bc

BINIBINI

book_age16+
25
FOLLOW
1K
READ
time-travel
fated
twisted
sweet
mystery
medieval
small town
virgin
gorgeous
naive
like
intro-logo
Blurb

Napadpad si Sandro sa taong 1950 mula sa kasalukuyan. Hindi alam kung paano makakabalik sa kasalukuyan kaya minabuti nitong hanapin si Maria Ang babaeng first love ng kanyang Lolo.

Unang kita pa lang ni Sandro kay Maria nakaramdam na ito ng paghanga.

"You are so beautiful."

"Ano ang iyong sinasabi, Ginoo?" Nagtatakang tanong ni Maria sa strangherong titig na titig sa kanya. "May kailangan ka ba sa akin, Ginoo?"

"Ang ganda mo, Binibini. Maaari ko bang hawakan ang iyong kamay?"

"Isang kalapastanganan ang iyong hinihiling Ginoo, hindi kita kilala para hayaan kang mahawakan ang aking kamay."

Mas napahanga si Sandro ng makita ang reaction ni Maria. Mahinhin ang pananalita at nagmamay-ari ng napaka gandang mukha.

"Ako si Sandro Ravena ang magpaparaya sayo sa panahong ito, aking Binibini."

chap-preview
Free preview
Unang kabanata
Author's pov -Past "Oh, mahal ko. Bakit ngayon ka lang dito sa tagpuan natin?" Tanong ni Maria sa kakarating lang na si Gulliermo. "May problema ba at hindi maipinta ang iyong mukha?" Hindi nagsalita si Guillermo kahit nakayakap na sa kanya si Maria. "Nag-aalala ka ba na baka naniniwala ako sa mga bali-balita sa ating lugar?" "Maria-" "Malaki ang tiwala ko sayo mahal kaya kahit anong naririnig ko hindi ko pinaniniwalaan dahil alam kong hindi mo ako kayang lokohin. Wag kang mag-alala," nakangiting sabi ni Maria. "Totoo ang lahat," saad ni Guillermo kaya humiwalay si Maria rito. "Ano ba ang iyung sinasabi-" "Nabuntis ko si Encarnacion. Totoo ang naririnig mong balita, patawad." Hindi nagsalita si Maria pero ang luha ay tuloy-tuloy sa pag-agos. "Maria mahal na mahal kita alam mo 'yan-" "Paano tayo, Guillermo?" "Ayokong lumaki ang anak ko na wala ako, mahal na mahal kita pero kailangan kong gawin ang tama. Patawad mahal ko, patawarin mo ako-" "Mahal na mahal rin kita," bulong ni Maria na pinunasan ang luha at tumingin kay Guillermo. "Ikaw ang lalaking gusto kong makasama habang buhay." "Maria-" "Ginagalang ko ang iyung desisyon, Guillermo. Hindi kita pipigilan sa pakikipaghiwalay sa akin," mapait na ngumiti si Maria. "Tatanggapin ko ng buong puso ang desisyon mo pero maaari ko bang malaman kung ano ang nagawa kong mali para ipagpalit mo ako kay Encarnasion? Mahal mo na ba siya?" Umiling si Guillermo at naiiyak na niyakap si Maria. "Ikaw ang pinaka-perpektong babaeng nakilala ko, wala kang ginawang mali sadyang tanga lang ako para saktan ka. Patawad mahal ko," bulong ni Guillermo. Mahigpit na yumakap si Maria kay Guillermo habang umiiyak. Napansin ni Guillermo ang Daddy ni Encarnasion sa di kalayuan kaya humiwalay siya kay Maria at walang sabi-sabing tumalikod ito. "GUILLERMO, MAHAL NA MAHAL KITA!" Sigaw ni Maria pero hindi na muling humarap si Guillermo sa kanya. "Maria..." -present "Ang tanda mo na, 'Lo. Bakit kailangang hanapin ang first love mo? Hindi mo ba mahal si Lola?" "Gusto kong makita siya para humingi ng patawad sa mga ginawa ko. Gusto kong malaman kung sino ang naging asawa niya-" "Lolo naman! Kung nasaan man siya ngayon wala ka na dapat paki dahil may asawa ka na. Hinid ko alam kung ano ang meron sa babaeng unang mong minahal para saktan ang damdamin ni Lola ngayon," inis na sabi ni Guillermo sa kanyang Lolo. "Hindi mo ako naiintindihan, Apo. Si Maria-" "Pinipilit kong intindihin ka Lolo pero ang hirap eh. Pati si Daddy nagagalit sayo dahil wala kang bukam-bibig kundi ang first love mo. 'Lo matanda ka na, may mga apo ka at may sariling pamilya. Bakit hindi mo magawang kalimutan ang babaeng una mong minahal? Hindi mo ba mahal si Lola para makuha mo pang hanapin ang first love mo?" Si Sandro ay napadpad sa probinsya para kausapin ang kanyang Lolo tungkol sa first love nito na dahilan ng pag-aaway nila ng kanyang Lola. Lumuwas ng Manila ang kanyang Lola at tumuloy sa bahay nila, nalaman niya na pinapahanap ng kanyang Lolo ang first love nito kaya labis na nasasaktan ang kanyang Lola. "Hindi nila ako maiintindihan dahil wala sila sa katayuan ko," mariing sabi ni Lolo Jose. "Si Maria ang naging biktima nuon, siya ang lubos na nasaktan. Oo, mahal ko ang Lola mo pero hindi maalis sa isip at puso ko si Maria. Hangga't hindi ko nalalaman ang kinahinatnan niya nuong panahong nagkahiwaly kami hindi ako matatahimik." Natahimik si Sandro dahil ngayon lang niya nakita ang kanyang Lolo na ganito ka-emosyonal. Nakita niya pang pumatak ang luha ng matanda. "Lolo-" "Si Maria ang unang babaeng minahal ko ng lubusan. Ang ngiti niya ay napakaganda, sabi nga nuon ang swerte ko dahil ako ang mahal ng anghel sa lugar namin. Isa akong magsasaka habang si Maria naman ay nakakaluwag sa buhay pero tinanggap niya ako sa kabila ng estado ko sa buhay, ni minsan hindi niya ako kinahiya bilang nobyo niya. Nasa tabi ko siya lagi at sinusuportahan ako, napakaswerte ko sa kanya." "Bakit hindi naging kayo? Alam mo 'Lo nakaraan na 'yan eh. Ang pagtuunan mo ng pansin ay ang ngayon, nasasaktan si Lola-" "Naghiwalay kami dahil nabuntis ko ang Lola mo. Gulong gulo ako nang panahon na 'yun, pakiramdam ko hindi ako nararapat kay Maria. Alam ko na mahal niya ako, alam ko na tanggap niya ang pagiging mahirap ko pero masakit sa ego ko na hindi ko magawang bigyan siya ng mga bagay na nararapat sa kanya, siya lagi ang nagbibigay sa akin habang ako naman ay walang maibigay. Natukso ako," bulong ni Lolo Jose. "Ang Lola mo ay anak ng mayor nuon, hindi pumayag na hindi ko pakasalan ang anak niya kaya nagkahiwalay kami ni Maria. Wala akong nagawa dahil binantaan ako ng papa ng Lola mo na papatayin si Maria pag hindi ko pinanagutan ang Lola mo. Hindi ko makakalimutan ang gabing hiniwalayan ko siya, kita ko ang sakit sa mga mata niya pero pinili niyang tanggapin ang desisyon ko habang paulit-ulit na sinasabi na mahal niya ako at hindi mababago 'yun. Kahit nasasaktan na siya hindi siya nagalit sa akin, hindi niya ako sinumbatan sa mga nagawa niya para sa akin." "I'm sorry," bulong ni Sandro. Dahil sa narinig humanga siya sa babaeng nagngangalang Maria, sa lahat ng babaeng nakarelasyon niya puro sumbat ang naririnig niya tuwing nakikipaghiwalay siya. Ang pinaniniwalaan rin ni Sandro ay mahal ka ng babae pag may pera ka, hindi tulad nuon na purong pagmamahal ang mararanasan mo sa isang babae. "Tutulungan kitang makita si Maria," saad ni Sandro kaya napatingin sa kanya Si Lolo. "Ang hindi lang natin alam ay kung buhay pa ba siya sa panahon ngayon." "Bakit, Apo? Hindi ka na ba galit kay Maria?" "Lolo hindi ako galit sa first Love mo, galit ako sayo dahil hindi mo magawang kalimutan siya pero tama na ang narinig ko para maintindihan ka. Kahit siguro ako pag nakakilala ako ng ganyang babae sa panahon ngayon itatali ko na sa akin para hindi na makawala," biro ni Sandro. "Aba, sa panahon ngayon yaman ang labanan para makuha ang babae ang mahalin ka." Umiling si Lolo Jose at may kinuhang box sa silong ng kama. Nilahad niya ang isang lumang litrato kay Sandro kasabay ng ilang drawing ng