[Skipped Time...] RYAN DELA CRUZ Araw na mismo ng kasal ko pero nag-uumapaw ang pagka-badtrip ko. Sino ba naman ang hindi kung isang oras na, wala pa rin si Ryza! Siya 'tong nagpupumilit sa 'kin na magpakasal kami pero parang balak niya yata akong ipahiya ngayon. Ang dami ng tao sa simbahin, lalarga na ang barko, siya na lang ang kulang! Aligaga na rin ang lahat at naririnig ko na ang bulungan ng karamihan kung bakit daw wala pa ang bride. Si Dan naman at mga magulang ni Wynter, kanina pa abala sa kani-kanilang mga cell phone dahil mukhang sinusubukan nila itong kontakin. At bukod sa mga nagtatakang mga bisita, meron din namang tamang chill lang. Parang 'yung tatlong pamangkin kong kurimaw na nasa gawing harapan, pati na rin si Summer. Katabi nila parents nila, si Kuya Asyong at Keyce

