Chapter 2

1133 Words
pagbukas niya sa likod ng compartment. Umawang ang labi niya. She couldn't believe she’s seeing a living Adonis! Mas mukha pa ngang nilamangan nito si Adonis! Tumaas ang sulok ng labi nito at walang pasubaling kinuha ang kanang kamay niya at kinaladkad siya nito. Hindi pa rin humihinto si Clea sa pagpuri sa binata sa kanyang isipan. The man has this manly physique featuring his broad shoulders and dazzling features. Lumipad ang tingin ni Clea sa kamay ng binatang nakapulupot sa kanyanng pala-pulsuhan. Hindi maluwag ngunit hindi rin naman masikip ang pagkahawak nito. Nagtaka si Clea nang nilibot niya ng paningin ang paligid. The place isn't familiar to her. Kumunot ang noo ni Clea sa pagtataka nang bigla na lamang siyang iniwan ng binata at naglakad ito nang mayroong malalaking hakbang. Kahit na ang likuran nito ay napakaperpekto tingnan. Clea's eyes widened when the man hopped in on his car at pinaharurot ang sasakyan nito palayo sa kanya. Bahagya niya itong hinabol ngunit hindi na niya ito naabutan pa. Suminghap siya nang maramdaman ang takot habang nakatingin sa kanyang paligid na puro puno lang ang nakikita niya. Paano kapag may magtangka na naman sa kanya rito? "Nasaan ba kasi ako?" Parang batang tanong ni Clea sa sarili. Napaupo siya dahil sa panlalambot at doon niyakap ang sarili habang umiiyak at pinapakinggan ang mga huni ng ibon. Clea stilled when she heard some footsteps. Minutes later, she saw a pair of shoes in front of her. Kaagad siyang binalot ng takot nang makitang panglalaking sapatos ang nakita niya sa kanyang harapan. Tiningala niya ito habang siya ay paatras palayo sa lalaking mayroon nang katandaan. Nakasalamin ito habang mayroong payong na dala. Bakas sa mukha nito ang kabaitan, hindi ito kagaya ng mga lalaking nakakasalamuha niya sa mga bar na pinagtatrabahuan niya. Ang mukha ng matanda ay napakamalamlam. "A-anong kailangan mo s-sa akin?" nanginginig niyang tanong ngunit nginitian lamang siya ng lalaki. "Wala. May maibibigay ka ba kung sakali?" parang nang-aasar ang boses nito sa kanya. Napailing si Clea. Wala siyang perang dala. Katawan lamang niya ang meron siya ngayon. Kaagad niyang sinamaan ng tingin ang matanda. "Bastos!" sigaw niya at kaagad humagilap ng bato. Iyon ang ginagawang proteksyon niya sa kanyang sarili. "Huwag kang lalapit kung ayaw mong mabukulan ka sa akin!" Ngumisi ang lalaki at natatawang umiling sa kanya. Ang paraan ng kanyang pagtawa ay iba para kay Clea. Dahan-dahan niyang binaba ang bato. "W-wag ka ngang tumawa! Seryoso kasi ako!" she defended herself but the old man just laughed at her. The old man cleared his throat so that he can look like a serious man before he introduced himself to Clea. "I am Jakar, CEO of the famous Jakar Entertainment." Bakas sa boses nito ang pagmamayabang. Sumama ang timpla ng mukha ni Jakar nang makitang tumaas lang ang kilay ni Clea sa kanyang pakikila sa dalaga. Clea raised a brow. "At bakit naman ako maniniwala?" Jakar cleared his throat again before he slightly fixed his corporate attire. May kinuha siya sa loob ng kanyang suit. Isa itong magazine tungkol sa kompanyang pagmamay-ari ni Jakar. Tinanggap ni Clea ang magazine. Bahagyang nanlalaki ang mata nito at sinapo ang sariling bibig. Pabalik-balik ang tingin ni Clea sa magazine at kay Jakar. "You little, brat!" Jakar hissed when he saw Clea isn't still convinced. Clea pouted. "I have trust issues kase!" aniya