Chapter 93. She or He?

2589 Words

WYNTER JUAREZ Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak habang nakaupo sa malamig na tiles. Ang tagal bago humupa ng luha ko. Luha lang ang humupa, pero ang bigat sa dibdib ko ay ramdam ko pa rin. Siguro sadyang naubusan na lang ako ng tubig sa katawan kaya kusa nang tumigil ang luha ko kahit na humihikbi pa rin ako. Pinilit kong tumayo. Pinilit ko rin ihakbang ang mga paa ko paakyat sa taas. Sa kwarto ko. Ibinagsak ko ang katawan ko sa malambot na kama dahil pakiramdam ko ay naubusan ako ng lakas. Parang naisama rin ni Ryan paalis ang lahat ng natitirang lakas ko sa katawan. At ang tangi ko na lamang gustong gawin ngayon ay ang matulog para panandalian kong makalimutan ang sakit na aking nararamdaman. Ngunit ang masakit lang, nang subukan kong ipikit ang mga mata ko. Si Ryan pa rin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD