''ANONG ginagawa mo rito?'' Matigas na tanong ko sa kanya na siyang ikinalunok niya ng mahirap. Nang malaman ko at narinig ang boses niya mula sa labas wala na akong sinayang na oras pa para harapin siya. Natatakot ako na baka maghasik sila ng lagim ng kanyang ama-amahan. Hindi malabong mangyari 'yun. He scanned me using his eyes from head to toe. Hindi ko alam kung bakit nakarating sa kanya ang balitaNG 'to. Ito nga ang huling hiniling ko kay Henry bago ako nawalan ng malay na dalhin niya ako sa kanilang bahay upang maging pribado ang lahat. Pero heto ako ngayon at kaharap siya. Wala nba talaga akong kawala sa lalaking 'to? ''I'm so worried… What happened?'' Bakas sa kanyang boses ang takot. Napaiwas ako ng tingin. Mariing pinapaalahan ang sarili na huwag na huwag na muling bibigay