kay Jakar bago ibinalik ang magazine. Ibinalik ni Jakar ang magazine kung saan niya ito kinuha. Hinarap niya ulit ang dalaga ng malapad na ngiti. "So, what's your name?" Kahit nagdadalawang isip si Clea, ibinigay niya parin ang buong pangalan. "C-Clea… Clea Versoza." Jakar hummed. "Clea…" "Uh, nasaan ba ako? Hindi ko kasi alam kung anong lugar 'to," nakayukong tanong ni Clea kay Jakar. Si Clea ang tipong babaeng walang oras para sa kanyang sarili. Trabaho lamang ang nasa isip niya parati at hindi na niya alam kung kailan ang huling araw na nilibre niya ang kanyang sarili. Jakar just beams while nodding. Napakurap-kurap si Clea nang makita ang sarili sa isang sasakyan at katabi niya ay ang matandang kakilala lamang niya. Hindi niya mapigilang magtaka sa nangyari. Napasulyap siya kay Jakar na naghe-head bang at sumasabay sa beat ng musikang pinapatugtug nito sa loob ng sariling sasakyan. She just shook his head and spent her time watching on the road they passed by. LAGLAG ang panga ni Clea habang lumalabas sa sasakyan ni Jakar dahil sa napakalaking gusali na nasa kanyang harapan ngayon. Ito pa lamang ang unang beses na nakita niya ito at napakaganda nga! Mas lalo siyang namangha nang makapasok. They rode an elevator at sa tuwing tinitingnan niya si Jakar ay parati itong ngumingisi sa kanya at mayroong pagmamayabang na nakaguhit sa mukha. Hindi ito ang tipikal na bahay dahil para itong isang kompanya sa labas ngunit isang moderno na bahay pala sa loob. Meron ka munang madadaanang hallway. Sa ceiling ng hallway nito ay mayroong mga naglalakihang chandelier na nakasabit. "Ang yaman," wika ni Clea sa sarili. Kahit pa magtrabaho siya buong magdamag at magtrabaho ng tatlong beses sa isang araw ay hindi niya makakamtan ang buhay na ito. Hindi nagsalita si Jakar at hinaayan lamang siya nito na pagmasdan muna ang mga nasa paligid niya. Sa dulo ng hallway ay may isang napakalaking pintuan. Bumukas iyon sa sandaling may binulong si Jakar sa kanyang pala-pulsuhan at doon ay nakita niya ang isang kulay itim na parang relo. Nang bumukas ang pintuan ay mayroong sumalubong sa kanila na isang babae na naka-uniporme ng pangkasambahay. "Good Morning, Sir!" Sadyang pinahaba nito ang pagbigkas ng Good Morning. Sa itsura at pananalita pa lang ay batid na ni Clea na hindi nagkakalayo ang agwat ng kanilang mga edad. Nang mapunta ang tingin nito kay Clea, kaagad itong kumaway at ngumiti ngunit kaagad umayos nang maalalang kasama niya ang kanyang amo. "Andito na ba ang pusa?" tanong ni Jakar sa kasambahay. "Uh, wala pa po, Sir! Pero tumawag na siya upang ipagbigay-alam na uuwi na siya at kailangan malinis ang kanyang bahay!" masigasig na sagot ng kasambahay sa kanyang matandang amo. "Oh, andyan na po pala ang pusa!" May itinuro ito sa kanyang likod kaya napatingin din si Clea roon. Kaagad kumunot ang noo ni Clea nang makita ang lalaking nang-iwan sa kanya! Blangko ang mukha nito at ang magkabilang kamay nito ay nasa kanyang bulsa. The man with no emotions is wearing a black hoodie and that added to his dark ambiance. "Good morning, Sir!" "Bakit ngayon ka lang?" Clea's jaw literally dropped nang nilagpasan lang silang tatlo at walang ni isa mang isinagot ang lalaki. Ni hindi man lang nga sila tinapunan ng tingin, eh! "Walang galang," bulong ni Clea sa sarili habang pinupukol ng masamang tingin ang likod ng lalaking papalayo sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD