang kulungan kung saan mayroong mga babaeng nakakulong. "D'yan ka muna. Hintayin mo ang biktima at tingnan natin kung magsasampa ba iyon ng kaso laban sa ‘yo!" Sinuyod ni Clea ng buong tingin ang kulungan. May mga babaeng preso ngunit ang katawan ay para namang isang lalaki. Marumi at mabaho ang paligid. Nang lumipad ang tingin sa kanya ng mga nasa preso kaya kaagad niyang isiniksik ang sarili sa isang sulok. Mabuti na lamang at pinagtawanan lang siya ng mga ito at hindi pinagtripan. Sakit ang tawag ni Clea sa nangyari kanina. Magigising na lamang siya na meron na pala siyang taong nasaktan. Umaatake lang ang sakit niya na iyon kapag may magtangkang saktan siya. Hindi niya alam kung isa ba itong regalo. Dahil sa kanyang sakit ay nagagawa niyang ipaglaban ang sarili. Si Clea ay lumaki sa bahay ampunan ngunit pinalayas siya dahil din sa gano’ng kaso. The only worst she had encounter is malapit na siyang makapatay ng tao at dahil doon ay lumipat siya ng ibang lugar upang makapagtago sa pamilya ng biktima. Lumaki si Clea na walang permanenteng address. Hindi na rin siya nag-aaral. High school lang ang natapos niya sa buhay dahil hindi na niya kayang tustusan ang sarili kapag mag-aaral pa siya ng senior high. Wala siyang magawa kundi ang tumigil sa pag-aaral at magtrabaho upang matustusan niya ang sarili sa pang araw-araw na buhay. But Clea is a person who always look on the positive sides of life. Sa lahat ng kahirapan niya sa kanyang buhay, nanatili si Clea na isang mabait at maligalig na tao sa mundo. "Clea Versoza, laya ka na!" sigaw ng pulis habang binubuksan ang kulungan kung saan siya nakakulong. Lumaki ang mata niya sa narinig, hindi makapaniwala. Napahawak siya sa bakal ng kulungan. "T-talaga po?" nauutal niyang tanong sa pulis. Tumikhim ang pulis. "Bakit ayaw mo ba?" Kaagad siyang umiling. "Gusto po!" Parang nabunutan ng tinik si Clea sa oras na makalabas siya sa presinto. Mabuti na lamang talaga at alam ng bastos na lalaki na meron ding itong kasalanan sa nangyari. Hindi naman kase niya ito masasaktan kung hindi lamang siya binastos at ginalit nito! Itinali niya ang kanyang buhok na may kahabaan habang naglalakad pabalik sa nirerentahan niyang boarding house. Habang naglalakad si Clea ay ramdam niyang may sumusunod sa kanya. Bumuntong hininga siya nang malalim at niyakap ang sarili habang binibilisan ang kanyang lakad. Napapikit siya nang mariin nang mayroong bumulong sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig. May nakatutuk din na patalim sa kanyang tagiliran. "Sumama ka kung ayaw mong mamatay," bulong nito. Nasinghot ni Clea ay pinaghalong sigarilyo at alak sa bibig nito. She is starting to tremble when she remembered a familiar voice. Ito ang lalaking bumastos sa kanya! Dinala siya nito sa isang madilim na eskinita at doon niya nakita ang mukha nito. Napakamanyak at pangit ng mukha nito. Tumindig ang kanyang balahibo nang makitang ngumisi ang lalaki habang pinapasadan ng tingin ang kanyang dibdib. Kahit pa mayroon siyang sout na damit ay hindi niya mapigilang tumaas ang kanyang balahibo dahil sa takot at pandidiri. "Pakawalan mo na ako, please…" nagsusumamo niyang wika rito. Tumikhim ang lalaki. "Tangina mo! Hindi kita pinakawalan para lang hayaang hindi ka matikman!" And with that, he started to nuzzle her nape. Tears escaped on her eyes. Pilit siyang kumakawala ngunit malakas ang lalaki. Nang maalala ang tinuro ng kanyang matalik na kaibigan ay sinipa niya ang nasa gitnang hita ng lalaki nang napakalakas dahilan para mabitiwan siya nito at ininda ang sakit na ginawa niya. Kaagad tumakbo palayo roon si Clea. "Bumalik ka rito, Clea Versoza!" Mas lalong natakot si Clea nang malamang alam nito ang buong pangalan niya. Is he a stalker of Clea?! Hindi kabisado ni Clea ang lugar kung saan siya dinala ng lalaki. Nang makakita ng sasakyan ay kaagad siyang nagtago sa likod at tinakpan ang bibig, pinipigilan ang sarili na gumawa ng ingay. Narinig niya ang mga yapak ng lalaking manyak. Napapikit siya nang mariin at palihim na nagdasal na sana ay hindi siya mahuli nito. "Tangina!" Clea suddenly found a hope when she saw that the back compartment of the car is open. Bahagya niyang binuksan iyon para doon magtago at dahil maliit ang kanyang katawan ay kaagad siyang nakapasok doon. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng compartment. Kahit na ligtas na siya sa lalaking manyak ay hindi niya pa rin mapigilang mabahala ulit ni Clea sa sarili. Paano naman kapag ang nagmamay-ari ng sasakyang ito ay masama rin kagaya ng lalaki kanina? ‘Please help me, Lord. Pinapaubaya ko na sa iyo ang kapalaran ko.’ Halos mawalan siya ng hininga nang maramdamang umandar na ang kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD