"If I had to choose the person I would see in my dreams, I would rather choose Ryan...while we were on a milk date." WYNTER JUAREZ "You scared the s**t out of me, Wynter." Inirapan pa ako Ate Bianca habang magkakrus ang mga kamay niya sa braso—suot ang pantulog—saka siya tumalikod at inis na nagmartsa pabalik sa kaniyang kwarto. Hindi ko naman kasi akalain na mabubulabog silang lahat sa pagsigaw ko. Pati si Ate Sophie, Kuya Hanz, Monet, mommy at ang ilan naming kasambay ay napalapit sa kwarto ko dahil sa malakas kong sigaw kanina. Naiiling na tumalikod si Ate Sophie sa amin. Gano'n din si Kuya Hanz. Hindi ko namalayang nakauwi na pala sila kanina since maaga akong nagkulong sa kwarto. Sumunod na rin si Monet na umalis pati ang ibang kasambahay namin upang bumalik sa kaniya-kaniya nila

