Chapter 36. Longganisa

1571 Words

RYAN DELA CRUZ Hindi mapanuto p'wet ko sa upuan dahil walang tigil ang pag-vibrate ng cell phone ko na nasa bulsa kanina pa. Naka-silent kasi 'yon kaya vibration ang nararamdaman ko at halos wala 'yon tigil. Hindi naman ako p'wedeng mag-cell phone ngayon dahil kasalukuyan kaming nasa meeting. Si Tito Philip ang nakatayo sa harap at nagpapaliwanag, habang tahimik naman kaming lahat na nakaupo paikot sa malaking mesa. Kasama namin ang ilan pang mga kataas-taasan sa kompanya, pati na rin si lolo at ang stepmom ni Kuya Asyong. Si lolo ang katapat ko sa upuan at katabi naman niya si Margarette. Lahat sila nakatuon ang atensyon sa nagsasalitang si Tito Philip, maliban sa 'kin na nakayuko sa hawak kong folder. 'Yon ang folder na naglalaman ngayon ng mga bagay na ipinaliliwanag ni Tito Phili

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD