Girlfriend ko tumawag

2093 Words
" Hindi makatulog si Dorothy dahil nanibago pa ito sa bahay at hindi rin siya sanay ng walang katabi sa pagtulog. Ang ginawa niya bumangon siya at sumilip sa window glass ng kanyang kwarto. Lumabas siya sa kanilang balkunahi at kinuha ang upoan para doon pumowesto sa gilid. Para makatingala ng maayos sa malawak na kalangitan. Hindi rin nagtagal tumayo naman siya para palakad-lakad. Samantalang nagtaka naman si Darwin dahil nakita niya sa camera noong balisa ang heredera. Hindi ito makatulog minamasdan niya lang ang dalaga mula sa kanyang higaan habang nakatuon ang mata sa computer. Kanina pa siya ganyan, bakit kaya? Pagkakaalam ko maaga siyang pumasok sa kwarto niya para magpahinga. Kawawa naman siya ano kaya ang pwede kong gawin? Sana may maitutulong ako sa apo ni senyorito Lance. Mukhang hindi ata siya makatulog siguro ay nalulungkot ito at namimis ang kanyang Lola. Alam ko masaya ka na sa piling ni Lord Lola pero ako hindi ko magawang sumaya. Nakakalungkot lang isipin wala ka na tapos may galit kapa sa akin dahil sa kakulitan ko. Sorry Lola i miss you. " Bulong niya sa sarili habang tumingala sa langit tila may gustong makita sa kalangitan." Tumayo ako at naisipang lumabas ng bahay. Ano kaya ang iniisip nang babaeng to? Saan kaya siya pupunta? " Kinakausap nalang ni Darwin ang sarili dahil sa kanyang nakita sa computer. Oo may nakalagay sa kwarto ni Dorothy na CCTV utos iyon ni Lance Sr. Kahit saang sulok nang bahay ay may camera para makita at malaman niya kong may gagawin si Dorothy nang hindi maganda. Utos nang kanyang amo na si Lance Sr para sa kaligtasan ng heredera. Nang makita niyang lumabas si Dorothy agad siyang tumayo sa kanyang mula sa kanyang higaan para sumonod sa dalaga. Pero pagdating niya sa labas nakita niya ang dalaga nakatingala sa langit at hindi matukoy kong umiiyak ba ito oh hindi. Madilim na ang paligid at tahimik na ang gabi. Lumapit pa siya para masilayan ang mukha ng dalaga doon nalaman niya umiiyak ito dahil namimis ang kanyang Lola. Bakit naisipan niyang lumabas kahit hating gabi na. Umiiyak nga siya. Diko kayang maging masaya Lola kahit anong pilit kong mag pakatatag? Kahit idaan ko man sa tawa sa biro oh sa pang-aasar wala parin. Oo ngingiti ako pero hindi sapat para makalimoatan ka Lola. Ang hirap akala ko madali lang tanggapin mali pala ako. Akala ko pariho lang sa mga magulang ko pero mali ulit ako Lola subrang sakit. Ngayon nag-iisa nalang ako dahil nang-iwan ka ang kaisa-isang pamilya ko iniwan mo ako tulad nila mama at papa. Napaka-daya mo Lola naalala ko pa ang mga sinabi mo sa'kin noon kailanman hindi mo ako iiwan. Pero bakit wala kana sa tabi ko? Bakit iniwan mo na ako? Kong may magagawa lang ako Dorothy sana natulongan na kita. Pero wala e hindi rin pwede dahil trabaho ko rin ang ilihim ang tunay mong pagkatao. Pasensya kana kong puro kasinungalingan ang nakikita mo sa buong buhay mo. Alam ko darating din yong time na malaman mo ang totoo. Kong sakaling darating man yon hiling ko sana maiintindihan mo ang mga ginagawa namin para sa'yo. Ang sakit Lola ikaw nalang ang pamilya ko pero iniwan mo rin ako huhuhuhu. Ang daya mo naman e akala ko ba dimo ako iiwan? Yon ang pangako mo sa akin at sa magulang ko pero ngayon nasaan ka na? Wala ka na sa tabi ko. Lola isang buwan na simula no'ng nawala ka pero ang sakit parin dito sa dibdib ang sakit. Tulongan mo akong kayanin ang lahat ng ito Lola bigyan niyo po ako ng lakas para ipagpatuloy ang buhay ko. Akala ko hindi siya matatablan nang lungkot akala ko lahat nang nangyari sa buhay niya ay kaya niya. Mali pala dinadaan nalang niya sa tawa para kahit papano hindi niya maalala ang sakit. Lola alam mo ba may trabaho na ako ngayon isa po akong kasambahay. Pero tulad ng inaasahan hindi ako marunong magluto kahit maglinis nang bahay. Nakakatawa diba lola? Ikaw kasi hindi mo ako tinuroan ayan tuloy nganga si Dorothy ngayon. Pero nagpapasalamat parin ako sa'yo Lola kasi kahit mahirap lang tayo. Tinitiis mo lahat ng pagod inako mo lahat ang trabaho para hindi lang ako mahihirapan. Alam niyo po kanina Lola pinaluto ako nang amo ko tapos ang ginawa ko nag order nalang ako sa Jollibee para may ipakita ako sa kanya. Pero buking parin kasi may naiwan pang ebidensya hahaha. Nakakatawa talaga diba Lola? Gagawa ng kalukohan itong apo niyo tapos hindi pala magawa ng maayos ayon tuloy buking. Pero hindi ako pinagalitan Lola mabait at maunawain ang amo ko. Kahit binata siya at may pagka-suplado mabait naman po siya. Lola ang gwapo niya kaya nga umandar na naman pagka-manyak ko. Sorry Lola joke lang yon kilala niyo naman ako diba? Diman ako marunong magluto at least mabait at masunurin naman akong apo kahit abnormal. Namimis ko na ang mga tawa mo Lola Melissa lalo na kong pinapagalitan mo ako. Yong tatakutin mo akong kurotin ang singit ko subrang namiss ko yon. " Tila nag-uusap ang dalawa kahit hindi naman nila nakita ang isa't-isa. Kapag ang tadhana talaga ang gagawa ng paraan kahit nakakabaliw man isipin. Hindi mo talaga kayang iwasan ito kahit wala siyang sinabi naiintindihan mo ang nasa damdamin niya." Kanina umiiyak siya ngayon naman tumatawa baliw ba tong apo ni senyorito Lance? " Nagtaka si Darwin dahil kanina umiiyak tapos ngayon tumatawa nanaman siya. Hindi naman kasi niya naririnig ang sinasabi ng dalaga kaya reaksyon lang ang makikita niya. Malayo ito sa kinaruruonan niya kaya hindi niya maririnig ang dalaga. Nakita nalang niya tumayo ito at babalik na sa silid. Ang ginawa niya dali-dali din siyang tumayo at mabilis umalis sa kinakukuruonan niya kanina. Pagpasok niya bigla siyang nabangga sa misa at natamaan ang sandata niya napasigaw ito ng malakas. Kinabigla naman iyon ni Dorothy kaya agad siyang tumakbo papunta sa loob ng bahay. Sino yan? Bakit ka nakapasok sa loob? Arayyy arayy ang sakit, bakit sa dinami daming matamaan bakit ikaw pa? Sabihin mo sino ka? Magnanakaw ka noh? Si Darwin ito buksan mo nga yong ilaw para makita mo. Sandali ito na. Kasalanan mo ito e bakit ka kasi lumalabas sa hating gabi para kang aswang. Sir' ikaw pala yan? Anong nangyari sa'yo? Bakit mo binangga yong ang misa? Malamang hindi ko nakita madilim kaya. Ay kawawa naman si JunJun baog na yan sir at sigurado ako basag na yan sir hahahahaha. "Napalakas ang tawa niya dahil sa reaksyon ni Darwin subra itong nasaktan." Ano ba kasi ang ginawa mo d'yan sir? Bakit mo binuggo sa misa yan alam mo namang matigas yong misa. Arayy ang sakit oohhhh. Masakit sir? Masakit? Kong ikaw kaya ang nasa kalagayan ko ha? Hindi ka kaya mamimilipit sa sakit? Bakit naman ako masasaktan sir? Eh nangangagat din naman itong akin. Wag niya talagang subukan banggain ang alaga ko kundi kakagatin din siya nito. Puro ka kalukuhan Dorothy kong hindi din dahil sa'yo hindi mangyayari to. Ah kasalanan ko pa. Sinabi ko bang ibunggo mo yan diyan pwede namang sa'kin lang. Ano ba kasi ang ginawa mo don sa labas? Alam mo namang gabi na tapos lumalabas ka pa. Bakit hindi na ba pwedeng lumabas sir? Gusto ko lang naman tumingin sa kalangitan. Namimis ko na ang lola ko hanggang ngayon masakit parin. Totoo ba yang iyak mo? Baka niluluko mo lang ako? Sir naman seryoso ako. Ito na nga luha ko nakita mo yan dina maputol-putol tapos kayo pagbintangan niyo pa akong manluluko. Ok sorry na' ito upuan umupo ka. Salamat sir mabait din pala kayo. Sir hindi mo manlang ba ako eh co-comfort sir? Bakit naman? Girlfriend ba kita? Para e-comfort kita tuwing malungkot ka subra kana ah. Aray ang sakit naman non sir sagad dito sa puso ko yong sakit. Hindi proket dimo ako girlfriend dimo ako e co-comfort. Alam mo sir ikaw wala kang puso nakita mo na ngang umiiyak yong tao tapos wala kang gagawin kahit pag co-comfort lang damot mo. Ayaw ko nga boss mo ako dito Dorothy hindi mo boyfriend kaya wag kang umasang eh comfort kita.. " Mas umalingaw-lingaw pa ang boses ni Dorothy sa pag-iyak dahil sa iyak niya at doon na alarma si Darwin nag-alala siya baka maka-estorbo sila sa mga kapitbahay." Hoy grabe ka kong makaiyak. Para ka namang bata niyan Dorothy pwede naman dahan-dahanin mo lang ang pag iyak mo. " Dahil sa ginawa ni Dorothy nataranta si Darwin lumapit agad ito sa kanya para e co-comfort. Lumakas pa pa kasi lalo ang boses ni Dorothy" Oh ito na tumahimik ka na nga para ka namang bata. Ayan tingnan mo nag halo na ang luha at sipon mo yak. Huhuhuhu bakit ganyan kayo sir nakakasakit kayo nang damdamin alam niyo sir ang supla-suplado mo. Hindi naman sa ganon yon! Ikaw kasi puro ka kalukuhan, " Hindi pa talaga tumigil si Dorothy sa pag-iyak niya kaya niyakap siya ulit ni Darwin nang mahinahon. Pinasandal din ni Darwin ang ulo ni Dorothy sa balikat niya at hinimas-himas ang ulo nito na parang bata. Sorry kong ganito ako sa'yo sige lang ilabas mo lang yan. Ganyan talaga ang buhay minsan iiwan tayo minsan naman tayo ang nang iwan sa kanila. Isipin mo nalang maging masaya na ang lola mo don sa langit. Kasi doon wala na siyang maramdamang sakit. " Ilang sandali pa ang lumipas unti-unti nang tumahimik si Dorothy. Pero nong wala na siyang makuhang pangpunas sa luha at sipon niya naisipan niyang doon nalang sa damit ni Darwin. Hindi iyon nakita ni Darwin dahil nakatago ito hanggang sa dinalaw na nang antok si Dorothy. Pero hindi parin siya umaalis sa balikat ni Darwin hanggang sa nakatulog. Nabigla nalang si Darwin nang mahulog ang ulo ni Dorothy sa balikat niya. Ay nakatulog na pala ito hoy gising Dorothy don ka sa kwarto mo matulog. Paano ba to wag mong Sabihin kargahin kita? Pambihira naman talaga oh kahit nga girlfriend ko diko pa nakarga ikaw pa kaya. Nako grabe naman ang parusa ni sir Lance Sr sa akin bakit ito pa pinabantay sa akin? Parang bata nakakainis naman o. Bigla pa siyang gumalaw at niyayakap pa ako. Wag kang gumalaw natutulog ako. "Wika ni Dorothy." Doon ka sa kwarto mo matulog hoy. Wala na tulog nanaman siya ulit wala akong choice kundi kargahin nalang siya. Tayka lang nariring ang cellphone ko sasagotin ko lang Dorothy. Hello Donna! Darwin asan ka ngayon? Bakit wala ka sa bahay niyo? Doon ako galing walang tao. Donna may trabaho ako ngayon pasensya kana kong di ako nag paalam sa'yo. Pumonta naman ako sa'yo nong nakaraang araw pero wala ka sabi ng mommy mo busy ka daw kaya umalis nalang ako. Ok lang Darwin naiintindihan ko alam ko namang busy karin sa trabaho mo. Salamat sa pag-intindi mo Donna hayaan mo pag ok na ang misyon ko uuwi na ako diyan at itutuloy natin ang planong pagpakasal. Excited na ako Darwin mag hihintay ako sa'yo alam mo naman kong gaano kita kamahal diba? Oo naman sige babye I love you Donna! I love you too Darwin alam mo yan sige mag-iingat ka palagi sa trabaho. Oo para sa'yo Donna mahal na mahal kita sige bye ikaw din diyan mag-iingat ka. " Binaba na niya ang tawag nang girlfriend sa hindi nakakakilala kay Donna. Isa rin siyang apo ni Lance Sr dahil ang lolo ni Donna at lolo ni Dorothy ay magkapatid at mag kasintahan si Donna at Darwin sa panahon na yon.. Halikana nga bubuhatin nalang kita. Alam mo nong una kitang nakita para kang walang problema. Pero ngayon umiiyak ka dahil nasasaktan ka? Minsan hindi kita maiintindihan tatawa tapos iiyak na naman abnormal ka talaga kakaiba ka talaga sa pinsan mo. Kasi yon mahinhin at babae kong magsalita lalo na sa kilos niya. Ikaw naman kabaliktaran ang ugali at abnormal pa. Binuhat ko na siya para ihatid sa kanyang kwarto. Habang karga-karga ko siya naamoy ko ang kanyang pabango at nakita ko ang mukha niyang seryoso. Maganda ka naman sexy kaso nga lang ang ugali mo hindi sumang-ayon sa kagandahan mo. Andito na kami sa kwarto niya pinahiga ko siya sa kama at umalis din ako agad. Matutulog na sana ako nang nakaramdam ako ng basa sa damit ko. Yak sipon niya walang hiya ka talagang babae ka parang bata dito pa talaga sa damit ko. Naligo nalang ako ulit at nagbihis ilang sandali pa humiga na ako at tiningnan ko muna siya sa computer kong talagang tulog na siya pagkatapos natulog narin ako. ABANGAN..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD