Chapter 29. Cake

1957 Words

RYAN DELA CRUZ "Kung gaano raw kalaki ang cake na isusubo mo sa partner mo, gano'n din daw ang amount ng pagmamahal mo sa kan'ya," natatawang sabi ng baklang host sa kasal namin. Nasa reception na kasi kami sa hotel. Kanina pa rin nagsimula ang kung anu-anong kaartehan nila na pilit ko lang sinasakyan. Pero ang totoo, wala talaga 'kong pake sa mga ganito. Ang gusto ko lang, matapos na 'to para makauwi na at makapagpahinga. Dami pa kasing kaartehan, hindi naman talaga kami magmamahalan! "Mauunang magsubo ng cake ang guwapong-guwapo nating groom na si Mr. Ryan Dela Cruz sa kan'yang super gorgeous na bride!" Pumalakpak ang karamihan dahil sa sinabi ng host. Syempre, wala akong nagawa kun'di kunin ang tinidor dahil na-slice naman na namin ang 3-tier na wedding cake. Kulay puti at gold an

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD