ILANG segundo na lumipas na nasa ganoong posisyon kami, walang gustong bumitaw. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ng aking sarili na bumitaw. Nakatitig lang ako sa kanya na para bang kinakabisado ang kanyang buong mukha habang siya naman ay nakangiti lang nang malawak sa akin. Doon lamang siya bumitaw ng biglang may tumawag sa kanyang pangalan, kaagad kong kinutusan ang sarili dahil sa pagiging gaga. Nagpapadala na naman ako sa emosyon! Baka mapapaghalataan na ako nito! ''Man, what took you so long?'' Si Ethan sa taong tumawag sa kanya, halata sa kanyang boses ang iritasyon. Bahagya kong inayos ang aking sarili at nang hinarap ko sila… Dahang-dahan nawala ang ngiti sa aking labi ng makita kung sino ang lalaking nasa harapan namin ngayon na nasa loob ng kanyang sasakyan. Kumunot ang

