Silly girl

2115 Words
Nang nakauwi sa kanilang bahay ay hindi pa rin maalis-alis ang mga ngiti sa kanyang labi. Para siyang sira na panay ang ngiti habang nakatingin sa telebisyon na nagsasampalan ang palabas. Kagagaling lang niya sa BS building at agad na siyang pinauwi matapos ang makalaglag ulirat niyang gabi kasama ang estranghero na lalaki. Kasama rin niyang umuwi ang kanyang ATM na may lamang nasa three hundred thousand na. Hindi lubos akalain ni Wenona na makahahawak siya ng ganitong ka laking halaga sa loob lamang ng halos isang buwan. “Ui . . . Si ate, panay ang ngiti. Mukhang timang,” panunukso ni Nonot nang naabutan ang kapatid na mukha talagang timang at hinalikan pa ang kawak nitong card. “Shhh! ’Wag kang maingay, Nonot. Masaya lang ako dahil alam mo na . . . Mabibili ko na ang mga gusto ninyo ni Allen.” Unti-unting lumapit sa kaniya ang kapatid sabay ayos sa maikli niyang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. “Ate . . . Isa lang ang natutuhan ko simula nang mawala sina mama at papa. Mas mahalaga kayo ni Allen sa kahit na anumang yaman sa mundo. Makita ko lang kayong dalawa na masaya, malusog at palaging maganda ay sapat na sa ’kin. You managed to plant love and care in here,” anito dahilan upang muntik na siyang pumalahaw. Naglandas ang kaniyang mga luha bigla. Hindi niya mawari na ang labis na kasiyahan niya kanina ay napalitan ng iyak. “Eh? Ba’t ka umiiyak?” Niyakap siya nito sabay himas sa kaniyang likod. “Tahan na po magandang kuneho . . .” bulong nito sabay pisil sa namumula niyang pisngi. “Kasalanan mo ’to!” bulalas niya sabay tampal sa braso nito. “Hindi ko man lang namalayan na binata na ang kapatid kong uhugin noon.” Agad namang numula ang pisngi nito sabay nagkakamot ng batok. “Ate naman eh. Pinaalala pa talaga ’yon!” “Sus! Bakit? Nahihiya ka na? Ha! May girlfriend ka na no?” Pinandilatan niya ito malisyosong nginitian. “Wa-wala ah! Saka, bata pa ako. Mas priority kong matulungan ka, Ate Wen.” “Oh, siya! Sige! Help me? Well . . . Kwentuhan mo ako sa unang linggo na pagbabalik ninyo ni Allen sa School.” Nakita naman niyang yumuko ito at nagkakamot ng batok. Ganito ang mannerism ng kapatid niya kapag bahagya itong may pag-aalinlangan. “Na-bully ba kayo? Gusto mo bang mag-transfer sa ibang School?” Agad siyang naging aligaga at nakaramdam ng inis. Ang laki ng tuition na binabayaran niya sa School na ’yun, at ma bu-bully lang din pala ang mga kapatid niya. “’Wag na, ate. Patapos na ang school year. Si-siguro . . . Kung kaya natin, gu-gusto kong ilipat si Allen sa ibang school. Iyong pagtutuonan siya ng pansin at walang mga bully.” “Sige. ’Wag kang mag-alala. Sa oras na matapos kayo sa year na ito, ililipat ko kayo ng school. May inalok sa ’kin si Ma'am na school, kung saan mas matutulungan si Allen. Hindi lang ang health case niya, kun’di maging ang kaniyang pag-aaral.” Tumango naman ito sabay kuha ng walis at nagwawalis sa kanilang sahig. Ang talagang plano niya ay lumipat sila sa condo kung saan mas malapit sila sa BS building, at malapit din sa pribadong paaralan na iminungkahi sa kaniya ni Miss Glam. Alam niyang malaking responsibilidad ang bayaran ang monthly amortization ng condo unit na iyon na nagkakahalaga ng apat na milyon. Ngunit sa kaniyang tansya na kumikita na siya ng malaki, lalo’t kinuha siyang personal chaperone ng estranghiro na nakilala niya sa pangalang Glenn. Sa ngayon ay masasabi niyang medyo may kakayahan na siyang bayaran ang mga ’yon. Ilang sandali pa ay nagpaalam na si Nonot upang linisin ang ibang parte ng bahay nila, habang siya ay nagpatuloy sa panunood ng tv ngunit wala naman talaga doon ang atensyon niya, kun ’di ini-imagine pa si Glenn na ngayon ay hindi niya alam kung ano talaga ang hitsura. Wala naman siyang pakialam kung hindi ito kagwapuhan. Basta ang alam niya ay talagang ginagawa siya nitong timang sa kaiisip at halos paputukin na nito ang puso niya sa bilis ng t***k. “Hay, Sir Glenn . . . Kahit mas matanda ka pa sa ’kin ng thirty years or hindi ka gwapo . . . Bahala na. Gusto ko pa rin ang presensya mo. Sana talaga wala kang jowa or asawa . . .” bulong niya, nang kanyang narinig na may tumatawag sa messenger niya. “Miss Glam?” Mabilis niya itong dinampot at pinindot ang answer button. Agad namang tumambad sa kaniya mula sa kabilang dako ang halos hubad na nitong katawan dahil sa suot na laced dress. Mukha itong nasa bahay at may hawak pang alak. Hindi niya maiwasang mamangha rito. ‘Mukha ka talagang Goddess, Miss Glam ’ “Wenona, Darling. I will send you the location of Mr. Glenn right now. Puntahan mo siya agad. He's waiting for you. Remember, just act naturally at sundin mo lang ang mga gusto niya as long as it won't step on your beliefs. Okay?” Malumanay ang boses nito dahilan upang napatango na lang siya sa lahat ng sinabi nito. “Well . . . Good girl. Enjoy, Wenona . . .” bulong nito at pinatay na ang video call. Ilang sandali pa ay nabasa na niya ang sinabi nitong location kung saan isang sikat na malaking mall ng mga mayayaman. Sa pagkakaalam niya ay tanging mga members lang ang makakapasok doon. “Ekkk. Paano ako papasok doon? Magpapa member ako? Hala . . . Patay ako nito. Baka mahal . . .” Kahit na-excite siyang makita ang mukha ni Glenn sa unang pagkakataon ay hindi pa rin mawala sa isipan niya ang kanyang babayaran sa membership ng Agkenson Grand Mall. Tulala niyang tinititigan ang kanyang telepono hanggang sa nagpasya na siyang maligo nang mabilis at mala-kidlat na nagbihis. “Ate? Saan ka magni-ninang?” tanong ni Anot, kaya agad na nangunot ang mukha niya. Kanyang suot ngayon ang isa sa tatlo niyang formal dress na kulay puti. Abot sa siko ang manggas at above the knee naman ang tabas ng hem. “Mu-mukha ba talaga akong pupunta sa binyag?” tanong niya sabay sipat ng sarili sa harap ng salamin. “To be honest, ate, maganda naman ang suot mo. Mukhang ang pormal lang talaga. Ba’t ’di ka mag-jeans at ’yong crop top mo. Mas gusto kong gano’n ang purmahan mo. Fresh and young!” “Bakit? Mukha ba akong gurang nito?” “A . . . Hehe. Maglilinis pa ako sa labas, ate,” anito at patakbong nagtungo sa likod ng apartment nila “Oo nga. Mukha akong lola.” Mabilis siyang pumasok sa kanyang silid at nagpalit ng suot. Halos liparin na niya ang labasan sa sobrang pagmamadali. “Nonot! Si Allen ha!” sigaw niya. “Roger that! Ingat ka, ate!” sigaw naman nito pabalik. Para silang mga sirang sumisigaw dahilan upang sumilip ang mga kapitbahay nila sa mga katabing apartment. Nahihiya na lang siyang yumuko. ‘Wala na pala kami sa aming dating lugar.’ Mabilis na siyang pumara ng taxi at agad na sumakay. Makalipas ang halos twenty five minutes at medyo na-traffic pa siya ay kanya na ring narating ang mall. Agad niyang nilapitan ang guard at mabilis naman siyang giniya nito sa membership lounge. “Good morning, Ma'am. Would you like to pay in cash or card?” tanong ng magandang receptionist sa kaniya. “Uhm! Card po, Ma'am,” aniya sabay bigay ng hawak niyang card. ‘Si-siguro naman hindi lalampas sa three hundred thousand and membership fee rito.’ Pakiwari niya ay naghalo ang kanyang naiihi, nagugutom, at excitement na pakiramdam. “Here’s your membership card and card, Ma'am. Please enjoy your benefits. Thank you.” Nag-bow pa ito dahilan upang napa-bow na rin siya. Matapos ma-scan ang membership card niya ay agad na siyang nakapasok sa loob. Doon ay agad siyang namangha sa mala-palasyo nitong ayos— malayo sa itsura ng isang ordinary mall. Nakalulula ang taas nito na umabot pa sa twenty storey building. Nawiwili siyang mukhang timang na nakangiti habang umiikot nang nag-ring na naman ang telepono niya. But this time, ordinary call na lang ito. “Wenona darling . . . Dumeritso ka sa private lounge. Sabihin mo Mr. Glenn and nothing else.” “Si-sige po, Miss Glam.” Matapos iyon ay binaba rin nito agad ang tawag. Pansin niya ang medyo umuongol na boses nito. Kaya iniisip niyang nagpapamasahe ito. “Marami rin pala ang tao rito kahit umaga pa . . . Pero mas marami nga lang sa mga ordinary mall. Mukhang mayaman talaga ang mga narito base sa ayos nila . . .” bulong niya at nagmamadaling lumapit sa isang guard upang magtanong ng direksyon. Matapos malaman ang pupuntahan ay nagmamadali niyang tinakbo ang isang ATM machine upang malaman kung magkano ang ibinawas sa kaniya. “Ha? One hundred fifty thousand?” tulala siyang napatitig sa resibong hawak niya. Halos mabuwal na siya sa kinatatayuan habang ibinabalik sa loob ng maliit niyang sling bag ang hawak na card. “Are you done? Can you move away now? My time is precious. So enough with your nonsense!” Nagising lamang siya nang kanyang marinig ang isang mataray na boses. “I’m not done yet. So you have to wait longer, or better yet look for another ATM machine,” turan niya sa walang ka-emo-emosyong mukha at mabagal na kinuha ang black card mula sa bag niya. Mabagal din siyang nagtipa sa touch screen monitor. PoIlang sandali pa ay lumabas na ang tig isang libong fifty thousand kung saan limit ng kanyang bank transaction per day through ATM. Nakipagtitigan siya sa babaeng mukhang kinulang sa tela ang suot sabay maarteng binitbit ang makapal niyang fifty thousand. Naglakad na siya palayo gamit ang paraan kung paano maglakad si Miss Glam. Nag-eagle eye pa siya habang naka poker face. Nang nasiguro na niyang malayo na siya sa babae at iba pang mga costumers ay dali-dali niyang pinasok ang dalang pera sa kanyang bag. “Lintik ka, Wenona. Anong gagawin mo sa perang ’to? Namomroblema ka pa nga kasi ang laki ng kaltas sa membership fee. Tapos . . . Tapos . . . Ah!” Halos sabunutan na niya ang kanyang sarili dahil sa matinding frustration. “Akala siguro ng babaeng ’yon ’di ko siya papatulan. Hmp! Ibayad ko na lang ang perang ’to in advance sa graduation nina Nonot at Allen . . .” Nang kanyang makita ang malaking nakasulat sa ibabaw na private lounge ay mabilis siyang naglakad tungo sa reception malapit sa kinatatayuan niya. “Yes, Ma'am. What can I do for you?” tanong nito. “Mr. Glenn,” aniya habang magkasalikop ang mga kamay sa likod. “Okay. Wait for a moment.” Matapos nitong magsalita ay nakita niyang may tinawagan ito gamit ang isang device na nakakabit sa tenga nito. Makalipas ang halos tatlong minuto ay napansin niya ang dalawang malalaking naka-tuxedo na mga lalaki na patungo sa kinatatayuan niya. Agad naman siyang namumula dahil naalala na naman niya ang naked weapon na palabas. “Kindly lead Miss Wenona Samano to Mr. Glenn’s chamber.” Namilog naman ang kanyang mga mata nang sabihin ng babaeng receptionist ang buo niyang pangalan. Ni ’di nga niya binanggit dito ang pangalan niya, apelyido pa kaya. Nag-bow ang dalawang lalaki na may suot na shades at giniya na siya tungo sa isang pasilyo. Matapos ang walang hanggan na paglalakad ay napunta sila sa isang deadend. ‘Lulusot ba kami rito?’ Minsan talaga ay hindi niya mapigilang sapukin ang kanyang sarili. Pansin niyang may pinindot ang lalaking kalbo sa suot nitong wrist watch at ilang segundo lang ay bumukas ang wall at iniluwa ang isang elevator. Ngunit imbes na pataas ay pababa ang andar nito. ‘Woah! Mukha talaga akong agent nito!’ Hindi niya mapigilang mamangha. Tuloy mas naging palaisipan sa kanya ang katauhan ni Mr. Glenn. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay sumenyas lang ang dalawang lalaki na pumasok siya roon. Kaya wala na siyang nagawa kun ’di gawin iyon. “Para namang mgs pepe . . .” bulong niya. Talagang walang sinabi ang mga ito, ni hiss. Mabagal ang mga hakbang niya habang nagmamasid sa paligid. Pakiramdam niya ay napaka misteryoso ng ambiance ng silid kung saan siya naroon. “I know what you did, silly girl. But I like it. You should not let others step on you,” anito at humagikhik pa. “Mr. Glenn . . .” Malakas ang kabog ng kaniyang puso at halos nahihirapan siyang huminga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD