DAVID
"BITIWAN mo ako!" galit na sigaw ng babaeng nasa harap ko. Pinipilit niyang tanggalin ang kamay ko sa braso niya pero lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak doon.
Akala ko kanina ay away magpinsan lang kaya naman gusto ko sanang balewalain, pero nang makita kong sasaktan niyang muli si Eirren ay hindi na ako nakatiis at mabilis ko siyang pinigilan.
"Sabing bitaw, e!" galit pa rin niyang sigaw habang nagpupumiglas.
Matalim ang tinging ipinukol ko sa kanya. "Ayoko," malamig kong saad.
"Baliw ka! Sino ka ba?!" naiirita niyang tanong.
Napangisi ako dahil sa tanong na iyon. "Ah, hindi mo pala ako kilala?" Inilapit ko ang bibig ko malapit sa tainga niya bago bumulong. "Kaya lang, baka mabigla ka kapag nalaman mo kung sino ako."
"G*go ka!" aniyang inilayo ang mukha sa akin.
"So, ikaw ba 'yong sinasabi nilang bully sa school na 'to?"
"Wala kang pakialam! Hindi porke't lalaki ka ay hindi kita papatulan!"
"Subukan mo!" pagbabanta ko sa pagitan ng magkalapat na ngipin. Hinigit ko siyang muli palapit lalo sa akin. Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya nang sumalubong sa kanya ang nanlilisik kong mga mata, lalo na nang muli ko siyang bulungan. Dumungaw ang luha niya sa magkabilang mata habang pinakikinggan ang sinasabi ko. Pagkatapos ay bahagya akong umatras upang tingnan siya at pilyong napangiti nang makita ang kanyang pagkatulala. Wala sa loob na napaatras siya palayo sa akin habang sunod-sunod na bumabagsak ang luha.
Inismiran ko lang ang kaawa-awa niyang itsura bago walang lingon-likod na iniwan siya.
Habang naglalakad palabas ng classroom na iyon ay nakita ko pa ang nakakunot na noo ng ilang manonood. Ang iba ay hindi makapaniwala sa nakikitang breakdown ni Seirra.
Pagkalabas na pagkalabas ko sa classroom ay hinanap ko kaagad sa paligid si Eirren, pero hindi ko siya makita. May ilang ka-batch namin ang nagturo na sa direksyon patungong rooftop siya nagpunta. Kaagad kong inakyat ang hagdan patungo roon.
Isang baitang mula sa taas ay natigilan ako nang marinig ko ang sunod-sunod na paghikbi. Bahagya akong sumilip at nakita ko si Eirren habang nagpapahid ng luha sa pisngi. Bumaba ako, tatlong baitang mula sa kinatatayuan ko bago napasandal sa pader. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay pinipiga ang puso ko ngayong naririnig ko ang pag-iyak niya. Alam kong nasasaktan siya dahil sa mga sinabi ng pinsan niya. Pero ano nga ba ang magagawa ko kundi ang maghintay lang dito.
Mula pa kagabing tananggihan ko si Harold na ihatid si Eirren ay hindi na natanggal ang guilt sa isip ko; hindi na ako napalagay.
It was never my intention to reject Harold's request last night. The problem was, I have a traumatic memory being in a car with someone. The memory was too blurry but I will never forget the feeling. Seems like, Harold forgot about my situation. Matagal-tagal na rin kasi mula noong huli akong nagka-panic attacks. And to avoid any unwanted circumstances that may happen, kaya tahasan ko siyang tinanggihan.
Harold teased me having a trust issues. Because in unexplainable reason, my panic attacks never occurred when I was with Michael. Maybe because I trusted him even with my whole life. That's how he meant to me.
In another cases, I tried to be in a car with Harold but I ended up panicking and didn't even breathe properly.
Yes, I'm suffering from PTSD or Post-traumatic Stress Disorder. It started six years ago after that accident. Whenever I was with someone in a car, except Michael, I got panic and anxiety attacks. It is one of the trigger that I'm avoiding and wanted to get rid of.
I don't want Eirren to find out any of my weaknesses. Honestly, I started to feel something weird about her—not in a bad way. I feels like, she's someone special I want to treasure; someone I need to protect and care.
Someone, na gusto kong pagkatiwalaan katulad ng pagtitiwala ko kay Michael.
Malungkot akong napangiti nang maalala ang hindi maipintang mukha niya kagabi nang tanggihan ko si Harold. I felt so sorry about her that time. Kapit ko nga ang magazine pero hindi ko naiwasan na sulyapan siya. Gustong-gusto kong bawiin ang mga sinabi ko pero naduwag ako. At para mabawas-bawasan naman ang guilt ko kaya sinundan ko na lamang sila ni Michael.
"David?"
Napalingon ako at nakita si Cara na papaakyat din sa hagdan. Nakakunot ang noo niya, nagtataka marahil kung anong ginagawa ko rito.
Hindi ako sumagot bagkus isinenyas ko ang kanan kong hintuturo sa ibabaw ng aking labi. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya natahimik din siya. Narinig namin pareho ang impit na pag-iyak ni Eirren.
Bumakas ang lungkot sa mukha ni Cara dahil maging siya ay walang magawa para sa nasasaktang kaibigan.
Ilang saglit pa kaming nanatili roon bago nagyaya si Cara upang bumaba na. Aniya, sa mga ganoong sandali ay mas gustong mapag-isa ni Eirren.
Dagdag pa niya, sobrang nasaktan si Eirren nang mawala ang mga magulang nito dahil sa isang aksidente. She is trying really hard to endure the pain—alone.
"Let's go. She'll be here in a minute," ani Cara na nagpatiuna na sa pagbaba.
Sinundan ko siya pero ilang ulit pa rin akong lumingon sa gawing rooftop. Nakarating kami sa palapag ng aming classroom pero hindi muna ako pumasok sa classroom ko. Nanatili akong naghintay sa may pinto habang panaka-naka ang pagsulyap sa gawing bababaan ni Eirren.
Hindi nga nagkamali si Cara dahil ilang minuto lamang ay bumaba na siya. Mukhang kalmado na ang kanyang itsura pero bakas pa rin na nasasaktan siya. Namumula rin ang isang bahagi ng kanyang mukha dahil sa naunang sampal ni Seirra.
Naikuyom ko ang mga kamay ko dahil hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng galit.
I know that sometimes I'm cold and arrogant but I had never hurt anyone physically.
'Yeah, that girl needs to pay the price of being a bully.'
Tumalim din ang tingin ko sa kawalan habang mariing magkalapat ang mga labi.
Base sa bulong-bulungan na narinig ko kanina sa kumpulan ng mga estudyante, ilang taon ding naging repeater si Seirra sa primary school. Siya ang pinakamatanda sa grade level namin at upang magpagtakpan ang insultong iyon sa kanya ay naging defense mechanism niya ang pambu-bully.
But for me, it doesn't really make any sense. Why should you bully anyone just because of your academic performances and age gap to others? Only a narrow-minded person can do that.
And I will never forgive Seirra for what she did to Eirren and to other students.
BLANGKO ang aking ekspresyon nang pumasok ako sa Cafe' Dan. Ilang segundo ko munang pinagmasdan ang paligid. Malawak iyon, at hindi tulad ng inaasahan kong normal na coffee shop. It has a unique vibe dahil sa isang bahagi nitong tila mini-library where you can enjoy sipping a cup of coffee while reading. The place gave me warmth and cozy feeling. Tila unti-unti akong nari-relax at napapanatag sa iilang minuto ko pa lang na pananatili roon.
I let out a sigh of relief while inhaling the rich aroma of roasted coffee bean.
'A, ano nga kaya ang lasa ng kape?' naisaisip ko habang kusa akong dinadala ng mga paa ko upang pumila sa hanay ng mga customer na umo-order.
Nasa counter si Eirren habang kumukuha ng order at tumatanggap ng bayad mula sa customer. Napakalapad ng kanyang ngiti. Hindi mo mahahalatang kaninang umaga lang ay mag-isa siyang umiiyak.
Nang ako na ang nasa harapan niya ay para pa siyang nabigla at natulala. Pero saglit lang iyon, dahil mabilis siyang nakabawi at pilit akong nginitian.
"Hello, Sir. Welcome to Cafe' Dan. May I take your order, please?" magalang niyang bati sa akin pero nahalata ko ang kakulangan sa sinseridad niyon. Pilit na pilit ang ngiti niya. Sinadya pa niyang pasingkitin ang mga mata na tila nang-aasar.
Hindi naman ako nagpaapekto bagkus malamig na pakitungo rin ang naging sukli ko sa kanyang pagbati. Nagkunwari akong nagbabasa sa menu board na nasa bandang ulunan niya. Pero panaka-naka ang pagsulyap ko sa kanya na matiyagang naghihintay.
"Sir?" pagtawag-pansin niya nang hindi pa rin ako umimik makalipas ang ilang minuto.
Blangko pa rin ang ekspresyon kong tumingin lang sa kanya. Narinig ko sa aking hulihan ang bulungan ng ibang naiinip na customer. Pero wala akong pakialam.
Hindi pa rin ako nagsalita at nakipagtitigan lang kay Eirren. Ewan ko ba, parang an'sarap niyang asarin ngayon.
"Sir, anong order mo?" tanong niya sa seryosong tinig.
Napatikhim muna ako bago sumagot. "Café latte?"
"Okay, one café—"
"Oh, no, maybe I will have a cappuccino...."
"Cappuccino—"
"Wait, maybe a tea can do."
Saglit natigilan si Eirren sa pagpindot sa POS monitor at matalim ang tinging bumaling sa akin. Gusto kong mapangiti sa nakikitang reaksyon niya pero agad rin naman niyang binawi ang tingin at ibinalik sa monitor. "What kind of tea, Sir?"
Nakita ko ang paglalapat ng front teeth ni Eirren nang itanong iyon, tanda na nagsisimula na siyang mainis.
Napatawa naman ako dahil do'n.
"Hoy, kung gusto mong maglaro, pumunta ka sa playground. Nakita mo nang maraming nakapila rito!" sigaw ng isang malaking lalaki sa likod.
Nawala ang ngiti ko nang makita ang reaksyon nitong tila manununtok anumang oras.Mahaba na nga ang pila sa hulihan ko at nakakunot na ang noo ng ibang naroon.
Nang muli kong tingnan si Eirren ay may nang-aasar na ngiti nang nakapagkit sa labi niya. Iiling-iling siyang tumingin sa kasunod kong customer. Lihim naman akong napasimangot sa sarili ko nang hindi tumalab sa kanya ang pang-aasar ko.
Akmang tatanungin na niya ang customer sa hulihan ko nang wala sa loob akong nagsalita. "Iced coffee." Gusto ko pang magsisi nang rumehistro sa isip ko ang lumabas sa aking bibig. Nahihiya na akong bawiin iyon dahil mabilis nang nai-enter ni Eirren sa POS cash register ang order ko.
's**t!'
"That will be one hundred-fifty pesos, Sir."
Pinid ang labing kinuha ko ang wallet ko at iniabot sa kanya ang card ko. Mabilis niya iyong s-in-wipe kasunod ang paglabas ng resibo.
"Thank you, Sir. Please take the seat and we'll serve it to you later," aniyang nakasingkit na naman ang mata. Nakataas ang magkabilang dulo ng kanyang labi pero hindi ko masabing nakangiti siya dahil pakiramdam ko ay inaasar niya ako.
Iiling-iling akong kinuha ang card at resibo mula sa kanya tsaka naghanap ng mauupuan. Gusto kong matawa at batukan ang sarili ko sa kagaguhang nagawa ko.
Sa gilid ng shop malapit sa glass window ako pumuwesto kung saan malaya kong makikita at mapapanood ang bawat kilos ni Eirren. Harold told me a while ago that she covered a shift after our class to supervise the shop.
Oo, aaminin kong siya ang dahilan kung bakit ako nagpunta rito. Gusto kong alamin kung okay lang ba siya. Simula kasi kaninang umaga ay hindi ko na siya nakita. Naging mailap siya sa buong maghapon sa mga kapwa namin estudyante. Nahihiya siguro siya dahil sa insidenteng nangyari sa kanila ni Seirra.
Malapad at matamis ang ngiti niya sa bawat customer na makakasalamuha niya. Siguro nga okay na siya.
Habang naghihintay sa order kong hindi ko naman maiinom ay naisipan kong magbasa na lang muna. Kinuha ko sa bag ang librong dala-dala ko. Nakakailang buklat pa lamang ako sa pahina nang mapansin kong palapit sa gawi ko si Eirren. Siya mismo ang nagdala sa akin ng order ko. "Here." Walang kangiti-ngiti na ibinaba niya lang sa tapat ko ang baso ng iced coffee tsaka mabilis na tumalikod.
Hindi ako makapaniwala sa inakto niya. Ang giliw-giliw niya sa ibang customer tapos sa akin, ibang-iba ang pakitungo niya. May sama pa rin ba siya ng loob sa akin? Bago ko pa napigilan ang sarili ko na makapagbigay ng komento ay naibulalas ko na ang nasasaloob ko. "Am'pangit ng customer service n'yo, alam mo ba?" mahina kong sabi pero sigurado akong nakarating iyon sa pandinig niya.
Matalim ang tinging nilingon niya ako. "Excuse me?"
Sarkastiko akong napangiti. "Bad customer service, crew na hindi marunong ngumiti at isa pa, suplada."
"Huh!" nagulat niyang singhal. Nabawi niya ang tingin sa akin saka napailing-iling. Nang bumaling siyang muli ay may naglalaro nang ngisi sa kanyang labi at lalo pang tumalim ang tingin. "Baka sa'yo lang."
Napangisi rin ako dahil sa sagot niya. Tama ako, namimersonal nga ang babaeng 'to.
"Bakit? May problema ka ba sa akin?"
Muli na naman niya akong nginitian nang gano'n—pilit pero nakasingkit ang mga mata.
"Itanong mo sa sarili mo." Walang babala na tuluyan siyang tumalikod pagkasabi niyon at iniwan ako upang bumalik sa counter.
Naiwan akong iiling-iling. May sakit sa gigil ang babaeng 'yon, ayaw magpatalo.
Muli lang akong bumalik sa pagbabasa at sa pagitan no'n ay malaya kong pinanood ang kanyang mga kilos. Bawat galaw niya, bawat ngiti at simangot ay huling-huli ko. Nababakas ko na ang pagod sa itsura niya pero wala naman siyang tigil dahil sunod-sunod rin ang dating ng customer.
Makalipas ang kalahating oras ay isinarado ko ang aking libro at kinuha ang aking cellphone na nakapatong sa lamesa. Ilang pindot lang at tumambad sa gallery ko ang maamong mukha ni Eirren habang natutulog. Napangiti ako at muling naglakbay ang isip ko sa mga nangyari kagabi noong nakuhanan ko siya ng larawan.
"Where's Eirren?" tanong ni Harold kay Cara.
"In my room," maikli nitong tugon. Abala ito sa paghahanda ng miryenda namin.
"Oh, she's late," sabi ni Harold habang nakatingin sa relo niya. "Alas kuwatro na, kailangan ko na siyang ihatid sa coffee shop."
"But, Bro," pigil ni Michael sa kanya sanang pagtayo. "We should finish this tonight." Gumagawa rin kasi kami ng aming school project. "It's due tomorrow morning, right?"
"Yeah."
Sa project na 'to, natapos ko na ang pagbuo ng dalawang palapag na house miniature gamit ang pinagdikit-dikit at pininturahang popsicle stick. Kailangan na lang i-install ang mga ilaw at ngayon nga ay kasalukuyang ginagawa na iyon ni Harold at Michael. Pagkatapos niyon ay magbibigay kami ng konklusyon base sa kabuuang proyekto na aming ginawa.
"I'll get her," sabi ko na lang nang makitang nagdadalawang-isip si Harold sa dapat na gawin. "Tapos na rin naman ako sa ginagawa ko." Tumayo ako at saka tinanong si Cara sa direksyon ng kanyang kwarto.
"Thanks, David!" pahabol na sigaw ni Harold sa akin.
Pagpasok ko sa kuwarto, nakita ko kaagad si Eirren—nakatalikod. Nilapitan ko siya at tatawagin sana, pero hindi ko naituloy nang makita ko ang mahimbing niyang pagtulog. Nakapatong ang ulo niya sa kanyang mga brasong nasa study table.
Napakaamo ng kanyang mukha ngunit hindi pa rin no'n maitatago ang kanyang pagod.
Napayuko ako kapantay ng kanyang mukha upang mas matitigan siya sa malapitan. Simple lang manamit si Eirren pero malakas ang dating. Tama lang ang tangkad niya para sa isang babae. Mahaba ang kanyang buhok na para bang kay sarap haplusin. Hindi man katangusan ang kanyang maliit na ilong pero bumagay iyon sa kanyang bilugang mukha. Napakaganda rin ng mga mata niya—sumisingkit kapag ngumingiti; mga matang nangungusap at laging umaakit sa akin upang titigan siya.
Pinilit kong supilin ang pilyong init na gumapang sa katawan ko nang dumapo ang aking tingin sa mapupula niyang labi.
's**t! Is it normal?'
Napailing-iling ako upang maiwaksi ang mapanuksong kaisipan na iyon.
Muli ko pang pinasadahan ng tingin ang kanyang pigura pero wala pa rin siyang kagalaw-galaw.
"I think, she's really exhausted," naibulong ko. Balita ko kasi, every weekends nagpa-part-time siya sa coffee shop.
Kinuha ko ang kumot na nasa kama ni Cara at ipinatong iyon sa balikat ni Eirren. Gumalaw siya saglit bago muling nahimbing.
Napangiti ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at naisipang kunan siya ng larawan.
Muli, ilang saglit ko pa siyang tinitigan bago lumabas ng kwarto.
Nagtataka sina Harold at Cara, maging si Michael nang bumaba ako na hindi kasama si Eirren. "What took you so long?" tanong ni Harold.
"Where is she?" tanong din ni Cara habang ibinababa sa isa pang table ang inihandang snacks and drinks.
"She's asleep," sagot ko. "Should I wake her up?"
"No, no. Hayaan mo na muna siya," ani Cara. "I'll just text Tito Dan to explain. I'm sure, she really need to rest."
Tumango na lang ako sa kanya bilang pagsang-ayon.
"Seriously, Dude?" hindi makapaniwalang bulalas ni Harold na siyang nagpabalik sa naglalakbay kong diwa. "Why are you having coffee in front of you? Do you want to die?"