Katulong ang nagpalayas sa amo
Ano ba ang akala niya sa sarili niya santo? Akala niya talaga mapasunod niya lahat ang mga tao? Pwes nagkakamali siya hindi nila ako kagaya. Tingnan lang natin kong hindi ka susuko lalo pa't magagawa ko na ang iniisip kong plano. Punong-puno na ako sa'yo lalaki ka kunti nalang aapaw na ang galit ko sa'yo. Ang lakas pang tumawa ang pangit naman. Hindi porket tumatawa lang ako pangiti-ngiti akala niya hindi na ako masasaktan? Hoy tao rin ako may puso nasasaktan rin? May araw karin sa'kin lalaki ka kahit amo kita hindi kita sasantuhin.
" Wika ni Dorothy habang tinuturo-turo ang sarili ka harap ng salamin."
Wag kang magpaparinig diyan, Hindi ako bingi para hindi kita marinig sa lakas ng bunganga mo hindi kita maririnig? Akala mo ikaw lang yong naiirita? Para sabihin ko sa'yo lalo na ako hindi mo lang alam kulang nalang iiwan na kita sa ere.
" Hindi niya inaasahan sumagot ang binata sa kanyang mga banta kaya na palabas siya mula sa kanyang kwarto at hinarap ang kanyang amo na si Darwin. "
Wow kong mang iiwan ka? Kong aalis ka? Ay di lumayas ka hindi kita kailangan. Kong ayaw mo sa'kin? Mas lalo na ako wala na akong pakialam sa'yo kahit umalis kapa ngayon din. Katulong mo nga ako Darwin hindi mo ako pag-aari para saktan mo ng paulit-ulit.
Hoy kong manunuod ka nang kdrama? Wag mo akong idamay sa kabaliwan mo. Anong sinasaktan ang sinasabi mo kailan kita sinasaktan ha?
Pag-igihin mo pa Dorothy konting konti nalang lalayas na ang amo mo.
" Bulong niya sa sarili habang napangiti at muli nanaman siyang sumagot kay Darwin."
Maawa ka naman sa akin Darwin babae ako walang sapat na lakas para labanan ka. Kong hindi mo ako kayang mahalin sana naman respetuhin mo ako bilang tao. Hindi bakal ang puso ko bakit mo ba ako ginaganito nasasaktan mo na ako alam mo ba yon. Kong ang puso mo tumibok gano'n din sa'kin kaya please nakikiusap ako sayo wag mo na akong saktan ng paulit-ulit tama na hindi ko na kaya.
Tumahimik ka nga Dorothy ano ang pinagsasabi mo diyan? Anong sinasaktan kita? Ikaw tong panay ang pananakit sa'kin umiiwas na nga ako sayo wag mo akong idamay sa pagka-isip bata mo.
Anong wala? Diyan sa mga sinasabi mo diba sinasaktan mo na ako. Ang sakit mong magsalita Darwin hindi mo alam nasasaktan na ako mahal kita pero gan'yan ang pakikitungo mo sa akin. Para sabihin ko sayo durog na durog na ang puso ko Darwin. Kahit ano pa ang gagawin mo hinding-hindi na mababalik ang pagmamahal ko na winasak mo.
Hindi kita maiintindihan Dorothy anong pagmamahal ba yan? Aalis ako kung yan na ikakasaya mo.
" Mabilis siyang tumalikod at tumongo sa kanya kwarto mabilis syang nakaligpit sa mga damit niya at pagkatapos ay umalis na sa kanyang bahay."
Ayaw mo ng magpaalam sa'kin basta-basta ka nalang aalis.
Para ano pa? Bahala kana sa buhay mo sawang-sawa na ako sa'yo.
Ok fine, kahit saan ka papunta wala na akong pakialam sayo hindi kita pipigilan.
Lalong-lalo na ako never na akong babalik sa buhay mo. Nakakatakot kana Dorothy lalo pa't naging baliw kana baka mapatay mo na ako rito.
" Ilang sandali narinig na lang ni Dorothy ang kotse nito palayo sa bahay nila. Napatalon at nagpagulong-gulong si Dorothy sa subrang saya sa wakas lumayas din ang amo niya."
Ang galing kung umakting good job ka Dorothy napalayas mo ang amo mo.
" Sigaw niya sa tuwa dahil nagwagi siya sa laban nila. "
Ngayon kailangan ko ng maligo at tatawagan ko ang kaibigan ko para mag walwal kami. Masaya yon wala na ang asungot sa bahay tahimik at maaliwalas na ang pakiramdam ko. Ako nalang ang mag-isa sa bahay ngayon pwedeng-pwede ko nang gawin ang lahat ng gusto ko. Pwede rin doon kami magpunta ng kaibagan ko sa bar para doon mag walwal ang sarap maging malaya ohh.
" Habang palayo si Darwin biglang sumagi sa isip niya ang bilin sa kanya ni senyorito Lance sr. mabilis niyang pinahinto ang sasakyan at iniisip ng mabuti kung babalik pa ba siya o hindi na."
FLASHBACK..
Wala akong ibang maasahan sa aking apo Darwin kundi ikaw lang. Malaki ang tiwala ko sa'yo Darwin tulad ng iyong ama ganon din ang kalaki ng tiwala ko sayo.
Salamat sir kong ganon, alam ko po at nasaksihan ko kong paano niyo mahalin at respitohin ang daddy ko noon kahit private bodyguard niyo lang siya.
Oo ganon ako sa mga tao ko Darwin, balik tayo sa apo ko Darwin kailangan n'ya ako ngayon. Kailangan mo siyang makita sa lalong madaling panahon. Alam ko hindi mo pa siya kilala ang pakiusap ko lang sa'yo hanapin at alagaan mo siya para sa akin.
Sir saan ko naman siya mahahanap? Dumating nalang ako sa idad kong ito pero ngayon ko lang nalaman may apo pala kayo. Paano ba nangyari? Bakit wala manlang nakakaalam kong may apo kayo o wala?
Ganito ang estorya Darwin. Meron kaming kaaway noon bata kapa no'n tanging ang daddy mo lang at ako ang nakakaalam sa sikretong yon. Ang anak kong si Lance Jr ay may girlfriend at lihim namin silang kinasal sa huwes dahil buntis na ito. At hindi rin namin pinaalam sa publiko ang tungkol sa pag-aasawa ng taga pagmana ko. Mahirap na baka malaman ng mga kaaway namin ang tungkol sa pagbubuntis ng manugang ko.
Mahirap nga yon sir. Pero kilala niyo ba ang kaaway niyo? Baka naman hindi pa nila alam ang lihim na yon hanggang ngayon?
Kilala namin Darwin kapatid ko sa ama si Javier. Noong pumanaw ang ama namin maraming ari-arian sa'kin ang iniwan si daddy. Dahil ako lang ang tumutulong sa kanya tungkol sa negosyo at sa kompanya namin.
Ang ibig n'yo bang sabihin sir pinag-silosan kayo nang kapatid mo? At siya din ang dahilan kong bakit namatay nang maaga ang anak mo? At ngayon nalayo pa sa inyo ang kaisa-isang taga-pagmana niyo?
Ganon na nga Darwin dahil sa yaman maagang namatay ang anak ko. Pati ang manugang ko ay dinamay nila mabuti at nailigtas ko ang aking apo.
Paano po?
May katulong kami noon matagal na itong nanilbihan sa amin. Siya ang nautosan kong itakas ang apo ko kaya naligtas siya sa kamay ni Javier. Pero hindi rin nagtagal namatay ito dahil narin sa katandaan niya. Bago palang siya namatay siguro ay isang buwan na ang nakalipas.
Paano niyo po nalalaman ang lahat nang yan sir?
Palihim pa rin siyang pumopunta dito sa akin noon upang ipaalam na ligtas ang apo ko at nasa mabuting kalagayan ito. Kaya nga gusto kong ipahanap sa'yo. Kawawa ang apo ko Darwin nag iisa nalang siya ngayon. Isang buwan ng patay ang lola Melissa niya kaya nag-aalala ako ng lubos Darwin.
Ibig sabihin wala po kayong naatasang magbantay pagsamantala sa kanya. Saan ko naman siya hahanapin?
Kaya nga nakikiusap ako sa'yo Darwin hanapin mo siya at bantayan habang hindi pa maayos ang problema sa aming pamilya. Hindi bali nang malayo siya sa akin basta ligtas lang siya.
Pero sir hindi ko po kilala ang apo niyo paano ko po siya mahahanap?
Ito may litrato ako sa kanya dalagang dalaga na siya Darwin. Kahit pa malayo kami sa isa't isa alam ko parin ang nangyari sa kanya.
Bakit di niyo nalang po ipaalam sa kanya sir ang totoo para alam din niya may pamilya pa siya.
Hindi pwede Darwin baka madamay ang kaisa-isang taga-pagmana ko kung mangyayari yan.
Anong gusto niyong mangyari sir? Ako ang mag silbeng taga-bantay niya? Paano ko magagawa yon?
Puntahan mo siya sa Cebu kung makita mo na siya bantayan mo kahit saan man siya pupunta. Kahit ano pa ang gagawin niya dapat nandon ka Darwin.
Paano ko gagawin yon sir? Hindi naman pwede mag apply ako nang bodyguard sa kanya. Mahirap lang siya sa pagkakaalam niya.
Mayroon akong bahay sa cebu Darwin pwede ka tumira don at dalhin mo siya sa bahay ko para mabantayan mo bawat kilos niya.
Anong gagawin ko sir aasawahin ko siya? Para madala ko sa bahay niyo? Alam niyo naman pong may girlfriend ako.
Wag naman gano'n. May paraan pa Darwin mag-isip tayo para magkasama kayo sa iisang bahay.
Sige sir ikaw ang bahala.
Paano kong gawin mo siyang katulong!
Katulong po? Apo niyo sir maging katulong ko? Ayaw ko naman ng ganon sir.
Wala ng ibang paraan Darwin. Wala na akong pakialam kung anong gagawin mo o kong anong plano mo. Basta makuha mo siya at maitira mo sa bahay ko.
Sige po sir kong ganon pala ako ang amo niya?
Parang gano'n na nga hindi naman mahirap gawin yon diba? Mayaman ka naman at lalong hindi ka mahirapan sa pagbabantay sa kanya dahil isa ka namang pulis.
Sige po sir susubukan ko pero paano kung hindi siya papayag maging katulong ko?
Gawin mo ang lahat para makuha mo siya. Ang alam ko naghahanap siya nang trabaho.
Ok sir no probs hindi ba bahala na ako sa deskarte ko?
Oo pero ingat ka sa apo ko Darwin may pagka suplada yon.
Walang problema sir kong gano'n siya sa iba? Sa akin hindi siya uubra.
END OF FLASHBACK..
Walang hiya siya naiisahan niya ako bakit ako ang aalis eh ako ang amo niya. Kakaibang babae naiisahan mo ako ahh humanda ka sa akin. Bumalik ako sa dinadaanan ko nakalipas ng 30 minutos pagdating ko nang bahay rinig ko siya sa banyo ang ingay ingay. Siguro ay naliligo ito bahala siya humanda ka talaga sakin.
"Pagbabanta niya kay Dorothy mabilis siyang umakyat sa kwarto at pumunta sa banyo para kausapin ang dalaga."
Hoy babae lumabas ka nga d'yan.
Sino yan?
Anong sino yan? Si Darwin to lumabas ka diyan mag-usap tayo.
Tayka lang hindi pa ako tapos maghintay ka diyan bakit kaba bumalik?
Ano? Lalabas kaba o papasukin kita diyan?
Nanakot ba kayo sir?
Hindi, bakit natatakot ka?
Bakit naman ako matatakot? Hindi ka naman katakot-takot isa pa hanggang salita ka lang naman e.
Ako ba hinahamon mo Dorothy? Buksan mo ang pinto pagbilang ko nang tatlo kapag hindi pa nakabukas papasukin na talaga kita d'yan.
Go ahead gusto mo ako pa ang mag bilang para sa'yo 1 2..
Ahh talagang ng hahamon ka.
"Binuksan niya agad ang pinto at nakita niya ang hubad na katawan nito. Nakapikit ito dahil may sabon sa mukha dahilan para hindi niya makita si Darwin kong nakatingin ba ito sa kanya o wala."
Walang hiya ka talaga lumabas ka bastos.
Oh ano ka ngayon? Para kang timang diyan.
Bastos ka talaga bastos lumabas kana wala ka talagang galang sa mga babae.
"Para siyang timang hindi niya alam kong saan ang una niyang takpan yong sa taas ba o yong sa ibaba. Walang hiya ka talaga bastos ka lumabas ka na nga muli nanaman niyang sigaw kay Darwin."
Bakit ako lalabas e bahay ko ito?
Banyo ito at nandito ako naliligo bulag kaba?
Hindi' nakikita ko nga ang hubad mong katawan e.
" Pang-aasar ni Darwin kay Dorothy. "
Walang hiya ka talaga kapag ako nakaalis dito humanda ka talaga sa akin sir.
Oh talaga? Hindi ako natatakot sa'yo.
Bahala ka diyan. Kinuha ko ang tabo at naligo ulit pero siya andito lang sa loob nang banyo diko alam kong pinanuod niya ba ako o wala.
Kahit nasa loob ako nang banyo diko parin tiningnan ang hubad niyang katawan oo nakita ko ito pero inalis ko agad ang mata ko. Dahil apo siya nang amo ko at diko hahayaan madesmaya sa akin si sir Lance Sr.
" Pagkatapos naligo ni Dorothy lumabas na ito at hinanap agad ang kanyang amo at natagpuan niya ito sa kusina. "
Oh bakit ganyan ang mukha mo?
Bakit ka pumasok sa loob? Alam mo naman naliligo ako?
Kasalanan ko ba? Ikaw nga tong may kasalanan dito kong makaasta kapa parang ikaw yong amo.
Binastos mo ako sir ibang usapan yon.
Ako pa talaga? Katulong lang kita kaya umayos ka kong ayaw mong palayasin kita dito Dorothy.
Ay sir naman sorry na ikaw talaga sir dika mabiro ang gwapo mo pa naman tapos ang sungit-sungit mo.
Wow chance mood agad kanina para kang tigre diyan tapos ngayon para kang maamong topa. Takot ka naman pala mawalan nang trabaho tapos ang tapang mo kanina.
Sir limang buwan na po tayong magkasama dito tapos ganon-ganon lang paalisin mo na ako?
Ayaw ko nang pakinggan yan baka saan na naman papunta sige na magluto kana diyan para makakain na tayo.
Pwede na ba ako sir?
Pwede saan?
Katanggap-tanggap na ba ang akting ko? Alam mo na papasukin ko ang mundo ng showbiz.
Hindi bagay sayo d'yan kana nga.
Ayy nako ikaw talaga babatukan na talaga kita diyan nakakainis kala niya kong sino siya.
May sinasabi ka?
Wala sir ang sabi ko kasing gwapo niyo si James Lu.
Alam ko yon wag mo ng sabihin.
Naniniwala naman siya akala talaga niya gwapo siya hahahaha asa kapang maging gwapo ka.
ABANGAN..