Gusto mo rin bang sumubo, Sir?

2450 Words
Kahit na ganito ang kanyang inaasahan ay hindi pa rin nakayanan ng buo niyang sistema ang persensya nito. Halos ma patid na ang mga ugat sa kanyang puso dahil napakalakas ng t***k nito. Ang reaksyon niya ay para pa ring first time niya itong nakasama. Halos nilalamon ng sahig ang katawan niya at hirap na hirap siyang makipag coordinate rito. Isa pa sa nagpagimbal sa loob niya ay ang isiping maaaring kanina pa siya nito pinagmamasdan. Nangunot ang kanyang noo at pinilit ang sariling maibalik ang normal na t***k ng puso niya. Huminga muna siya nang malalim matapos kurutin ang sariling balat. “Mi-Mr. Glenn . . . Magandang araw ho,” bati niya rito. “Do I sound so old?” anito at namulsa habang nakatalikod. “Ay, hindi po, Sir. A-ano lang kasi . . .” "I already told you to act natural when we are together.” Dahil sa sinabi nito, Wenona gathered all her courage, “Sir, ano kasi . . . Na-nakikita mo po ba ang mga ginagawa ko simula noong pumasok ako rito sa loob ng mall?” Napapikit siya habang nagdadasal na ’wag itong mainis sa pagiging usyusera niya. “Uhmmm . . . I also saw you step out of the taxi. How much do I owe you? From the taxi to the mall's membership fee?” tanong nito na mas nagpakabog sa puso niya. Kinikilig talaga siya kapag pera na kikitain na niya ang usapan. Masayang-masaya siya dahil hindi niya lubos inakala na mare-refund pala ang mga ginastos niya. “Uhm! A-ayos lang po, Sir,” marahan niyang wika. But deep inside, halos bugbugin na niya ang sarili. ‘Ano’ng ayos lang? Gaga! Pang-down payment mo ’yun sa enrollment ng kapatid mo sa susunod na pasukan! May balak ka pang lumipat ng tirahan! Mapapakain ba ng iyong kilig ang mga kapatid mo?’ “Well . . . Here's your card. Nakuha ko na ang account number mo. Naipasok ko na riyan ang refund ko sa mga ginastos mo and your salary for today.” Dilat na dilat ang mga mata niya at unti-unting binuksan ang kanyang sling bag. Ngunit nang suriin niya ito ay wala nga talaga roon ang card niya. “Pa-paanong nangyari—” “It’s magic!” anas nito sabay kuha sa kamay niya at inabot ang hawak nitong card na pag-aari niya. “Enough for the wonders! I'm hungry, so let's go . . .” bulong nito sa puno ng tenga niya sabay hila sa kanyang kamay. ‘Ano’ng klaseng hungry ba ’yan? Ba’t parang sa kuwarto ang punta namin?’ Hindi niya mapigilang mamula because of her perverted mind. Mas lalo pang nanlamig ang mga palad niya nang pumasok sila sa isang elevator. Ngunit imbes na pataas ay patagilid ang andar nito. “Hey, are you okay? You seemed tense.” Kiniskis nito ang palad niya sabay ihip. “Is this working? Or we need to bring you to the clinic here?” “Ah, ha? Naku! A-ayos lang po ako, Sir Glenn. Sa-saan po ba tayo pupunta?” “Shhh . . . Don't be noisy. Palabas na tayo,” anito sabay punta sa likuran niya at tinakpan ang kanyang bibig mula sa posisyon na iyon. “What the f**k, bro! Ang sarap talaga ni Charlene! Iyong tipong pang out-of-this-world pa ang lasa ng katas niya!” “Naku, Niko! Sa oras na malaman ng girlfriend mo ’yang pagiging cherry puffer mo, putol ang iyong sustento!” “Goodbye, sugar Mama!” Usapan ng tatlong lalaki na malinaw nilang naririnig. Habang takip-takip pa rin ni Glenn ang bibig niya ay hindi niya mapigilang ’wag masuka sa narinig niyang usapan ng mga lalaki. Nang mapansin niyang tahimik na ang paligid ay mabilis niyang tinanggal ang kamay nito at inilabas ang sama ng kanyang loob. Dali-dali siyang tumakbo sa may bowl at doon ay sumuka nang sumuka. “Are you pregnant?” anito at namulsa pa. ‘’Na all pregnant virgin!’ Gusto niya itong isigaw ngunit mas minabuti muna niyang ilabas lahat ng nais niyang isuka. Nang mahimasmasan ay mabilis niyang kinuha ang inabot nitong gray na panyo. ‘Lintik! Ang bango . . .’ “Feeling okay now?” Hinagod nito ang kanyang likod at inayos ang nagulo niyang buhok. “A-ayos lang po ako, Sir. Nakakalula po kasi ang dinaanan natin.” Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin siya. Matapos ang pagsakay nila sa isang elevator na hindi naman nag-e-elevate ay sa isang comfort room pa ang labas nila. “I’m sorry if it startled you. But it's for our safety. Would you like me to carry you? I won't mind. I'm really hungry though.” “Okay na ako, Sir. Hali ka na po,” wika niya at naunang maglakad. “Where are you going?” “Sa exit po. Kakain ka po ’di ba?” “Not there! That's the urinal section. It's the other way. Come here.” Hinila siya nitong muli. Ilang sandali pa ay nakakarinig na siya ng maingay na tugtugan. Nagpatay malisya na lang siyang at nagpahila na lang dito. Kahit kanina pa man ay hindi na niya ito tinitingnan sa mata. Talagang nakakalaglag panga ang ganda ng katawan nito at tangkad, ngunit hindi naman ang mukha. Maliban sa may mala-pirate itong takip sa kaliwang mata ay may malaki pa itong pilat sa leeg. May pilat din ito sa pisngi ngunit naaagaw ng magandang hugis ng ilong. May pingas rin ang malambot na bahagi ng tenga nito na para bang sinadya iyong putulin. Wala sa sariling nanginig siya sa takot. Sumasalakay na naman ang pagiging over thinker niya. “Are you afraid of my face? Would you like me to cover it with a mask?” “Hi-hindi po! Na-curious lang po kung ano ang nangyari sa ’yo, Sir.” “Oh, well . . . It's a long story. But to make the long story short, I'm a survivor in a war. I almost died.” Tinanggal nito ang suot sa gloves at ipinakita ang putol na palasingsingan. “Pa-pasensya na po sa pagtatanong ko, Sir.” “No, it's okay. Hmmm . . . It's really nice talking to someone. I guess that menopausal woman is right . . .” bulong nito na ikinangiti niya. Talagang nakakatakot ang mukha nito. Ngunit nakatutuwa naman ang pag-uugali. Alam niyang mayaman ito. Filthy rich kumbaga. Subalit hindi ito nangingimi na makisalamuha sa kaniya. Sa laki ng perang nilalabas nito sa tuwing magkasama sila ay para lang itong nagbabawas ng basura sa wallet. Sa ngayon ay hinahanda na niya ang sarili sa mga mangyayari kasama ito. Ngayon pa lang ay nasasabi na niyang her boss is full of mysteries. Hindi niya alam kung saang lupalop na naman sila dadalhin ng pupuntahan nila ngayon. Naglalakad sila sa isang pasilyo na may naka hilirang mga motion detector lights. Noong una ay sa isang dead end. Sunod ay sa loob ng isang storage room na karugtong ang comfort room ng mga lalaki. At ngayon naman ay parang ayaw na niyang isipin. Kung susumahin ay parang wala siya sa loob ng isang magarbong mall. “I’m sorry for the inconvenience, Wenona. We're gonna be there in a moment.” Nag-nod na lang siya at ’di na nagsalita pa. Matapos ang ilang sandali ay tumigil ito sa tapat ng isang metal wall. Idinikit nito ang palad doon bago iyon umilaw nang pula. “Woah! Parang Matrix!” bulalas niya. “Yeah. Kind of.” Mayroong na itong hawak na dalawang eyes glasses at wig matapos nabuksan ang parte ng isang metal wall. “You need to wear this. Disguise, so no one can recognize us.” Napakurap-kurap siya sabay suot sa isang itim na mamahaling wig. Umabot ang haba niyon hanggang sa bewang niya. Habang ito naman ay nagsuot ng isang wig na umabot hanggang balikat nito ang haba. Nang humarap ito sa kaniya ay hindi niya napigilang matawa dahil nag flip hair ito, dinaig pa ang mga mentors niyang bading. “Aayusin ko po, Sir. Para po magmukhang makatotohanan.” Tulad niya ay inayos din nito ang suot niyang wig. “We’re ready I guess . . .” “Yes, Sir. Ready na ako.” “Good! Take my hand.” Hinawakan niya ang malapad nitong malambot na kamay. ‘Para talagang niloloko ako nito. How come ang lambot ng kamay niya? Maraming beses ko na ’tong nahawakan. Hindi talaga mukhang galing sa war ang katawan niya. Mas mukha pa ngang babae ang skin niya kaysa sa ’kin. Augh!’ Himutok niya sa sarili. Pinagmasdan niya ang tuwid na tindig nito sabay ang isang malalim na paghinga. Marahan nitong binuksan ang pinto dahilan upang narinig niya ang labis na lakas ng hard rock music. Hindi na ito nagsalita pa at mabilis na hinawakan ang kamay niya. Hinila siya nito palabas sabay mabilis na pagsara sa pinto kung saan sila nanggaling. “Just keep walking, Wenona. Do not look around. Don't mind the loud music either,” anito at naglakad na parang ramp model sa gitna ng mga high na sumasayaw. Habang siya ay napayuko na lang at mabilis na tinakpan ang ilong dahil sa makapal na usok dulot ng vape at mga nag da-drugs sa loob ng silid. “You can raise your head now.” Mabilis naman siyang nag-angat ng tingin. “Eh?” Wala sa sariling napatayo siya nang tuwid. Marahan siyang naglakad at pinagmasdan ang mga taong kumakain nang full of right manners sa magkarugtong na mga tables. Naroon din sa gilid ang iba’t ibang mga pagkain at iba pa. Ngunit ang nakakuha talaga sa atensyon niya ay ang iba’t ibang mga alak. “I-isang food court? A buffet? Ng mayayaman? Food court ng mayaman?” “Just a food court. Let's go. Here's your plate. Pick any food you want. I'm terribly starving. Suit yourself, baby . . .” bulong nito at nauna ng maglakad tungo sa mga pagkain. “Se-serve yourself din pala rito . . .” bulong niya at nagsimula na ring pumili ng mga pagkain. Pakiramdam niya ay parang mabubusog na siya kahit titigan lang niya ang mga ito. Matapos kumuha ng nasa tatlong putahe na ulam ay agad na niyang tinungo ang sweets. “Lintik ng . . . Ang dami . . .” Tila nangangati ang kaniyang mga palad maging ang dila niya. Parang mas gusto na niyang kumuha at deretsyo lagay sa bibig niya. Wala ng plato-plato at kutsara. “Mukhang mapapakinabangan mo rito ang talento mong kain ngunit ’di naman tumataba, Wenona,” bulong niya sabay subo sa bite size na macaroons. “Hmmm . . . Heaven.” Halos apat na nguya lang niya ito at sinubo naman niya ang isang cupcake na may strawberry frosting. Dinilaan niya ang kanyang kamay at sinipsip iyon habang namimili ng bagong lalapain. “Seemed you're a fan of sweets, Wenona.” Nilingon naman niya ito agad habang nasa bibig pa rin niya ang kanyang daliri. “Ang sarap po, Sir. Gusto mo rin bang sumubo?” inosente niyang tanong dito. “Ako ang sumusubo sa babae,” wika nito at kinindatan pa siya. Mabilis naman niyang na-gets ang ibig nitong sabihin kaya ay agad niyang ibinaba ang kanyang kamay at mabilis na tumalikod upang kumuha ng mga sweets. “I’ll be waiting in that secluded table.” Pinagmasdan niya ang paglayo nito bago pa lang siya napabuntong hininga. “Wenona . . . Ano ba ’tong pinasok mo?” ‘Baka ikaw na ang pasukan later . . .’ Mariin niyang pinisil ang sarili bago bumalik sa pamimili ng sweets. Nang matapos siya ay dahan-dahan niyang tinungo ang kinaroroonan ni Glenn. Nang tuluyan na siyang nakalapit ay halos mabuwal na siya sa kanyang kinatatayuan. “A-ang dami pong pagkain, Sir . . .” she mumbled. “Yeah. I’m hungry,” anito sabay hiwa ng steak na parang may dugo pa ang karne. Marahan itong ngumuya na para bang ngayon pa lang ay nahihiya na siya sa table manners na meron siya. Nilapag na lang niya sa table ang hawak niyang pagkain at umupo na rin sa tapat nito. Panakaw niyang pinagmamasdan ang bawat subo nito. Hindi niya mapigilang napangiwi. Tila siya ang napapagod sa arte nitong ngumuya. Dahil hindi niya alam kung kaya niya rin bang kumain ng ganito ka graceful ay dinampot na lang niya ang bite size na macaroons at unti-unti iyong kinain. Para siyang maluluha habang pinagmamasdan ito na pwede nga niyang pagsabayin ang tatlo sa loob ng kanyang bibig. ‘Lintik! Parang gusto kong manakal.’ “Aren't you enjoying the food? Try the steak. It tastes heavenly.” Naglapag ito ng isang medium size na hiwa sa isang plato at binigay sa kaniya. Sunod-sunod ang lunok na ginawa niya nang lumabas ang mamula-mula pang katas nang hiwain niya ito. Parang gusto na niyang mag back out dahil dito. Ngunit isipin pa lang niya na baka ma-offend ito at tanggalin siya sa serbisyo ay hindi na niya kaya dahil sa laki ng perang mawawala. ‘Kung narito sina Nonot at Allen . . . Tiyak akong hahagikhik ang mga iyon. Hay, parang gusto ko rin silang dalhin dito.’ Pinilit niyang isubo ang maliit na hiwa at awkward na ngumiti sa boss niya. “See? It tastes good right?” Tumango naman siya. Hindi halatang balak na niyang sumuka muli. Nang matagumpay niya itong nalunok ay halos maubos na niya ang isang basong juice. Medyo mapait ang lasa nito ngunit hindi na niya ininda. Makalipas ang halos isang oras ay naubos niya rin ang mga kinuha niyang pagkain habang marami namang natirang pagkain sa boss niya. “Uhm! Sir, magkano po ba ang bayad dito?” tanong niya habang ngumunguya pa rin ng steak na pinilit niyang ubusin. “Well . . . To tell you honestly, it's just cheap. Three hundred thousand for a buffet is not bad.” Agad siyang napaubo sa sinabi nito dahilan upang tumalsik sa pisngi nito ang nginunguya niyang steak. “So-sorry po, Sir. Pe-pero ang mahal naman po kasi,” wika niya sabay kuha ng tissue at nilinis ang pisngi nito. “Nah. It's just cheap compared to their high quality wines. It's what I love about this place.” Ngumiti na lang siya sabay tingin sa karatula na nakalagay sa isang electronics device. ‘Eat and drink all you can for as low as three hundred K.’ “Pwede ko po bang ibalot itong mga sobra mong pagkain, Sir?” Feeling niya ay nawala na ang hiya niya sa katawan matapos nalaman ang laki ng perang binayad nito. Tila pakiramdam din niya ay naging flavorful ang kinain niyang madugong steak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD