Apo Dorothy andito kana pala? halika pumasok kana para makapag pahinga.
Wala ako dito Lola nandoon pa ako sa malayo. Nakikita niyo po ba yon Lola naroon pa ako.
Dorothy ayan ka naman pumasok kana nga lang sa loob..
Alangang lalabas ako Lola e galing nga ako sa labas nakita niyo naman kakarating ko lang.
Ano bang dapat kong sabihin? Para wala kang mapuna lahat ng mga sinasabi ko ginawa mong biro.
Ganito dapat Lola makinig po kayo ha. Apo Dorothy halika pumasok ka dito sa loob para makapagpahinga kawawa ka naman pagod na pagod kana. Ganun dapat Lola ayusin mo sa susunod ha para magkaintindihan tayo.
Saan ka naman napapagod? Sa pag-gagala mo sa pag lalakwatsa mo? Sige nga sabihin mo sa akin kong saan ka napagod?
Si Lola naman dina mabiro sige tatanda ka talaga niyan ng maaga Lola napaka ano mo sa akin. Alam ko na kulang kalang pala sa love life kaya ka ganyan sa'kin.
Gusto mo bang kurotin ko naman yang singit mo Dorothy. Sabihin mo lang total hindi pa ako nakapag linis nang kamay mahahaba pa itong mga kuko ko.
Wag naman Lola.
" Nabigla nalang ang matanda no'ng biglang umiiyak si Dorothy at nagmamakaawa na wag sasaktan."
Abay tarantada talaga itong batang to? Umayos ka nga diyan dalaga kana dapat kumilos ka ayon sa idad mo!
Ano na Lola pwede na ba? Kapani-paniwala na ba ang akting ko? " Wika niya habang umiiyak"
Pag aartista ba kamo?
Oo lola aktingan ba, ano okay na ba ang akting ko?
Hindi, para kang baliw d'yan isa pa sino ba nag sabi sa'yong mag-aartista ka? Diba sabi ko sa'yo wag kang papasok sa ganyan ha Dorothy narinig mo ba ako?
Si Lola naman galit agad? Di naman mabiro sige ito na oh kurotin mo na ang singit ko para tatahimik kalang.
Ikaw talaga bata ka hindi kana nakakatuwa Dorothy ganyan kana ba talaga? Yang kilos mo parang bata kulang sa pag-iisip kailan ka ba titino? Dalaga kana iwan ko na ba talaga sa'yo bata ka.
Lola nagbibiro lang naman ako e hinay-hinay lang po ang puso mo.
Apo mamatay nalang ako pero ikaw ganyan ka parin? Kailan ka ba mag babago? Wala ka paring pinag-bago para ka paring bata kong kumilos. Kong pwede lang sana ibigay kita sa tunay na mag aalaga sa'yo ginawa ko na. Nakakapagod ang alagaan ka ang intindihin ka umayos ka naman para sa sarili mo.
Ano ibig n'yong sabihin lola? May magulang pa ako? Sabihin niyo po sa akin lola, may pamilya pa ako?
Wala akong sinabing ganyan.
Eh ano yong sinabi mo tungkol sa akin? Kong pwede lang ibigay mo ako sa tunay na mag aalaga sa akin?
Sa ampunan gusto mo? Don ka kasi galing eh.
Kala ko pa naman kong ano na? Saan na nga ba ang mga magulang ko lola? Bakit sa tuwing tinatanong ko kayo lagi kayong galit? Bakit ba? Sabihin niyo sa akin hindi ba nila ako mahal? Kaya iniwan nila ako oh inabanduna?
Wag kang mag-isip nang ganyan dimo alam kong anong dahilan nila. Isa pa totoong wala na sila dahil wala na sila pariho nasa langit na.
Eh kapatid lola? Wala man lang ba akong kapatid?
Wag kanang tanong ng tanong diyan Dorothy ang isipin mo nalang mahal ka nila kaya buhay kapa hanggang ngayon.
Pero lola?
Ano? Paulit-ulit nalang sabing wala ng magtatanong e.
" Kahit masakit para sa kanyang Lola ang hindi pag-sabi nang totoo. Ay wala siyang magawa kundi magsinungaling sa kanya para din naman ito sa kaligtasan niya."
Hahahay ito na naman tayo sermonan na naman nakakainis gabi-gabi nalang parang walang katapusan.
Saan ka nanaman pupunta? Ganyan kana talaga kapag sinasabihan ka aalis ka agad ang tigas talaga ang ulo mo bata ka.
Umagang-umaga wala nanaman si Lola ilang beses ng nangyari ang ganito alas 7 palang ng umaga wala na siya. Kong tatanungin ko kinagabihan magagalit sa'kin hays iwan ko ba sa kanya. Hindi naman nagsasabi kong saan kong tinatanong ko siya magagalit at sinusungitan lang ako.
" Hindi na iniisip ni Dorothy kung bakit ganun ang kanyang Lola sa kanya. Ang ginawa niya ay gumala nalang kasama ang kaibigang si Maris kahit walang pera go parin sa lakwatsa."
Gorang anong nangyari sa'yo?Tahimik ka ata ngayon mukhang umayos ka nga kinakabahan ako sayo e.
Grabe naman siya kinakabahan agad hindi porket tahimik yong tao.
Okay ano pala ang nangyari sayo? Wag mong sabihin sakin nag e-emagine ka diyan sa mga gwapong nakikita mo sa tv. Huh?
Hindi no, hindi porket ganito ako gorang bawal na maging malungkot. May problema ako ngayon at hindi lang ito basta problema lang nasasaktan din ang puso ko gorang.
Ano ba yan? Umaakting kana naman ba? Oh totoong may problema ka.
Gorang naman e alam mo naman ako pag nag-bibiro diba? Isa pa totoo to gorang may luhang lumabas sa mata ko o. Kita mo to? Hindi na nga yan maputol-putol tapos sasabihin mo pang nag-bibiro ako.
Alangan naman sa ilong lalabas ang luha mo natural sa mata at nakita ko naman yan. Ito lang ang masasabi ko sayo gorang hindi bagay sayo ang umiyak ang pangit mo kasi!
Ano ba gorang kaibigan ba talaga kita o kaaway?
Kaya hindi syempre. Sige na nga sorry gorang tatahimik na ako promise, bakit kaba malungkot? Dahil ba namimiss mo ang mga magulang mo? O pinapagalitan ka nanaman ni Lola Melissa?
Alam mo naman pala kong bakit e tinanong mo pa sa akin.
So tama ang sinabi ko namimiss mo ang magulang mo at pinagalitan ka ni Lola Melissa.
Gusto ko lang malaman kong bakit ganon ang mundo gorang kinuha na sila agad sa akin kahit ang bata ko pa. Diba?
Pariho tayo walang masagot diyan gorang alam mo naman ako wala ring magulang. Gorang pwede ba? wag na natin yan isipin? Tatanda lang tayo ng maaga diyan e.
Ano pala ang iisipin natin?
" Trapo niya agad sa kanyang luha sa mata. "
Lalaki ba ang gusto mong isipin natin?
Ano pa ba gorang' 30 na tayo pero wala pari tayong Jowa. Alam mo nakakalungkot lang isipin sa edad nating to hindi pa tayo nadidiligan. Ano ang problema sa atin?
Jowa nga wala diligan pa kaya.
Maganda naman tayo a. Bakit walang lumalapit sa atin gorang? Maganda ka at maganda ako sexy ka ganon rin naman ako. Pero bakit walang nagkagusto sa atin? Ano ba ang gusto nila sa babae?
Ikaw lang ang walang Jowa gorang dahil ako meron, meron, meron.
Sino?
Si James my baby, my world my everything, my happiness, my love.
Lukaluka batok ko sa kanya para magising sa kahibangan niya anong James pinag-sasabi mo diyan?
Si James Lu ang mahal ko.
hoy gumising ka nga Dorothy kahit konting pagtingin nga dika niya mabigyan tapos may pa everything-everything kapag diyan. Iba kana pala kong managinip ngayon gorang dilat na dilat ang mata.
Aray naman gorang sapol talaga e ang sakit non! Diba pwedeng busy lang siya kaya di niya ako pinapansin?
Maniwala ka diyan sa panaginip mo gorang?
Wag kang ano sa akin gorang baka sa susunod mabibigla ka nalang kapag malaman mong magkasama na kami sa kama.
Hoy gising girl artista yon hindi yon isang tambay assumera ito tumigil ka nga.
Kaya nga nag porsige ako sa pag-akting para maging artista din ako tulad niya at para narin mapansin niya ang beauty ko diba?
Bahala ka d'yan sa James na yan alam mo namang dika papansin non e. Basta ako hahanap ako nang gwapo at mayaman para naman umahon ako sa kahirapan.
Matanda gusto mo? Ikaw pala ang luka-luka sa atin e wala ng gano'ng lalaki sa mundo at kong meron man m.m.m.m na yon.
Anong m.m.m.m ka diyan?
Matanda, mayaman,madaling mamatay gano'n.
Ano kaba? Hindi naman lahat syempre meron pa no, Tayka nga lang gorang maiba ko ang usapan. Ano ba kasi ang nagustohan mo kay James? Sige sabihin na natin mayaman siya at matangkad gwapo pero di naman siya yong tipong hahabulin nang mga babae no dahil sa ugali niya.
Nasa kanya na kasi ang hinanap ko gorang e.
Ang alin don?
Ang matigas, malaki at mahaba sa palagay ko nga mamabaliw na ako kahit mag iimagine lang ako sa kanya gorang..
Luka-luka kana talaga at bastos pa anong mahaba, malaki at matigas ka na pinagsasabi mo?
Ito naman batok agad iba naman yang iniisip mo kaysa kahulugan ng sinasabi ko. Okay ganito kasi yon!!
Dorothyyyyyy asan ka Dorothyyyy.
" Tawag ng isang bata sa pangalan ni Dorothy. Kaya hindi na natuloy ang sasabihin niya sa kaibigan na si Maris.
Sino ang tumatawag sa akin gorang?
Diko alam halika puntahan natin baka kong ano na yon.
Dorothy kanina pa kita hinahanap saan kaba galing?
Doon lang sa bahay nila Maris bakit? Akala ko pa naman kong sino ang tumawag buknoy ikaw lang pala.
E kasi yong lola mo!
Ha? Bakit? Anong nangyari kay Lola? Sahihin mo buknoy anong nangyari sa Lola ko?
Patay na siya Dorothy pagdating kasi niya kanina dumiretso siya sa amin at nag-usap sila ni mama. Pagkatapos biglang siyang kinapos sa pag-hinga nagtaka kami kaya agad namin siya dinala sa center pero dina kami nakaabot Dorothy.
Hindi yan totoo asan na siya? Halika samahan mo ako kay Lola buknoy.
"Mangingiyak sabi ni Dorothy lakad takbo ang ginawa nila upang makarating agad sa kanyang Lola sa center kong saan dinala ang matanda."
Pagdating namin doon lumantad sa akin ang malamig na bangkay ni Lola Melissa.
Gorang totoo ngang si Lola Melissa ay patay na.
Hindi buhay pa siya. Lola naman diba natutulog lang kayo wag kang magbiro nang ganyan Lola. Kagabi nga pinagalitan mo pa ako tapos ngayon mamamatay ka. Impossible naman yon Lola siguro pina-prank mo lang ako Lola no? Oh di kaya umakting ka lang din sa akin.
" Pabirong sabi niya dito para huminahon sa nararamdamang takot. "
Hahaha pero sa totoo lang lola mas magaling ka pa sa akin kasi kapani-paniwala ang akting mo. Alam mo ba kong bakit? Huh? May paputla-putla kapang nalalaman e bumangon kana diyan Lola uuwi na tayo.
"Yon ang pumasok sa isip ni Dorothy natutulog lang ang kanyang Lola. Pero lalo siyang kinabahan dahil ayaw tumigil ang kanyang mga luha."
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako ngayon Lola? Alam kong nabibiro kalang diba?.
Gorang tama na yan wala na tayong magawa wala na ang lola mo gorang.
Hindi, hindi totoo yan gorang buhay pa siya e natutulog lang siya. Alam ko binibiro niya lang ako.
Gorang tanggapin nalang natin wala na siya wala na tayong magagawa tuloyan ng nagpahinga ang Lola mo.
" Walang nagawa si Dorothy sa pagpanaw nang Lola Melissa niya wala na siyang nagawa kundi tanggapin ang totoo. Lumipas ang isang buwan nag umpisa na siyang naghanap ng trabaho."
Okay kana ba gorang? Kaya mo na bang maghanap nang trabaho?
Oo gorang pero ang problema ko lang anong trabaho naman? High school lang naman ang natapos ko sigurado mahihirapan ako maghanap ng trabaho.
Wag mo muna yang isipin gorang halikana maghanap na tayo alam mo namang nag absent pa ako sa trabaho ko para samahan ka.
Oo na ito na nga. " Sa gitna ng paglalakad nakita nila ang malaking bahay at may nakapaskil sa gate nangangailangan sila ng katulong."
Gorang ito subokan natin kasambahay? Baka matanggap ka dito malay mo kailangan talaga nila ngayon.
Sige gorang walang masama kong susubukan natin. " Agad din namang pinindot ni Dorothy ang doorbell."
Sige pa subokan mo pa tumigil ka nga diyan baka marinig ka nila.
Ding dong ding dong.....
Gorang mukhang walang tao eh alis nalang tayo baka pakamalan pa tayo ditong mag nanakaw.
Kunin mo yong cellphone number gorang para tawagan nalang natin sila. Malay mo wala pa silang nakukuhang katulong.
Ok tayka lang kunin ko muna cellphone ko.
" Sa subrang busy nila di na sila nakahalata na may dumating palang sasakyan at bumaba na ito upang tanongin sila."
Maari ko ba kayong matulongan?
" Sabay lingon nang dalawang dilag sa boses ng kanilang narinig. Paglingon nila mas lalo pa silang nakanganga dahil sa gwapo at matipunong pangangatawan nito. Maputi at mapupulang labi kaya manghang-mangha ang mag-kaibigan.
Gorang pakihila nang panty ko?
Bakit gorang nalaglag ba? Gorang ang gwapo niya.
Gorang pa-parang si James ang gwapo niya at ang kinis.
Ok lang kayo?
Ang gwapo mo talaga kahit buntisin mo lang ako ok lang sa akin sabay hawak ko sa abs niya. Naks gorang ang sarap parang nasa langit ako.
What???? Anong buntisin?
" Nabigla nalang si Darwin dahil sa narinig niya mula kay Dorothy. Oo nakilala niya agad si Dorothy dahil may picture na siya sa dalaga bigay nang amo niyang si lance Sr. Napaayos nang tayo si Dorothy at si Maris dahil sa sagot ni Darwin sa kahibangan nila. Akalain mo ba naman kahit buntisin lang siya nang binata ay ok lang. Napaisip tuloy si Darwin mas malala pa pala ito kaysa inaakala niya.
Ang akala ko lang talaga eh suplada lang ito pero di lang pala may pagkaharot din.
Pasensya na po sir, gorang umayos kana diyan kinakausap kana niya.
Anong maitutulong ko sa inyo? Muli kong sambit sa kanila dahil talagang tunganga lang ang peg nang dalawa. Ano mag sasalita kayo oh buntisin ko kayo dito? Este palapa ko kayo sa aso.
Sungit naman nito? Buntisin nalang wag yong palapa mo kami sa aso.
Baliw!!!! Sagot ni Darwin kay Dorothy.
Abangan..