WYNTER JUAREZ Ramdam ko ang pagkapaso ng mga hita ko dahil sa init ng sabaw. Hindi ko tuloy alam kung ano ang una kong dadamputin. Kung iyong cup noodles na nahulog ba o ang bag ko upang humanap ng tissue. "Oh." Ryan handed me his handkerchief. Agad ko naman iyon inabot dahil wala ako sa kdrama para mapatulala pa saglit kapag may guwapong nag-abot sa akin ng panyo. Agad ko 'yon idinampi sa bandang hita ko para kahit papaano ay maabsorb no'n ang sabaw na kumalat na sa pantalon ko. Daig ko pa tuloy ang naihi. "Ano'ng ginagawa mo rito?" takang tanong niya makalipas ang ilang sandali. Napatayo naman ako nang diretso at hinarap siya nang muling sumagi sa isip ko si Ryza Samson. Was it a dream? I shook my head lightly trying to get rid of that thought. Sana nga panaginip ko lang 'yon. "I

