''JANITRESS Are you really sure?'' Gulantang na tanong niya habang nakatingin sa aking biodata. Sa mga trabahong binigay o inoffer ni Henry ito lang ang trabaho na alam kong pasok ako. I could never apply as his secretary, I'm not competent enough for that position. Si Kylie pa ang nakakaalam sa piniling trabaho ko. Habang siya naman ay pumipili rin ng trabaho ngunit hindi ko pa alam kung ano ang kanyang napili. ''How about yours?'' Tanong ko at pasimpleng kinuha ang papel sa kanya, baka malukot pa 'to. Pang-ilang ulit ko na itong ginawa dahil parating nagkakamali ang mga spelling. Kita ko pa rin kung paano kalukot ang kanyang mukha, hindi nagustuhan ang trabahong pinili ko. Well, she wants us to be co-workers pero mukhang hindi niya tipo ang napili ko. ''I thought you won't pick that

