I
"Oi Mera naghahanap Ng extra si Boss
Boyet sa banana plantation! ! "
malakas na sigaw ng kaibigan kong si Rosme,nagpapatulong kasi ako dito para makahanap ng ekstrang mapagkakakitaan.
"Salamat day ha" maikling tugon ko.kahit papaano ay malaking tulong na rin ang mga pa ekstra ekstra ko para matustusan Ang allowance at pang project ko sa school.
Ako nga pala si Mera Akira Castillo, labing apat na taong gulang,sa murang edad ay nakasanayan na ang pagbabanat ng buto para mabuhay. .
Tagaktak ang pawis habang busy sa pag tatrabaho Ang dalagitang si Mera. .
Sa hirap ba naman ng buhay ay kailangan pagsabayin ang pag-aaral at paghahanap-buhay.
Alas syete pa lang ng umaga ay nagsisimula na sya sa pag lilinis at pag bubunot ng damo.
" oh Mera ineng wala ka bang pasok ngayon at andito ka't nagtatrabho?" tanong ng nanay nanayan namin sa trabaho .
"absent po muna ako nay , may project kasi kame sa ibat-ibang subject " sagot ko sa matanda.
"bat ba kasi ikaw Ang nagtatraho eh Anjan naman ang mga magulang mo para umalalay Sayo."
napangiti nalang ako ng pilit dahil sa sinabi ng matanda..ang hirap maging mahirap , pero alam mo yung mas masakit? Yung wala ka man lang makuha ni konting suporta at pagmamahal sa sarili mong pamilya.