bc

Memories of You

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
second chance
friends to lovers
inspirational
drama
sweet
serious
female lead
city
realistic earth
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

His name was one of those who's known in all corners of the entertainment industry.

She is just a commoner.

He lived a life under the spotlight.

She was content with her lowkey life.

Lawrence James Castro is one flocked with girls.

The hopeless romantic Hailey only desired to find "the one."

But all these differences faded,

When fate made them meet.

By sharing one thing in common -

the simple longings of their hearts,

Come broken the barriers of fan-idol relationship.

With this string that connected them,

Will they find love?

chap-preview
Free preview
Chapter 1: How We Met
Lakad-takbo ang ginagawa ni Hailey habang papasok ng Apollo University School for the Gifted. Ang unibersidad na ito ay exclusive sa mga estudyante na gustong mag-pursue ng careers in Arts like music, photography, creative writing, performing arts, etc. Bagamat nasa 4th year na siya at thesis nalang ang kailangan nilang problemahin ay pinapapasok pa rin sila ng kanilang adviser. Mino-monitor kasi nito ang progress nila sa kani-kanilang sinusulat maging sa poetry man iyan, scriptwriting, fiction writing or nonfiction writing. Dahil sa pagmamadali niya ay hindi na niya namalayan ang mga nakakasalubong niya. Nakabanggaan niya ang grupo ng tatlong lalaking papalabas ng university. Nahulog ang mga dala niyang folders na hindi na nagkasya sa kanyang bag na kinalalagyan ng maliit niyang laptop. Hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at dire-diretsong pinulot ang mga ito at humingi ng paumanhin. Pagkarating ng kanilang building ay agad siyang pumasok sa kanilang classroom. "Good morning sir. Please excuse my tardiness." Paumanhin niya sa kanilang propesor. Tumango lamang ito at agad naman siyang pumunta sa tabi ng kanyang bestfriend na si Faye. "Ba't di mo 'ko ginising kanina. Ayan tuloy na-late ako," anas niya dito. "Hoy babae, ginising kaya kita. Ikaw lang itong tulog-mantika at ayaw mo talagang gumising," tugon naman sa kanya ni Faye sabay irap. "Sorry naman po. Hindi ko naman kasalanang hindi ako pinatulog ng maaga ng mga sinusulat ko," simpleng sagot niya dito. "E kasi naman, na adik ka na diyan sa character mong si James." Pagtukoy nito sa bidang lalaki ng kanyang sinusulat na nobela. Nginitian niya ito tsaka binuksan ang dalang laptop at pinagpatuloy ang pagtitipa ng mga kasunod na eksena. "Hayaan mo na ako bff. Si James na lang ang bumubuhay sa walang ka-amor amor kong lovelife," wika niya dito habang bahagyang tumatawa. "Diba artista ang character ni James diyan sa nobela? Sino ang i-interviewhin mo?" Doon lang niya naisip na kailangan nga pala niyang mag-interview ng isang tv personality o artista para sa kanyang nobela. Kahit na pwede niya namang i-research ito sa internet, mas gusto pa rin niya ng opinyon mula sa isang tv personality. "Hindi ko muna 'yan iisipin bff. Mayroon pa naman tayong 2 months bago magpasahan ng manuscripts so makakahanap pa 'ko ng oras sa sino man ang ma-interview ko," kalmado niyang paliwanag dito. "Hay, sana creative writing nalang din ang naging major ko. Hindi ko na sana kailangan pang habul-habulin ang hilaw na scientist na iyon. Pinapahirapan ako e interview lang naman ang gusto ko tsaka hindi ko naman idi-disclose ang laman ng research niya. Kainis!" Pagtukoy ni Faye sa isang binatang scientist na hinahabol-habol niya dahil sa isang breakthrough project nito na siyang magiging laman ng kanyang gagawing book autobiography sa major nitong nonfiction writing. Ngumisi siya bago hinarap ang kaibigan. "Alam mo naman kung bakit ganyan sa'yo si Fyodor. Binasted mo kaya siya noong highschool tayo. Tama lang ang naging revenge niya." Tukso niya sa kaibigan tsaka tumawa. "Ay, ewan ko sa'yo. Sino ba ang kaibigan mo dito ha? Si Fyodor ba?" Naiinis na turan nito sa kanya. Bago pa man niya masagot ang kaibigan ay tumunog na ang bell hudyat ng pagtatapos ng kanilang klase. Sa katunayan ay wala na talaga silang proper classes. Pinapapasok lang sila ng kanilang adviser for attendance purposes at para na rin ma-monitor ang kanilang progress sa kanilang sinusulat. Sabay silang lumabas ng classroom at nagtungo sa school cafeteria. Nag-order sila ng kanya-kanyang pagkain at naghanap ng mauupuan. "Sigurado kang mauubos mo 'yan"? tanong sa kanya ni Faye. "Gutom ako bff. Alam mo namang late ako kanina. Mag-aaksaya pa ba ako ng oras para kumain?" Pagsusungit niya dito dahil sa hindi nito paggising sa kanya kaninang umaga. Tumawa lang ito tsaka nagsimula na ring kumain. "Alam mo bang umuwi na daw si Lawrence?" tanong nito sa kanya. Nangunot ang kanyang noo sa sinabi nito. "Sinong Lawrence? Classmate natin?" Sa halos apat na taon niyang pag-aaral sa Apollo ay tanging si Faye lamang ang naging kaibigan niya. Syempre kilala niya ang mga classmates niya kasi halos lahat ng subjects ay magkaklase sila pero wala siyang naaalala doon na nagngangalang Lawrence. "Bff! Taga-saang planeta ka ba at hindi mo kilala ang napaka-gwapo at talented na si Lawrence?!" Eksaheradang pahayag nito sa kanya. Masama bang hindi ko siya kilala? "Sa mundong tanging kami lang ni James ang nakakaalam," sagot niya dito na para bang nagde-daydream. Kulang nalang ay maghugis puso ang mga mata niya. "Ahh! May bagong scene akong naisip, bff! Thank you so much. Muah!" Dagdag niya pa at dali-daling kinuha ang kanyang maliit na steno notebook at doon nagsulat. Napailing nalang si Faye at pinagpatuloy ang pagkain. Delikado talaga siya kapag nalilipasan ng gutom. Nasabi nalang niya sa kanyang isip habang pinapanood ang kaibigan. Ilang minuto rin ang nilagi nila sa cafeteria bago lumabas at sabay na nagtungo sa library upang doon maypatuloy sa pagsusulat. Nagtungo silang dalawa sa paborito nilang spot sa loob ng library kung saan medyo secluded at alam nilang walang makakaistorbo sa kanila sa pagsusulat. Agad binuksan ni Hailey ang kanyang laptop at nag-log-in sa kanyang account sa isang writing platform kung saan isa siyang paid writer. Masaya niyang pinagmamasdan ang halos 50,000 reads na niyang mga nobela. Hindi niya inaakalang aabot ito sa ganito kadaming reads kasi hindi naman siya kasikatan. Magiliw niya ring ni-reply-an ang mga comments ng kanyang mga avid readers. Dalawa pa lamang ang naipa-publish niyang nobela dito ngunit nagsisimula na siyang magkaroon ng isang maliit na fanbase. "Oy bff, gutom ka pa rin ba? Natatakot ako sa ngiti mong 'yan." Pabirong sabi sa kanya ni Faye. Hindi niya pinansin ang panunukso nito. Sa halip ay iniharap niya dito ang kanyang laptop. "Tignan mo. 50,000 reads and 37,000 reads." Isang malapad na ngiti ng kasiyahan ang iginawad niya sa kanyang kaibigan. Hindi naman makapaniwalang lumapit si Faye sa upuan niya at sinigurado ang kanyang sinabi. Nanlaki ang mga mata nito ng makumpirmang totoo nga sinabi nito. "OMG bff! Sikat ka na!" Eksaherada na naman nitong turan. "Tanga. Hindi ako sikat. Wala pa 'yan sa katiting sa readers ng mga sikat na authors," pagpuna niya dito. "Kahit na bff. Achievement na 'yan. Kahit ako hindi ko kayang ma-achieve 'yan sa loob ng isang buwan." May point nga naman si Faye. Noong nakaraang buwan niya laman naisipang subukan ang offer ng isang kakilala niyang writer na magpasa ng manuscript sa isang online writing platform. Luckily, pumasa siya sa evaluation at ito na nga ang kinalabasan. "Sa bagay." Tanging nasabi niya nalang sa kaibigan habang pinagpapatuloy ang pag-reply sa mga comments sa kanyang dalawang nobela. Dalawang oras pa ang inilagi nilang dalawa sa library bago magpaalam si Faye na mauuna na itong aalis. "Saan ka na naman pupunta? Kay my loves Fyodor mo na naman?" Tukso niya sa kaibigan. "'Wag mo akong ma-partner-partner sa hilaw na scientist na 'yan. Kung hindi lang sana iminungkahi sa'kin ni sir Rosario na siya ang gawan ko ng autobiography book, hindi ako magtitiis sa kanya," supladang sagot nito sa kanya. "Asus, kunwari ka pa e. Pustahan tayo, hindi mo pa natatapos iyang libro mo, magkaka-develop-an na kayo." Patuloy niyang panunukso dito. Umirap lang ito bilang tugon tsaka tuluyang umalis. Promise bff, gagawan ko kayo ng story kapag nagkatotoo ang sinabi kong magkakatuluyan kayo. Napagdesisyonan na rin niyang umuwi matapos niyang magsulat ng dalawa pang chapter sa kanyang librong sinusulat. Nag-text na rin siya kay Faye na mauuna na siyang umuwi sa apartment nila at dadaan pa siya sa supermarket upang bumili ng groceries at para sa special dinner na lulutuin niya bilang celebration ng success ng kanyang dalawang paid novels. Habang papaakyat siya sa second floor ng apartment na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang ay tinawag siya ng isa sa mga tenant ng first floor. "Miss, may dumating dito kanina. Bagong tenant niyo raw. Nando'n na sa taas. Doon ko nalang pinaghintay sa'yo." Sabi noong middle-aged na babae. Nagtaka naman siya sa sinabi nito. Hindi kasi nabanggit ng mga magulang niya kagabi nang tumawag ang mga ito na may bago silang tenant. Pero sa halip na mang-usisa pa sa babae kung sino iyon, pasimple nalang siyang tumango bilang tugon dito. "Sige po, salamat." Mabilis naman siyang umakyat at doon nga nakita niyang may lalaking nakatayo sa harap ng kwarto nila ni Faye. Nakatagilid ito sa kanya kaya hindi niya makita ng klaro ang mukha nito. Napansin yata nito na may tao kaya lumingon ito sa kanya at doon, para naestatwa siya sa kanyang nakita. Dahan-dahang lumapit sa kanya ang lalaki. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. "Miss?" Tawag nito sa kanyang atensyon. Ang mukha ng lalaki. Tugmang-tugma sa inilarawan niyang mukha ng bago niyang male lead sa kanyang sinusulat na libro, si James. "James." Wala sa sarili niyang nasabi. "Kilala mo na ako?" Tanong ng lalaki sa kanya na naging hudyat ng pagbalik niya sa huwisyo. "Ha?" "Tinawag mo 'ko sa pangalan ko. I guess you already know me." Ngumiti ito sa kanya. "Ha?" Hindi niya pa rin makuha ang ibig ipahiwatig nito. Natawa ito sa tinuran niya. "I'm Lawrence James Castro, your new tenant. And you are?" Pagpapakilala nito sa kanya sabay lahad ng kamay. Nabigla naman siya sa nalaman. Hindi niya akalaing ang lalaking kahawig ni James sa nobela niya ay kapangalan rin pala nito. "I-I'm Hailey. Hailey June Villareal." Tinanggap niya ang kamay nito. Katahimikan. Ilang segundo ang lumipas bago may naglakas ng loob sa kanilang dalawa na magsalita. "So?" Tanong ni Lawrence sa kanya. Natigilan naman siya at agad bumitaw sa pagkakahawak nilang dalawa. "Halika, pumasok ka muna dito. Kukunin ko lang ang susi ng kwarto mo," Pag-anyaya niya ditong pumasok sa loob ng kwarto nila ni Faye. Sumunod naman ito sa kanya at naupo sa sofa sa maliit nilang sala. Pumasok siya sa kwarto at nagtungo sa kabinet na pinaglalagyan ng mga susi ng mga kwarto ng apartment building. Pagkatapos makuha iyon ay lumabas siya at ibinigay iyon kay Lawrence. "Iyan ang susi ng kwarto mo. Pwede ka ng pumunta doon at magsimulang mag-ayos ng gamit. Nakapagbayad ka na naman siguro ng deposit at 1 month downpayment diba?" "Yes. I already deposited the money to the bank account your parents provided me," simpleng sagot nito sa kanya. "Okay," ang tanging nasabi niya lang. Gusto pa sana niyang magtanong kung paanong hindi niya alam na may bagong tenant pala pero nahihiya siya sa lalaki kaya ipinagsawalang-bahala nalang niya iyon. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Sumunod naman ito sa kanya at lalabas na sana ng kwarto nila nang tawagin niya ito. "Lawrence," mahinang tawag niya sa pangalan nito. "Hmm?" Lumingon ito sa direksyon niya. "Kung may oras ka mamaya, sumabay ka na sa'min maghapunan. May konting celebration lang." Nahihiya pa niyang alok dito. Ngumiti naman ito sa kanya. "Sure. I'll be there pagkatapos kong mag-ayos." Kumaway pa ito sa kanya bago tuluyang pumasok sa kabilang kwarto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook