WYNTER JUAREZ "H'wag mo sanang isipin na kaya iiwan na kita dahil lang sa nakuha ko na ang gusto ko." Parang sÃnaksak nang matalas na kusilyo ang dibdib ko nang makita kong nagtutubig ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. "Ryan..." "Hindi gano'n 'yon, Wynter." At mas lalo pang nadoble ang sakit, parang natriple pa nang mag-iba na rin ang timbre ng boses niya. He's about to cry. "Hindi kita intentionally na gusto na lang iwan basta—" "Ryan, tumayo ka." Pinutol ko na siya agad. Sinubukan kong tatagan ang boses ko, pinilit kong pigilan ang paggaralgal no'n, kahit na sa loob-loob ko ay sumisigaw at nagwawala na ako. Sinubukan kong pigilan ang emosyon ko kahit ang sakit-sakit sa dibdib at lalamunan. At hindi ko alam kung saan ako nasasaktan. Sa katotohanan ba iiwan na niya ako? O

