CHAPTER 5

1530 Words
CHAPTER 5 NAGULAT ako sa biglang pagsulpot na iyon ni Harold sa aking unahan. Bigla ko ring napindot ang sleep button ng aking cellphone at ipinatong iyon sa lamesa. "Are you insane? Are you drinking coffee?" malakas ang boses na sita niya sa akin. Napalinga ako sa paligid at nakita kong natawag na ni Harold ang pansin ni Eirren, na ngayon ay nasa kabilang lamesa lang. "David, tell me, I was wrong. Because, Dude, I will surely f*cking beat you if you even had a sip of that coffee. It might kill—" Agad akong napatayo at natabunan ng aking kanang kamay ang bibig niya upang matigil na siya sa pagsasalita. Nakita ko nang nakakunot ang noo ni Eirren dahil sa mga sinasabi niya. Nangunot din naman ang noo ni Harold dahil sa ginawa ko. Sumenyas ako sa kanya na huwag maingay at pinagalaw ang mata sa direksyon ni Eirren. Napatango siya nang makuha ang ibig kong sabihin. Dahan-dahan kong niluwagan ang pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya. Makakahinga na sana ako nang maluwag dahil nagkaunawaan kami pero naging traydor si Harold. "David, are you trying to kill yourself? You're going to die, Dude, if you drank this coffee. This won't do. I need to bring you to the hospital," he shouted hysterically. Napanganga ako dahil sa ginawa niya. Loko-loko talaga itong si Harold. Pahamak, e! Nagtatakang lumapit sa amin si Eirren, senyales na hindi ko na maiiwasan pa na madiskubre niya ang isa ko pang kahinaan—kape. "Anong problema, Harold?" tanong niya. Napaupo na lang ako habang napapakamot sa ulo. "Ikaw ba ang nag-serve nito sa kanya?" tanong ni Harold kay Eirren. "Oo, bakit? May problema ba?" "Haist, it's a big problem, Darling." "Don't mind him, Eirren," saway ko sa pag-uusisa niya. "Harold is just overreacting." "I'm not, Dude. You know, I'm just concern about you," paliwanag ni Harold. Mahina kong naipukpok ang palad ko sa lamesa kasabay ng pagbuntong-hininga nang wala na akong maikatuwiran pa sa kanya. "You see, Eirren," bumaling siya kay Eirren upang ipaliwanag ang sitwasyon, "David is not allowed to drink any kind of beverages with caffaine." "Caffaine?" "Yes." "Pero bakit?" "Stop it, Harold," sita ko sa kanya pero sa malumanay na paraan. Para akong mauupos sa kinauupuan ko. Hindi ko alam pero kahihiyan sa akin ang bagay na iyon. "He's allergic to caffaine. Large amount of caffeine or a cup of coffee will kill him." "Ano?" gulat at hindi makapaniwalang bulalas ni Eirren. "So, bakit siya nag-order ng kape?" Nagkibit-balikat si Harold bago muling nagtanong. "Nakita mo bang uminom siya sa kape na iyan?" "H-Hindi ko alam. Masyado akong busy kanina." "I didn't even have a sip, Dude, stop that crap. I know my limits," seryoso kong sabad sa usapan nila. Napatingin sila pareho sa akin at sabay pang nagtanong. "Sigurado ka?" Napatawa na lamang ako sa inakto nilang dalawa bago napailing. Tumayo na ako at kinuha ang libro at cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa bago iyon inilagay sa loob ng aking backpack. Nawalan na ako ng gana na manatili pa rito. "I'm leaving," tipid kong paalam sa kanila bago nagtungo sa exit. Okay na sana ang gabi ko kaya lang panira talaga si Harold. Kailangan pa ba niyang ipangalandakan iyon sa harapan ni Eirren? Napailing-iling lang akong muli pagkasakay ko sa aking motor. Naglagay lang ako ng helmet bago iyon pinaharurot patungo sa direksyon ng aming bahay. IPINARADA ko ang aking motor katabi ng aking kotse—latest model ng Mercedes-AMG GT Coupe (C190)—na regalo sa akin ng aking mga magulang noong sumapit ang ika-labing-walong taon kong kaarawan. Madalang ko lang itong gamitin dahil nga sa sitwasyon ko at tanging si Michael lang ang nagagawang magtagal sa loob niyon. Natitigan ko ang sasakyan mula sa unahan kasunod ang muling pagsagi sa isip ko ng hindi pa rin malinaw na mga alaala. Ayon sa aking doktor, kung nais ko raw talagang alalahanin ang mga nangyari sa insedenteng iyon, balikan ko raw ang lugar kung saan iyon naganap. Tinatawag nila iyong exposure therapy—isang hakbang upang tuluyan kong mapaglabanan ang takot o traumang pinagdaraanan ko. Pero paano nga ba kung wala akong ideya kung saang parte ng Pilipinas nangyari ang tagpong iyon. Isa pa, ayaw na ayaw ng aking ina na mauungkat ang tungkol sa pangyayaring iyon kaya naman hindi ko talaga alam kung saan ako magsisimula. Iilang paraan lamang ang alam ko upang kahit papaano ay maalala nang paunti-unti ang totoong nangyari nang araw na iyon. At sa muling pangingibabaw ng pagnanais na maalala ang nakaraan, nais kong subukan muli ang bagay na paulit-ulit kong ginagawa. Lakas-loob akong sumakay sa backseat ng kotse. Base sa naaalala ko ay sa puwestong ito ako nakasakay, maliban doon ay wala na. Gayon pa man ay hinding-hindi ko makalilimutan iyong takot na naramdaman ko noon. Sa murang edad ko na labindalawang taon ay malikot na ang aking isip. Kaya naman ganoon na lamang ang pagtataka ko kung bakit wala akong maalala sa naturang insedente. Sabi pa ng doktor ko, may mga ganoong cases daw talaga. Tinatawag daw iyong memory suppression. Dahil sa kagustuhan kong mawala sa isip ko ang alaala na iyon, sinanay ko raw ang sarili ko mula pa sa simula na huwag iyong alalahanin hanggang sa tuluyan ko iyong makalimutan. Kaya naman ngayon ay nahihirapan akong balikan ang lahat ng iyon kahit gustuhin ko pa. Pagkaupo ko sa backseat ay pinakiramdaman ko lang muna ang aking sarili—kalmado pa ako. Pinalakas ko rin ang loob ko na harapin ang aking takot bago dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata. Ilang segundo lamang ay nagsimula nang kumabog ang dibdib ko. Isa sa nagti-trigger sa aking panic attack ay ang kahit pag-upo ko lang sa back seat. Bumabalik sa akin ang lahat ng pakiramdam—takot, galit, at higit sa lahat ay ang hindi ko maipaliwanag na kalungkutan. Pinagpawisan ako nang malamig at nagsimula na rin akong makaramdam ng paninikip ng dibdib pero pinaglabanan ko iyon. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at pinilit na ibalik ang alaalang nawala sa aking isip. Sinubukan kong alalahanin ang mukha ng driver ng kotse, ang pangyayaring naganap, ang itsura ng paligid at maging ang mga ingay na naririnig ko. Nakapitan ko ang dibdib ko at nagsimula akong humingal. Kaunti pa! Kaunti pa! Tiniis ko ang nakasasakal na tensyon sa paligid. Pinaglakbay ko ang aking isipan sa nakaraan, sa sandaling ninais kong kalimutan. Gusto ko nang maalala ang lahat dahil pakiramdam ko ay isang bahagi ng aking pagkatao ang nawala. Ngayon ko naiisip ang kahalagahan ng bawat alaala o karanasan: masakit man, malungkot o puno ng kaligayahan, ito ang bubuo sa ating buhay. Bawat sandali, may iba't ibang simbolong pinanghahawakan. Patunay ang mga karanasang iyon na buhay tayo, nasasaktan, nabibigo, pero ang lahat ng iyon ay may kaakibat na saya o kaligayahan. Pumatak ang isang butil ng luha sa mata ko. Kasabay ng paglandas niyon sa pisngi ko ang pagbalik ng pira-pirasong imahe sa aking isip. Bigla akong napamulat dahil sa pagkabigla. Saglit na huminto ang aking paghinga. Nang maulian ako at tila walang masagap na hangin ay nanginginig ang kamay ko na binuksan ang pinto ng kotse. Paluhod akong bumagsak habang nakatukod ang dalawa kong braso sa semento. Hinahabol ko ang aking paghinga. Ano ang alaalang iyon? Isang kotse, may mga taong sakay sa loob—binangga iyon ng kotseng sinasakyan ko. Nakita ko ang duguang mukha ng mga taong sakay niyon. Iyak ako nang iyak dahil kahit gustuhin ko mang tulungan sila sa aking murang edad ay hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko. Muli kong nasapo ang aking dibdib nang muli iyong manikip. "Argh!" sigaw ko nang hindi ko na makaya ang magkakahalong emosyon na pumupuno sa aking dibdib. Kusang namalisbis sa aking pisngi ang luha. Ang lungkot, ang sakit. Lalong bumalong ang luha sa mga mata ko. Napasandal ako sa kotse at lalong napaiyak. Maya-maya ay nakarinig ako ng mabibilis na yabag ng paa—wari'y nagmamadali sa pagtakbo. Ilang sigundo lamang ay nakita ko na ang aking mga magulang na nag-aalalang lumapit sa akin. "David!" "David, anak!" salitan nilang tawag sa pangalan ko. Nahihintakutan ang aking ina na kaagad akong dinaluhan at niyakap. Maging siya ay namasa na rin ng luha nang makita ang kalagayan ko. "Kunin mo ang gamot ni David! Dalian mo!" utos ng aking ama sa katulong na kasunod nila. "Opo, Sir." Dagling tumalima ang katulong at ilang saglit lamang ay nakabalik na ito. Agad na isinubo ng aking ama sa nangangatal ko pang labi ang ilang tabletas ng propranolol na sadyang resita ng aking psychiatrist. Segundo lang at unti-unti akong kumalma. Hinang-hina akong napasandal sa aking ina. Nang makita ng aking ama na umaayos na ang paghinga ko ay tsaka lamang niya tinawagan ang personal doktor na tumitingin sa kalagayan ko. Nagpatulong din siya sa driver niya na buhatin ako patungo sa aking kuwarto. Hinang-hina na ako at halos hindi ko maihakbang ang aking mga paa. Maluwag na ang paghinga ko pagkapasok namin sa loob ng bahay pero tuluyan akong tinakasan ng lakas at hirap na kumilos. Nanatili akong nakatulala habang binabalikan ang mga imaheng nag-flashback sa aking isip. 'What happened six years ago?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD