EIRREN
Breaktime na naman at tulad ng nakagawian ay sa library ako nagtungo. Medyo busy na ako ngayon dahil sa thesis na aking ginagawa. Ang bilis ng panahon at nasa last quarter na kaagad kami.
Bibit ang mga librong makatutulong para sa aking research, naghanap ako ng mauupuan. Halos mapuno ang library, marahil busy ang bawat isa sa kani-kanilang mga research paper.
Dumako ang tingin ko sa kabilang bahagi ng library at nakita si Michael. Humakbang ako palapit sa kanya. "Puwede ba akong maki-share ng table?" mahina kong tanong nang makalapit.
Umangat ang ulo niya mula sa librong binabasa. Nabakas ko sa mukha niya ang pagkabigla nang makita ako.
"O-Oh, s-sure," nauutal niyang sagot. In-adjust niya ang mga librong nakapatong sa lamesa para may mapagpatungan ako ng dala kong libro.
Umupo ako sa tapat niya at nagpasalamat, tsaka sinimulang pag-aralan ang mga librong dala ko. Sa pagitan ng pagbubuklat, naramdaman kong tila hindi mapakali si Michael. Ramdam ko rin ang madalas niyang pagsulyap sa akin.
Bigla kong iniangat ang aking ulo mula sa libro, at 'yon, nakatingin nga siya sa akin kaya nagsalubong ang aming paningin.
Michael has a deep set of dark-brown eyes. Hindi rin nakasasawang titigan ang kanyang mukha dahil sa hugis pusong hugis nito, na binagayan pa ng makakapal na kilay. Looking closely, matangos ang kanyang ilong with an average lips. In a simple word, guwapo si Michael lalo na sa may pagka-moreno niyang complexion.
Bahagya ko siyang nginitian. Nagpapahiwatig iyon ng pagtatanong kung may nais ba siyang sabihin.
Umiling lang siya bilang tugon sa mapanuri kong tingin, bago malapad na ngumiti.
Napangiti na rin ako nang tuluyan sa kanya, dahilan upang umaliwalas ang kanyang mukha. Hindi ko alam kung bakit tila nailang siya sa akin kanina gayong maayos naman ang naging pakitungo namin sa isa't isa noong inihatid niya ako pauwi.
Gayon pa man, mabilis naka-adjust si Michael at naglaho ang ilangan sa pagitan namin. Maya-maya pa ay nagkakatanungan na rin kami tungkol sa topic ng ginagawa naming thesis.
Magaan kausap si Michael, at minsan napapatawa niya ako sa mga maliliit niyang jokes. Madalas tuloy kaming tingnan nang masama ng librarian kapag napapalakas kami sa aming pag-uusap. Kuwela na siya noong gabing inihatid niya ako pero may mas lalala pa pala roon dahil ngayon ay talagang aliw na aliw akong kausap siya.
Malapit na matapos ang lunch break, kaya sabay na kaming lumabas ng library patungo sa building ng senior high school. Patuloy lang kami sa aming kuwentuhan, at tawa ako nang tawa sa mga sinasabi niya. Tila enjoy na enjoy rin naman siya na kausap ako.
"See you around," nakangiti niyang sabi nang makarating kami sa classroom ko.
"Okay."
Humakbang na siya patungo sa bandang dulo ng hallway, kung saan naroon ang classroom niya, pero muli niya akong nilingon. Kinawayan ko siya na may ngiti sa labi.
Sa gilid ng hallway, nakita ko si David na nakatingin sa akin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang tila inis sa kanyang mga mata.
'Hmm... Nag-aalburuto na naman po ang bulkan,' biro ko sa aking isip patungkol sa reaksyon niya.
"That self-styled jerk," bulong ko habang nakatingin sa kanya. "Hindi ko maintindihan ang ugali niya. Hmpft!" Pa-irap na tinalikuran ko siya upang balewalain at pumasok sa loob ng classroom.
SABADO, bandang ika-pito at kalahati ng umaga ay nakatanggap ako ng text mula kay Michael.
'Andito na ako sa cafe.' Text niya.
Naglalakad na rin ako papunta roon. Noong huling nagka-usap kasi kami, may nabanggit siyang libro na makatutulong sa research ko at nagprisinta siya na ipahiram iyon sa akin.
Pagpasok ko ng coffee shop ay nakita ko siya sa may gilid, busy sa pagta-type sa kanyang laptop kung saan nasa tabi no'n ang isang libro. Hindi muna ako lumapit sa kanya, bagkus ay nagtuloy ako sa counter at ipinaghanda siya ng cappuccino na ayon kay Harold ay paborito ni Michael.
Busy pa rin siya sa ginagawa, kaya hindi niya napansin na nakalapit na ako. "Kanina ka pa ba?" aniko habang ibinababa ang tasa sa lamesa.
Napatingin siya sa akin at ngumiti. "You're here."
"Yeah, kanina ka pa?" ulit kong tanong.
"Thirty minutes ago."
"Sorry, may tinapos pa kasi akong gawain sa bahay," saad ko na naupo sa tapat niya.
"Okay lang." Tumawa siya nang bahagya at tila nahihiyang napakamot sa ulo. "Hindi ko nga napansin ang pagdating mo."
Napangiti lang ako at hindi alam ang sunod na sasabihin. Nagpakiramdaman kami kaya saglit na namagitan sa amin ang katahimikan.
"Hanggang anong oras nga pala ang shift mo?" tanong niya maya-maya na mabilis kong sinagot.
"Hanggang alas kuwatro ng hapon."
"Oh, so, hapon ka na pala makakalabas?" aniyang hayag na hayag sa tinig ang pagkadismaya.
Napatitig ako sa kanya at 'di mawari kung para saan ang pagkadismayang iyon. Nakaramdam ako ng kalituhan at bahagyang napakunot ang noo.
"How about lunch? We can have lunch together."
Napamaang ako sa pahayag niya. "Ha?"
Napaisip si Michael nang makita ang aking kalituhan, at bigla ring binawi ang sinabi. "Ah, sorry. I know, it's too sudden." Nahihiya siyang yumuko at muling napakamot sa ulo.
Lihim akong napangiti dahil sa gesture niya. Hindi ko alam kung ako lang ba pero naku-cute-an ako kay Michael kapag ganoong nahihiya siya. Bahagya kong naibaling ang mukha ko upang hindi niya makita ang maliit na ngiting naglalaro sa labi ko.
"By the way, ito nga pala 'yong libro na sinasabi ko," aniyang inusod sa harap ko ang librong katabi ng kanyang laptop.
Muli akong napatingin sa kanya. "A-Ah, sige." Kinapitan ko ang libro at sinuri iyon. Nang makumpirmang makatutulong nga iyon sa research ko ay mabilis akong nagpasalamat sa kanya. "Thank you, Michael."
"No problem," aniyang nakangiti na ulit. Humigop lang siya ng kapeng ibinigay ko sa kanya kanina tsaka bumalik sa pagta-type.
"Ah, Michael..." nag-aalangan kong tawag sa kanya. Muli niya akong tiningnan at hinintay ang sunod kong sasabihin. "About that lunch, I-I think it's a good compensation for lending me this book."
"Really?" excited niyang tanong pagkarinig niyon. Tinanguan ko siya at hindi ko mawari kung matatawa ba ako sa naging reaksyon niya. "Sige, wala nang bawian, ha."
"Pero mamaya pa 'yon."
"Don't worry, hihintayin na lang kita. Tinatapos ko pa rin naman ang ginagawa ko, e."
"A, sige."
"It's almost time, you need to get ready for work, right?" tanong niya na tumingin sa kanyang relo.
"Yeah," tugon ko bago tumayo na. "Then I should go now. Just call me, if you need anything."
Tumango lang siya. "Thanks for the coffee." Nilingon ko siya at muling nginitian bago nagpatuloy sa paglalakad patungo sa counter at nagsimula nang tumanggap ng order mula sa mga customer.
Makalipas ang dalawang oras na pagiging abala ko ay nakita ko si Michael na inuunat ang mga braso niya.
'Maghihintay talaga siya rito?' hindi makapaniwalang tanong ko sa sarili.
Napansin niyang nakatingin ako sa kanya at nagkangitian kami. Maya-maya, lumapit siya sa counter at um-order ng milk tea for take out.