nakangiting babae. "Sino siya?" Tanong niya habang nakatingin sa litrato ng babae. "Iisang babae lang ang nasa picture at sa mga drawing?" "Nuon ko pa ginuhit ang mga larawang 'yan, hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Siya ang aking Maria," nakangiting sabi ni Lolo Jose. "Ang ganda niya," bulong ni Sandro habang nakatitig mukha ni Maria. "Grabe Lolo para siyang manika." "Isa siya sa pinaka maganda sa baryo at madaming kalalakihan ang pinapangarap na mapansin niya. Ang swerte ko nga at ako ang minahal niya, 'yun nga lang malas siya na ako ang pinili niya. Kung pwede lang ibalik ang panahon," mahinang sabi ni Guillermo. "Lolo kung ibabalik ang panahon at pinili mo siya keysa kay Lola baka wala kami ngayon at hindi masaya ang pamilya," naiiling na sabi ni Sandro bago tumayo. "Goodnight, 'Lo. Inaantok na ako dahil napagod sa byahe." "Hahanapin mo siya di ba? Pag nahanap mo siya ihingi mo ako ng tawad sa binigay kong sakit sa kanya nuon." Titig na titig si Sandro sa kanyang Lolo at masasabing niya hindi nagsisinungaling ang mata nito. Kita ni Sandro na mahal pa ng kanyang Lolo ang kanyang first love. "Pangako hahanapin ko siya at magkikita kayo," saad ni Sandro bago tuluyang umalis sa kwarto ng kanyang Lolo. Pagbalik sa kwarto ni Sandro hindi mawala sa isip niya ang itsura ng first love ng kanyang Lolo. "s**t, kailangan kong matulog dahil balak ko pang mag-ikot ikot sa lugar bukas. Ang ganda naman kasi ng babaeng 'yun, siya na ang pinaka magandang babaeng nakita ko. Kahit sa mga naging babae ko walang may ganung ka-angelic na mukha. Kailangan kong mahanap siya baka may apo pa na pwedeng ligawan," bulong nito bago natulog. Alas-cuatro ng madaling araw nagising si Sandro at nag-umpisang mag-jogging sa sa lugar. "Sandro, ikaw na ba 'yan? Ang apo ni Kuya Guillermo?" "Manong Pedring, magandang umaga po. Ako nga po ito, kamusta po?" "Ay ito naghahanda na para mag-spray ng pampataba sa mga palay," sagot nito. Naalala ni Sandro na ang matandang kaharap ay kasama ng kanyang Lolo nuon pa. "Pwede po bang magtanong?" "Oo naman, ano ba 'yun?" "Ahhh," nag-aalangang umpisa pa nito. "Naalala kong sabi ni Lolo na kilala ka na po niya maliit ka pa lang. " "Aba oo, bata pa lang ako nuon nag-umpisa na akong magsaka at si Kuya Guillermo ang kasa-kasama ko. Nang umalis siya sa Sta. Rosa sinama niya ako dahil namatay ang magulang ko at wala ng mag-aalaga sa akin." "Ahh, matagal na po pala. Tatanungin ko lang po sana kung kilala niyo si Maria? 'Yung first love po ni Lolo." "Ah ang Binibining Maria. Oo naman kilala siya ng lahat ng tao sa baryo nuon dahil sa taglay nitong ganda. Bakit, Iho?" "Alam niyo po ang nangyari sa kanya pagkatapos ng paghihiwalay nila ni Lolo?" "Ay wala akong balita, Iho. Pasensya na." "Okay lang po, mauna na po ako." Pagdating sa bahay naligo muna si Sandro bago pumasok sa kwarto ng kanyang Lolo. Paghawak ng kamay ng kanyang Lolo naramdaman ni Sandro na malamig na ito. "Lolo! Lolo, gising ka!" Napaluha na lang si Sandro dahil tuluyan ng mamatay ang Lolo nito. Nakita niya ang puting papel na sulat ng kanyang Lolo. Sandro, Tuparin mo ang pangako mo sa akin kagabi. Hanapin mo si Maria at sabihin mong humihingi ako ng tawad sa pagpapa-iyak ko sa kanya nuon. Paki-sabi na mahal na mahal ko siya. Ingatan mo ang Lola mo, sabihin mo sa kanya na mahal ko siya. Masaya na ako kung nasaan man ako ngayon. Lolo Guillermo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
92.2K
bc

His Obsession

read
72.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook