ISANG mainit na sinag ang siyang nagpagising sa akin, ang sakit dahil ang mukha ko pa talaga ang nasisinagan! Nang gumalaw ako doon ko lang naalala ang nangyari. I groaned because of pain. So much pain. Nang gumalaw ako nakita ko kaagad ang dugong lumabas dahil sa bandage. I sighed in so much relief. Buti naman ay buhay pa ako… Those assholes… Buhay pa ba ang kaluluwa nun sa impyerno? Sana ay hindi na! Nang biglang bunukas ang pintuan doon lang ako natigil sa kakagalaw lalo pa at bigla-bigla siyang tumili. "Nakung, bata ka!" Singhal niya at binitawan ang dala niyang itim na tray bago lumapit sa akin at inalalayan ako sa pagsandal ng headboard. "Manang…" I trailed off when I saw how worried she was. "Malilintikan ako sa 'yo ni Sir Henry, n'yan!" Aniya at inayos ang kumot na nasa