Napansin kong nakatitig sa kanya ang ibang babaeng staff at kinikilig. Bahagya akong nailang dahil sa trato sa kanya ng ibang babae.
"Okay lang naman na huwag mo na akong hintayin dito kung may iba ka pang gagawin," mahina kong mungkahi sa kanya. "I'll text you later when it's time," pahayag ko pa habang ibinibigay ang order n'ya.
"Actually...I need to see David for a bit. It's for him, anyway." Itinaas niya ang milk tea. "And I have something to tell him."
"Okay, mabuti kung gano'n," nakangiti kong sabi.
"Hintayin ko na lang ang text mo, okay?"
"Sige."
Bago siya tumalikod ay kinuha muna niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na maong pants upang tawagan si David.
"Yes, David. I'm on my way," sabi niya rito bago muling tumingin sa akin at sumenyas na aalis na siya.
Tumango lang ako at sinundan siya ng tingin habang palabas sa pinto ng coffee shop.
PAGSAPIT ng tanghali ay tinawagan ko si Michael, base na rin sa aming usapan.
Naglalakad na ako palabas ng shop nang sumagot siya sa kabilang linya.
"Yes, hello?"
Nangunot ang noo ko dahil parang hindi boses ni Michael ang narinig ko. Inalis ko sa aking tainga ang cellphone at tiningnan kung tama ba ako ng nai-dial na number. Well, tama naman. A, baka nagkamali lamang ako ng dinig.
"Hello, Michael. It's me, Eirren."
Hinintay kong sumagot siya pero nanatili siyang tahimik.
"Michael?"
"Michael is not here. It's me... David."
Natahimik ako pagkasambit niya noon. Hindi ko alam pero nagsimula akong kabahan kaya naman wala sa sariling pinutol ko ang tawag.
Napahinto na ako sa paglakad at umupo muna sa upuan na nasa harapan ng coffee shop ng aking tito.
'Bakit na kay David ang cellphone ni Michael? Anong gagawin ko? Kakain na ba akong mag-isa?'
Nagsunod-sunod ang mga tanong na iyon sa isip ko na agad ring naglaho nang mag-register sa screen ng cellphone ko ang number ni Michael.
Medyo nagdadalawang-isip pa akong sagutin iyon. Paano pala kung si David pa rin 'yon. Aaminin ko, nitong mga nakaraang araw ay hindi ako nagiging komportable na kasama o nakikita si David. Ewan ko ba, pero kapag malapit siya sa akin ay kabang-kaba ako na halos mahirapan ako sa paghinga. Para bang may mga nagkakarerang kabayo sa dibdib ko sa lakas ng dagundong roon.
Hindi ko alam ang maitatawag sa emosyong ito pero pakiramdam ko ay may mga bagay na nag-uugnay sa amin ni David.
Napunta sa missed call ang tawag na iyon ni Michael. Pero maya-maya ay rumehistro na ulit ang pangalan niya kaya naman lakas-loob ko nang sinagot iyon.
"H-Hello."
"Eirren, sorry I forgot my phone in David's car. So, where can we eat?" anang boses ni Michael sa kabilang linya. Napanatag ako nang mabosesan ko siya.
"Anywhere, ikaw na ang bahala."
"Actually, I crave for some fast food. Can we grab a food in Mcdo?"
"Sure. So, I'll see you there?"
"Okay, see you."
Nang mag-call ended ay itinabi ko lang ang cellphone ko sa aking sling bag bago naglakad patungo sa direksyon ng nasabing fast food chain. Ilang metro lang naman ang distansya niyon mula rito sa shop kaya kayang-kaya ko nang lakarin.
Pagkadating ko roon ay nakita ko na kaagad si Michael. Nakangiti akong naglakad palapit pero nang ilang hakbang na lang ang layo ko sa kanya ay bigla akong napahinto. Nakita kong hindi siya nag-iisa at kahit nakatalikod pa ang kasama niya ay kaagad ko itong nakilala.
Nagdalawang-isip ako kung tutuloy pa ba ako o titiisin ko na lang ang pagkailang ko kay David at babalewalain ang tila pader na nakapagitan sa amin.